MAHIHIRAP SA MECQ, TATANGGAP NG 2ND TRANCHE SAP SUBSIDY – SEC. ROQUE

MAKATATANGGAP ng second tranche ng cash assistance mula sa Social Amelioration Program (SAP) ng pamahalaan ang mga pamilyang nasa kategoryang mahirap sa mga lugar na nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ). “Kasama sa second tranche ang MECQ,” ayon kay presidential spokesperson Harry Roque sa Laging Handa press briefing. Nauna rito, sinabi ng Malakanyang na ang second wave ng emergency subsidy ay limitado lamang sa kuwalipikadong benepisaryo sa mga lugar na nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ). “Lilinawin ko po sa second tranche, inaantay ang memo galing sa…

Read More

6 POLICE GENERAL, 12 IBA PA KINASUHAN SA SINAS PARTY

PINABORAN ng dating Philippine National Police (PNP) chief ang pagsasampa ng kaso laban kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief MGen. Debold Sinas at kanyang mga bisitang opisyal. Sa panayam ng media, hindi maaaring isa-isantabi ang mga nagawa ni Sinas sa Metro Manila bilang pinuno ng PNP-NCRPO sa pagpapatupad ng enhanced community quarantine para labanan ang pagkalat ng coronavirus disease,  gayunman, nararapat pa ring igawad dito  ang kaparusahan base sa imbestigasyon ng mga kinauukulan sa Department of the Interior and Local Government at PNP kaugnay ng idinaos niyang birthday…

Read More

ECQ PROTOCOL PINAGTAWANAN SA B-DAY PARTY?

PUNA

TRENDING ngayon at pinuputakte ng netizens ang YouTube video ng birthday party ni Sto. Tomas, Pangasinan Mayor Timoteo “Dick” Villar III noong May 6, 2020. Na-PUNA ng netizens na hindi nasunod ang physical distancing sa pagtitipon sa bandang madaling araw ng nasabing petsa. Kitang-kita sa YouTube na kinamayan ni Mayor Villar, noon ay walang suot na face mask, ang kanyang mga panauhin. Malinaw na hindi nasunod ang physical distancing dahil sa kanyang pagkamay sa mga bisita na wala ring espasyo sa kanilang mga pagitan. Ayon sa nakuhang impormasyon ng PUNA,…

Read More

ATTY. FELONGCO, PINUNO NG NAPC LIDER PA NG KnM? 

Badilla Ngayon

NAKARATING sa inyong lingkod  na dalawang sectoral representatives ang nakabasa ng Badilla Ngayon na ang paksang ay ang National Anti-Poverty Commission (NAPC). Siyempre, hindi gusto ng sectoral representatives na mabuwag ang NAPC dahil kahit paano ay mayroon itong pakinabang sa kanila. Iyong isang nakabasa ng Badilla Ngayon, nagulat dahil naibunyag sa kolumn ang paghahanda nina Atty. Noel Felongco (NAPC secretary/lead convenor) at Elias Labro, Jr. (head executive assistant at chief of staff ni Felongco) ang pagtakbo sa eleksyon ng sistemang party-list sa 2022 gamit ngayon ang NAPC at ang Koalisyon…

Read More

WATER LEVEL SA ANGAT DAM, TUMAAS NG 3 METRO

angatdam12

TUMAAS ng tatlong metro ang tubig sa Angat Dam dulot ng ulan ng Bagyong Ambo. Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nasa 190.19 meters na ang water level sa Angat Dam na matatagpuan sa Norzagaray, Bulacan. Mula noong ikalawang linggo ng buwan ng Enero ay tuloy-tuloy ang pagbaba ng tubig sa Angat Dam dahil sa kawalan ng ulan at nitong buwan ng Abril ay lalo itong bumaba dahil sa naranasang sobrang init at mataas na demand ng tubig ngayong summer. Noong nakaraang Biyernes ay nasa 187…

Read More

PDU30 UMUWI NG DAVAO

MATAPOS ang mahigit dalawang buwan na pananatili sa Bahay Pagbabago sa Malakanyang ay umuwi sa kanyang bahay sa Davao City si Pangulong Rodrigo Roa Duterte para makasama ang pamilya. “He is [in Davao City],” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque sa text message. Sinasabing 11:04 kagabi, araw ng Biyernes, nang marinig ang Presidential chopper na umalis ng Malakanyang. Sa kabilang dako, kinumpirma naman ni Presidential Security Group commander Colonel Jesus Durante III ang pag-uwi ni Pangulong Duterte sa Davao. “He is in Davao after more than two months of not…

Read More

MECQ UMIIRAL NA SA METRO MANILA, 6 PANG LUGAR

SIMULA na ngayon ang pagsasailalim sa Metro Manila, Laguna at lima pang lalawigan sa bansa sa ilalim ng relaxed confinement measures o modified enhanced community quarantine. Layunin nito na pigilan ang paglaganap ng nakamamatay na coronavirus disease 2019 (COVID-19). Base sa Resolution No. 37 na ipinalabas ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases, ang mga lugar na nasa ilalim ng MECQ epektibo ngayong araw, May 16 na tatagal hanggang May 31 ay National Capital Region at ang munisipalidad ng Pateros; Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga kabilang…

Read More

MGA KUMPANYA INOOBLIGANG MAGKAROON NG SHUTTLE SERVICE NGAYONG MECQ

SINABIHAN ng Malakanyang ang lahat ng mga kompanya na pinahihintulutan nang magbukas sa ilalim ng modified ECQ na kung hindi sila makapagpo-provide ng shuttle service sa kanilang mga empleyado ay huwag na muna silang magbalik  operasyon. Ang pahayag na ito ni Presidential spokesperson Harry Roque ay matapos lumutang ang mga katanungan na kung paano umano  makapapasok sa trabaho ang mga empleyado na nasa MECQ area kung wala namang pampasaherong sasakyan na pinapayagang  pumasada. Ani Sec. Roque, mas mabuting huwag na munang magbukas ang mga kumpanyang hindi magbibigay ng service para…

Read More

HIRAP SA PAGSAKAY LALONG TITINDI

DPA

HINDI ko maimagine kung ano ang pagdaraanang hirap ng commuters kapag pinayagan na silang bumalik sa kanilang trabaho sa gitna ng COVID-19 pandemic dahil lilimitahan ang pasahero sa lahat ng pampublikong sasakyan. Bago nagkaroon ng pandemic, hirap na hirap na ang mga commuter sa pagsakay papasok sa trabaho at maging sa kanilang pag-uwi sa kanilang bahay dahil sa kakakulangan ng maayos na transport system sa ating bansa lalo na sa Metro Manila. Kapag lumalabas  ka ng madaling araw, makikita mo ang napakaraming kababayan natin na nag-aabang na nang masasakyan para…

Read More