SINAS, ‘DI NA MAGIGING PNP CHIEF

Badilla Ngayon

SIMULA nang hindi kinilala ng mga naging pangulo ng bansa ang aspeto ng ‘seniority’ sa pagpili ng hepe ng Philippine National Police (PNP), maging ang direktor ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ay naging ‘regular’ na “kandidato” sa pagiging pinuno ng pambansang pulisya. Ang tawag sa NCRPO director ay “dark horse” sa mga pinagpipiliang hepe ng PNP. Ngayong termino ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang NCRPO director noon na si General Oscar Albayalde (major general siya sa panahong ito) ang pumalit kay General Ronald dela Rosa sa puwesto. Napili ni Duterte…

Read More

11K GRADUATES SA LAS PINAS, TATANGGAP NG CASH AID

MAKATATANGGAP ng cash assistance ang 11,000 na graduate students mula sa mga pampublikong paaralan sa Las Pinas City. Ito ay matapos na magdonate ngayong araw, May 15, 2020, ng halagang P11-million si dating Las Piñas City Mayor Vergel “Nene” Aguilar para sa pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga nakapagtapos ng kanilang pag-aaral ngayong School Year 2019-2020. “Walang pinakamagandang regalo sa ating kabataan kundi edukasyon. Gusto ko lang makatulong sa mamamayan ng Las Pinas,” pahayag ni dating Mayor Nene Aguilar. Ayon sa Las Piñas City Government, kabilang sa mapagkakalooban ng cash…

Read More

TAHO, BALUT BALIK-KALSADA NA

MAAARI na ulit magbenta ang mga street vendor ng taho at balut sa ilalim ng modified quarantine measures sa kondisyon na kailangan nilang sundin ang social distancing. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na makakakain na ulit ang mga suki ng taho at balut sa mga lugar na ibababa na sa modified community quarantine. Sinabi ito ni Sec. Roque isang araw bago magpalit ang quarantine measures sa iba’t ibang lugar sa bansa na naglalayon din na payagan ang ibang industriya na mag-resume ng operasyon kahit na nabawasan ang workforce at…

Read More

CASH AID NG MAHIHIRAP SA GCQ AREAS, PINAHAHANAPAN NG PONDO NI PDU30

IPINAG-UTOS na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Budget Secretary Wendel Avisado na maghanap ng pagkukunan ng pondo para makatanggap din ng cash aid ang mahihirap na pamilya sa lugar na isasailalim sa general community quarantine. Ito’y makaraang ianunsyo ng Malakanyang na ang mga low-income families na lamang sa ECQ areas ang makatatanggap ng ikalawang tranche ng pinansyal na ayuda mula sa gobyerno. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, pag-aaralan ng gobyerno kung kakayaning isama ang GCQ areas sa ikalawang tranche ng SAP aid. Iyon nga lamang, hindi pa masabi…

Read More

KASO NG COVID-19 SA VALENZUELA, 152 NA

NADAGDAGAN ng pito ang bagong kaso na nagpositibo sa COVID-19 sa Valenzuela City. Si VC146 ay isang 17-anyos na lalaki at si VC147 naman ay isang 18-anyos na lalaki. Mga returning OFW naman ang 26-anyos na lalaki na si VC148 at si VC149 na isang 59-anyos din na lalaki. Si VC150 na isang 15-anyos na babae at VC51 na isang 12-anyos din na babae ay mga anak nina VC108 at VC134. Habang si VC152 ay isang 64-anyos na lalaki na binawian ng buhay noong May 1, 2020. Ayon sa report…

Read More

BAGYONG AMBO PATULOY SA PANANALASA

BAHAGYANG nabawasan ang lakas ng bagyong Ambo matapos ang ikaanim nitong landfall ngayong umaga. Humagupit ang bagyo sa Eastern Visayas at ilang bahagi ng Kabikulan mula kagabi. Ngayong tanghali, iniulat na nasa bahagi na ng Catanauan, Quezon ang sentro ng bagyong Ambo at papalapit sa Northern Quezon – Laguna area. Ayon sa PAGASA, ang eyewall region ng bagyo ay naghahatid ng mapaminsalang hangin at heavy hanggang intense na pag- ulan sa norther portion ng Bondoc Peninsula. Taglay pa rin ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 125 kilometers bawat…

Read More

KAMAY NA BAKAL VS PASAWAY

PUNA

SUNOD-SUNOD ang mga post sa social media ng mga atake sa mga opisyal ng gobyerno lalo na kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Kamakailan nahuli ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang guro ng ­pampublikong paaralan na nakilalang si Ronnel Mas, 25, ng Sta. Cruz, Zambales dahil sa post nito noong Mayo 5, 2020 bandang alas-9 ng gabi sa twitter na nagsasabing magbibigay siya ng P50 milyon sa sinumang makapapatay kay ­Pangulong Duterte. Sa mga mahusay sa lohika, basa nila na mababaw ang dahilan ng galit ng…

Read More

TULOY PA RIN ANG PANAWAGAN SA PHILHEALTH  

AKO OFW

MISTULANG natabunan ang usapin sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ng ibang isyu kabilang nga ang pagsasara ng National ­Telecomunications Commission (NTC) sa istasyon ng ABS-CBN dahil sa kawalan nito ng prangkisa. Kasunod nito ay ang sunod-sunod na mga ­iresponsableng ‘social media post’ kung saan ay pinagbabantaan ang buhay ng ating Pangulong ­Rodrigo Duterte ngunit dahil sa mabilis na pag-askyon  ng National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) upang agarang mahuli ang mga tao na nasa likod nito, ay unti-unting humuhupa ang usapin. Kaya naman marahil ay…

Read More

DUQUE MULING KINASTIGO SA PATIENT DATA ERRORS

MULING kinastigo ni Senate President Vicente Sotto III si Health Secretary Francisco Duque sa pagpapalabas ng maling impormasyon hinggil sa bilang ng pasyenteng tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) na natuklasan ng UP Resilience Institute kamakailan. Sa panayam, sinabi ni Sotto, naunang nagpasa ng resolusyon na nanawagan sa pagbibitiw ni Duque, na masyadong malaki ang epekto ng maling data na natuklasan ng UP Resilience Institute, sa magiging desisyon ng pamahalaan laban sa COVID-19. “Masyadong significant. As a matter of fact, meron pang, kung hindi ako nagkakamali, there were 516 cases…

Read More