(NI JEAN MALANUM) MATAPOS ang matagumpay na staging ng Asean Grand Prix na nagsilbing test event ng volleyball sa Los Banos, Laguna ay nakatuon naman ang pansin ng Philippine SEA Games Organizing Committee (PHISGOC) sa lima pang kompetisyon na gagawin bago magsimula ang 30th SEA Games sa Nobyembre 30. Nakatakdang idaos sa Subic Bay Boardwalk (Zambales) ang modern pentathlon sa Oktubre 9-10, samantalang gagawin ang athletics at diving (Oktubre 26-27) at waterpolo (Oktubre 28) sa mga pasilidad na itinayo sa loob ng New Clark City (NCC) sa Capas, Tarlac. Ang…
Read MoreAuthor: Jet
TRACKER TEAM NG PNP KUMILOS VS JOHNSON LEE
(NI JG TUMBADO) TINUTUNTON na ng isang tracker team ng Philippine National Police (PNP) ang Korean drug suspect na Johnson Lee. Si Lee ang sinasabing target ng operasyon ng mga dating tauhan ni PNP Chief Oscar Albayalde sa Lakeshore Subdivision sa Mexico, Pampanga noong 2013. Ngunit nadiskubre sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee na napalaya umano si Lee kapalit ng P50 million ng grupo ni Maj. Rodney Baloyo IV na siyang pinuno ng raiding team. Sa halip na si Lee ay isang Ding Wenkun ang iprinisinta ng grupo ni…
Read MoreHEALTHCARE, HOUSING SA SUC PERSONNEL, IGINIIT
(NI DANG SAMSON-GARCIA) UMARANGKADA na ang paghimay ng Senado sa panukalang pagbibigay ng healthcare benefits sa mga teaching at non-teaching personnel at ang in-campus housing sa lahat ng faculty members sa mga state universities and colleges. Pinangunahan ito ng bagong buong Senate Committee on Higher, Technical, and Vocational Education na pinamumunuan ni Senador Joel Villanueva. Tiwala naman ang senador na maisasabatas ang panukala para sa kapakanan ng mga empleyado ng mga SUC. “The people who make up our SUCs enable our society to progress by molding our youth into competent…
Read MoreUST-LA SALLE, REMATCH SA FINALS
(PHOTO BY MJ ROMERO) MAGTATAGPO ang University of Santo Tomas at De La Salle sa title rematch, matapos magtala ng magkahiwalay na panalo sa semis ng UAAP Season 82 Women’s Beach Volleyball Tournament kahapon sa Sands SM By The Bay. Ang four-peat seeking Golden Tigresses na ibinabandera nina Babylove Barbon at Gen Eslapor ay nahablot ang 8-0 card, kasunod ng 21-7, 21-8 panalo laban kina Ateneo’s Ponggay Gaston at Roma Mae Doromal. Habang sina Tin Tiamzon at Hustine Jazareno ng La Salle ay nanaig kina Sheena Gallentes Shiela Mae Kiseo…
Read MoreHIGIT 6,000 SA 20,000 BABOY NA PINATAY ANG MAY ASF — DA
(NI ABBY MENDOZA) NILINAW ng Department of Agriculture (DA) na maliit na porsiyento lamang ng mga baboy ang naapektuhan ng virus na African Swine Fever subalit umabot sa 20,000 kabuuang baboy ang pinatay dahil na rin sa nasa loob ito ng 1 kilometer radius kaya’t nadamay. Ang paglilinaw ay ginawa ng DA sa harap na rin ng mataas na bilang ng baboy na kinailangan nilang ilibing. Sinabi ni DA Spokesperson Noel Reyes, kung tutuusin ay maliit lamang na porsiyento ang tinamaan ng ASF ngunit para hindi na ito kumalat pa…
Read MoreMOCHA WALANG DELICADEZA – GABRIELA
(NI ABBY MENDOZA) “WALANG delikadeza si Mocha!” Ito ang inihayag ni Gabriela Partylist Rep Arlene Brosas matapos umanong tanggapin ni Mocha Uson ang alok ni Pangulong Rodrigo Duterte sa bagong posisyon gayong nasa batas ang isang taon na pag-ban sa mga talunang politiko na umupo sa anumang posisyon sa gobyerno. Kasabay nito, suportado ni Brosas ang pagbabawal sa pagtatalaga sa gobyerno ng mga talunang partylist nominees isang taon matapos ang eleksyon. Ayon kay Brosas dapat sakop ng ban hindi lamang ang mga political candidates kundi maging mga partylist nominees. Tinuran…
Read MoreMISS ECO TEEN PHILIPPINES TINANGGALAN NG KORONA
INIANUNSIYO ng Miss World Philippines Organization nitong Biyernes na ang reigning Miss Eco Teen Philippines na si Vanessa Mae Walters ay tinanggalan na ng korona at pinalitan ni Mary Daena Zaide Resurrecion. Ang mga rason na binanggit ay: 1) Misrepresentation of her credentials; 2) Unprofessional behavior, kabilang na ang hindi pag-attend ng functions, pag-walk out, at hindi pagpirma sa contract; at 3) Indecency, kabilang na ang pag-post ng nude photos niya sa social media; at public display of alcohol and tobacco use. Ang kapalit na si Ms Resurrecion ay walang nakuhang…
Read More169 TINAMAAN NG MENINGO MULA ENERO
(NI HARVEY PEREZ) MAY 169 na katao umano ang naitalang dinapuan ng meningococcemia sa bansa ngayong taong ito, kung saan 88 sa kanila ang binawian ng buhay. Ayon sa Department of Health (DOH),base sa inilabas na datos ng DOH-Epidemiology Bureau (EB),mula Enero hanggang Setyembre 21, 2019 ay nakapagtala sila ng 169 kaso ng meningo na may 88 nasawi o case fatality rate na 52%. Ito umano ay bahagya na tumaas kumpara sa 162 kaso na naitala sa kaparehas na panahon noong nakaraang taon, kung saan may 78 ang nasawi. “Most…
Read MoreNANCY OF MOMOLAND, JAMES REID MAY BAGONG SHOW
MAY bagong show sa ABS-CBN si James Reid at ang makakapareha niya rito ay walang iba kundi si Nancy McDonie na miyembro ng sikat na Korean pop group Momoland. Ang teleserye at may pamagat na “Soulmate” at ididirek ito ni Antoinette Jadaone na siya rin nagdirek ng mga teleseryeng “On The Wings of Love” at “Till I Met You” na pinagbidahan din ni James kasama ang girlfriend na si Nadine Lustre. Ang buong grupo ng Momoland ay pumirma na rin ng kontrata sa ABS-CBN. Sumikat sila sa kanilang “Bboom Bboom” dance. 781
Read More