UMAASA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na madidiskubre na ang bakuna kontra COVID-19 nang maaga sa susunod na taon. Kaya ang panawagan ng Pangulo sa publiko ay pigilan na muna ang mamatay bago pa madiskubre ang bakuna laban sa COVID. Sa public message ni Pangulong Duterte, ngayong Miyerkoles, ay tinukoy ng Chief Executive ang kamakailan lamang na balita tungkol sa American biotech firm Moderna, na napaulat na nag-prodyus ng “positive interim” results sa first clinical tests nito. Dahil dito, umaasa si Pangulong Duterte na ang bakuna ay magiging available sa…
Read MoreAuthor: admin
LOCKDOWN KADA BARANGAY NA LANG
PLANO ng pamahalaan sa ilalim ng national action plan nito kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang pagpapatupad ng lockdown sa barangay level. Sa public message ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, ngayong Miyerkoles ay sinabi ni National Task Force COVID-19 chief implementer, Secretary Carlito Galvez, Jr, na ang plano ay ipatutupad sa pamamagitan ng tulong ng local government units (LGUs). “Ang ginagawa po natin ngayon […] baka hindi na tayo mag-declare ng lockdown per region but ang lockdown na lang natin nito by barangay,” ayon kay Galvez. “Ibig sabihin, paliitin na…
Read MoreABS-CBN, MALABO PA MAKABALIK SA ERE
MUKHANG mahabang panahon pa ang bubunuin ng ABS-CBN upang muli itong makapagsahimpapawid. Kasi nga sa ‘unanimous vote’ ng mga mahistrado ng Korte Suprema (KS), hindi nito pinagbigyan ang hirit ng Kapamilya Network na magpalabas o mag-isyu ng temporary restraining order (TRO) na hahadlang sa pag-iral ng cease and desist order (CDO) na inisyu ng National Telecommunication Commission (NTC) laban sa pagpapatuloy ng operasyon ng ABS-CBN makaraang mapaso na ang prangkisa ng nasabing network noong Mayo 4, 2020. Sa halip na TRO, pinagkukumento ng mga mahistrado ng Supreme Court (SC) ang…
Read MoreOFW PENSION, MULING ISINUSULONG
MARAMING isyu ang muling nabuksan dahil sa nararanasang pandemyang COVID-19 na kinakaharap ng buong mundo. Isa na rito ang reyalisasyon ng mga datihang Overseas Filipino Worker (OFW) na sa ganitong pagkakataon na dumaranas tayo ng krisis, wala palang maaring asahan ang mga dati o retired OFW. Karamihan sa mga retired o ex-OFW ay hindi man lamang napabilang sa nabigyan ng ayuda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ng Department of Labor and Employment (DOLE). Marami pa nga sa kanila ay nagpapadala ng messages sa inyong lingkod…
Read MoreDICT pinagpapaliwanag ng Palasyo CHECKPOINTS KULANG SA THERMAL SCANNER
HIHINGAN ng paliwanag ng Malakanyang ang Department of Informations and Communications Technology (DICT) kung bakit walang ginagamit na thermal scanner ang ilang COVID-19 checkpoints sa bansa. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry roque, maging siya ay personal din na napansin ang kakulangan ng scanner sa mga dinadaanan niyang checkpoints kapag nagtutungo sa palasyo ng Malakanyang para sa kanyang media briefing. Ayon kay Sec. Roque, madalas kapag naipakita niya na ang kanyang ID at rapid pass, agad na siyang pinalulusot sa mga checkpoint kahit hindi pa nai-scan ang kanyang body temperature. Dahil…
Read MoreQuarantine walang silbi kung walang mass testing – solon IATF SURRENDER SA COVID-19?
ITINUTURING ng isang mambabatas na pagwagayway ng bandila na indikasyon ng pagsurender sa laban ng COVID-19 ang kawalan ng plano ng Inter-Agency Task Force (IATF) na magsagawa ng mass testing. Ginawa ni Agusan del Sur Rep. Lawrence Fortun ang pahayag matapos sabihin ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi magkakaroon ng mass testing upang malaman kung sino-sino ang tinamaan ng COVID-19 at ma-isolate ang mga ito upang hindi na makapanghawa. Umaasa ang mambabatas na magbabago pa ang isip ng IATF at ituloy ang mass testing at huwag aniya nitong ipasa…
Read More9 RIZAL TOWNS INAYUDAHAN NI CONG. NOGRALES
PATULOY sa pag-iikot sa mga lugar na sakop ng kanyang distrito sa lalawigan ng Rizal si Congressman Fidel Nograles upang mahatiran ng ayuda ang mga higit na nangangailangan. Sa kabila ng banta ng COVID-19 ay hindi huminto si Rizal 2nd District Rep. Nograles sa pagtupad sa kanyang tungkulin at personal na pinupuntahan ang mga bayan sa kanyang nasasakupan bitbit ang ipamamahaging relief packs at cash. Sa cellphone interview ng SAKSI Ngayon kay Nograles, isang Harvard-trained lawyer, sinabi niya na mas kailangan ngayon ng suporta ng kanyang mga kababayan dahil marami…
Read MoreP8.6-B AYUDA SA AIRLINE FIRMS, TABLADO SA SENADO
TINIYAK ni Senadora Grace Poe na hindi magaganap ang kahilingan ng kumpanya ng mga eroplano na bigyan sila ng P8.6 bilyong ayuda kada buwan na manggagaling sa pamahalaan dahil sa negatibong epekto ng coronavirus – disease 2019 (COVID-19) sa aviation industry. Ang paninindigan ni Poe ay sagot sa ‘opisyal’ na kahilingan ng Air Carriers Association of the Philippines (ACAP) na ipinarating sa Senate Committee on Public Services. Idinahilan ng ACAP sa komiteng pinamumunuan ni Poe na malaki ang epekto sa kanilang hanay ng pagpapatigil ng operasyo ng mga eroplano simula…
Read More160 PSG MEN, NAGPOSITIBO SA COVID TEST
NANANATILING protektado si Pangulong Rodrigo Roa Duterte mula sa banta ng COVID-19 kahit pa nagpositibo ang 160 sa mga tauhan ng Presidential Security Group na nagbibigay-seguridad sa kanya. Tiniyak ni PSG Commander Col. Jesus P. Durante III PA, na bagamat may PSG personnel na nagpositibo sa COVID-19 ay siniguro nitong matagal nang gumaling ang isang nagpositibo sa sakit. “No detailed close-in security personnel of PRRD tests positive for COVID-19,” ani Durante. Wala rin aniyang exposure si Pangulong Duterte sa PSG member lalo pa’t hindi naman ito detailed bilang close-in security.…
Read More