DOFW, TINULUGAN NA NGA BA NG SENADO?

AKO OFW

NAGHIHIMUTOK na ang mga OFW sa tila hindi pagbibigay ng importansya ng Senado na talakayin ang panukalang batas  upang maitayo ang Department of Overseas Filipino Workers (DOFW). Bagaman nauunawaan ng mga OFW na maraming importanteng bagay ang dapat pagtuunan ng pansin ng Senado, ngunit mas naniniwala sila na ang kapakanan ng milyon-milyong OFWs ay mas higit na importante kaysa sa isyu ng prangkisa ng isang pribadong kumpanyang ABS-CBN Corporation. Nagawa kasi ng Senado na magbalangkas ng panukalang batas upang pagkalooban ng provisional franchise ang ABS-CBN kahit sa pamamagitan lamang ng…

Read More

2ND WAVE NG P1-K KADA PAMILYA IPAMAMAHAGI SA MAYNILA

MULING makatatanggap ng ayuda ang 607,000 pamilya sa lungsod ng Maynila dahil mula sa linggong ito, nasa 2nd wave na ang P1,000 cash na ipamamahagi mula sa City Amelioration Crisis Assistance Fund (CACAF). Ito ang inanunsyo ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso noong Sabado, Mayo 16, makaraang maaprubahan ang ordinansa para sa 2nd wave ng P1,000 para sa lahat ng mga residente ng lungsod. Mararamdaman na ng publiko, ayon sa alkalde, ang distribusyon cash assistance simula sa darating na linggo. “Ito naman po ang aasahan niyong ayuda sa darating…

Read More

MGA STRANDED ‘DI PA RIN MAKAUUWI KAHIT MECQ NA

HINDI pa rin papayagan na makauwi sa kani-kanilang lalawigan ang mga naipit sa Metro Manila sa panahon ng modified enhanced community quarantine (MECQ) hanggang May 31. Maliban na lamang kung mauuri ang mga ito bilang “authorized persons outside residence” o APOR. Ang paalalang ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay bunsod ng matinding daloy ng trapiko sa pangunahing lansangan kabilang na ang EDSA, noong Sabado, May 16, unang araw ng ‘less strict MECQ.’ Sa ilalim ng MECQ, ay nananatiling walang public transport subalit ang mga private car ay pinapayagan sa…

Read More

AUGUST 24, BALIK-ESKWELA KAHIT WALA PANG BAKUNA KONTRA COVID-19

SINANG-AYUNAN ni ACT-CIS Party-list Representative Niña Taduran ang desisyon ng Department of Education na buksan na ang klase sa August 24, 2020. Base na rin sa itinatadhana ng batas, ang pagbubukas ng klase ay hindi maaaring lumampas sa buwan ng Agosto, at kailangan nang bumalik muli sa pag-aaral ang mga bata. “Hindi naman kailangang face to face classes. Maaaring gumawa ng learning modules ang eskwelahan na gagawin naman ng bata sa bahay. Workbooks and online teaching can be the schools’ alternatives for physical classes,” pahayag ni Taduran. “Unless schools can…

Read More

HALUGHUGIN ANG MGA NOGO – SOLON

HINILING ng isang mambabatas sa Kamara sa Task Force POGO (Philippine Offshore Gaming Operator) na paigtingin ang paghalughog sa mga Non-registered Gaming Operation (NOGOs). Ginawa ni House games and amusement vice chairman Eric Yap ang nasabing panawagan matapos ang sunod-sunod na operasyon laban sa mga illegal POGO na nag-ooperate kahit sa panahon ng enhanced community quarantine (ECQ). “Sigurado marami pang Non-registered POGO ang nag-ooperate dyan. Kailangang haluglugin ang lahat ng sulok para mahuli sila,” ayon pa sa mambabatas. Huling operasyon ng mga otoridad sa mga NOGO noong Huwebes sa Las…

Read More

SENADO TATALUPAN ANG PAMAMAHAGI NG SAP

SINIGURO ni Senador Panfilo Lacson na magsasagawa ng imbestigasyon ang Senado kaugnay ng mga reklamo hinggil sa pamamahagi ng Social Amelioration Program. Sinabi ni Lacson na maging siya ay nakatanggap ng mga reklamo mula sa mga benepisyaryo ng SAP na sinasabing kinotongan ng ilang barangay officials sa kanilang lugar at ang iba naman ay hindi napagkalooban ng financial assistance kahit benepisyaryo ito. “Sa Senate hearing sa May 19, kailangang linawin ang pagbibigay ng ayuda. Kasi maraming reklamo sa ground. ‘Yun nga, may di nakakarating. Ang iba hinahati. Sa Cavite lang…

Read More

LOPEZ, BINATIKOS SA ‘STUPID THREAT’ SA MANGGAGAWA

HINDI pinalampas ng NAGKAISA Labor Coalition na banatan ang pahayag ni Trade and Industry Secretary Ramon Lopez laban sa mga manggagawa kung saan isinalarawang “stupid” ang pananakot ng kalihim sa mga obrerong hindi makababalik sa kani-kanilang pinapasukang kumpanya simula nang ilagay ang National Capital Region (NCR) at iba pang rehiyon sa Luzon sa modified enhanced community quarantine (MECQ) nitong Mayo 16. “It seems … DTI Chief [Ramon Lopez] is in an ethereal world. How can workers report to work when there yet no available means of transportation to bring him…

Read More

9 SUGATAN SA SUNOG SA PASAY

SUNOG

SUGATAN ang siyam katao sa sunog na tumupok sa magkakadikit na bahay na tinitirhan ng mahigit 60 pamilya kaninang tanghali sa Pasay City. Isa sa mga nasugatan ay kinilalang si Samuel Caducoy. Sa inisyal na ulat ng Pasay BFP, nagsimula ang sunog dakong alas-12:40 ng tanghali sa isang bahay sa M. dela Cruz St., Barangay 130, Pasay City. Ganap na nakontrol ang apoy pasado alas-5 ngayong hapon. Inaalam pa ng mga awtoridad ang pinagmulan ng sunog. DAVE MEDINA       271

Read More

Kukomprontahin sa mga ‘krimeng’ nagawa sa Konstitusyon, BIR at Labor laws ABS-CBN, ‘DADAAN SA BUTAS NG KARAYOM’

SA esensiya, ‘dadaan sa butas ng karayom’ bago ibigay ng Kongreso ang bagong 25-taong prangkisa ng ABS-CBN Broadcasting Corporation na siyang orihinal na hinihingi ng mga may-ari at pamunuan nito. Walang ibang nagdiin ng puntong ito kundi mismong pinuno ng Kamara de Representantes na si Speaker Alan Peter Cayetano. Ani Cayetano, “Both the House of Representatives and the Senate will hear the issues being raised for and against the renewal and assess, with complete impartiality and fairness, whether or not the network shall be granted a franchise for another 25…

Read More