(NI KIKO CUETO) HINDI kasama sa mga dapat na inaaresto ang murder convict na si Rolito Go. Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, hindi sakop sa mga pinapasuko si Go dahil hindi ito kasama sa good conduct time allowance (GCTA) law. “If I recall correctly, he was freed because of commutation of sentence. I don’t think it was because of good conduct time allowance alone,” sabi ni Guevarra. Nagpunta ang mga pulis sa bahay ni Go dahil nasa listahan siya ng convicts na kasama umano sa dapat na arestuhin nang mapaso…
Read MoreAuthor: Jet
SUCs SA BARMM NAPAG-IIWANAN
(NI NOEL ABUEL) UMAPELA ang isang senador sa pamahalaan at sa publiko na suportahan ang mga unibersidad sa ilalim ng Bangsamoro Autonomous Region (BARMM). Panawagan ni Senador Francis ‘Tol’ Tolentino sa Commission on Higher Education (CHED) na bigyan ng suporta at tulong ang mga State Universities and Colleges (SUCs) sa ilalim ng BARMM. Aniya, kailangang maiangat ang kalidad ng edukasyon ng mga nasabing paaralan nang sa gayon ay makahikayat ang mga ito ng mas maraming estudyante. “Nakalimutan na ang SUCs sa BARMM. We should be more proactive in addressing their…
Read MoreAUTOMATIC PROMOTION SA MAGRERETIRONG GOV’T OFFICIAL IGINIIT
(NI NOEL ABUEL) ISINUSULONG sa Senado ang pagbibigay ng awtomatikong promosyon ang isang government official sa oras na ito ang magretiro sa trabaho. Ayon kay Senador Ramon Bong Revilla, Jr. nais nito na magkaroon ng awtomatikong promotion ang isang government official o empleyado na eligible para sa compulsory retirement na One Grade Level Higher sa kaniyang kasalukuyang posisyon sa oras na ito ay magretiro. Sa inihain nitong Senate Bill No. 1019 o “An Act Providing Automatic Promotion of Government Officials and Employees upon Retirement from Government Service,” ang adjusted Salary…
Read MoreNAGSUMBONG SA PANGULO; PULONG ‘BANAS’ KAY SEC. PUYAT
(NI BERNARD TAGUINOD) NAPIKON si presidential son at Davao City 1st District Congressman Paolo “Pulong” Duterte kay Department of Tourism (DOT) Secretary Berna Romulo-Puyat. Sa manifestation ni Duterte sa plenaryo ng Kamara, Huwebes ng gabi, hindi nito napigilan ang kanyang sariling na sitahin ‘on record” si Puyat dahil sa pagsusumbong umano nito sa kanyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon sa Rep. Duterte, may plano itong mag-interpelate sa budget ng DOT matapos makarating sa kanyang kaalaman ang reklamo sa “managemeng style” ni Romulo-Puyat lalo na sa pag-apruba sa mga kontrata sa…
Read MoreALDEN INILAMPASO NI ANGEL SA RATINGS
LUNES, September 16, 2019 nang ipalabas ang pilot episode ng bagong Kapuso teleserye na “The Gift” na pinagbibidahan ni Alden Richards. Katapat nito ang ABS-CBN hit teleserye na “The General’s Daughter” na tatlong linggo na lang ay magtatapos na. Noong araw na unang umere ang “The Gift,” nakakuha lamang ito ng 16.5%, samantalang ang “The General’s Daughter” ay nakakuha ng 32.2%, o 15.7 na mas mataas sa teleserye ni Alden. Matatandaang ang pilot episode ng isa pang Kapuso teleserye, ang “Beautiful Justice,” ay tinalo rin ng hindi matinag-tinag na Kapamilya…
Read MoreTRACKER TEAMS VS PUGANTE NG GCTA IKINALAT NA NG NCRPO
(NI KOI HIPOLITO) IKINALAT na ngayon araw ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang tracker teams na tutugis sa napalayang inmates sa pamamagitan ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law. Ito ay matapos ang 15-araw deadline na ibinigay ni Pangulong Rodrigo Duterte hatinggabi ng Huwebes. Paalala ni NCRPO Chief PMGen. Guillermo Eleazar sa mga GCTA benificiaries na hindi nagpakita at ayaw sumunod sa utos ni Duterte, ituturing na silang mga pugante at isasailalim na sa warrantless arrest. Nagpakalat na rin umano sila ng mga tauhan na kumakatawan sa 26…
Read MoreDAGDAG-PRIBILEHIYO SA SENIOR: LIBRENG MGA BUWIS
(NI BERNARD TAGUINOD) MADARAGDAGAN pa ang mga pribilehiyong natatanggap ngayon ng mga senior citizens, dahil nais ng isang mambabatas na libre na ang mga ito sa iba pang uri ng buwis. Sa House Bill 3647 na inakda ni Davao del Sur Rep. Mercedes Cagas, nais nitong itodo ang mga prebilehiyong ibinibigay sa mga senior citezens bilang ‘memento’ sa naging kontribusyon umano ng mga ito sa bansa noong kalakasan nila. Kapag naipasa ang nasabing panukala, malilibre na sa real property tax ang mga senior citizens at maging ang buwis na binabayaran sa…
Read MorePAPALITAN? SALAMAT, ANDRAY – SBP
(NI JOSEPH BONIFACIO) NAGPASALAMAT ang pamunuan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas kay naturalized player Andray Blatche. Indikasyon ba ito na tapos na ang serbisyo ng dating NBA player sa Philippine national team? “I’d like to thank Andray. He performed really well in Seville. If not also because of him, we’ll not make it back to this World Cup. You know, he’s a big asset and big factor to our Gilas program for years,” lahad ni Al Panlilio, SBP president. Sinabi ni Panlilio na ang kapalaran ni Blatche ay nakasalalay sa…
Read MoreEXTENDED OPERATING HOURS NG MRT-3 PINAG-AARALAN
(NI KEVIN COLLANTES) TINIYAK ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) na pinag-aaralan nila kung palalawigin nila ang operasyon ng kanilang mga tren sa pagsapit ng holiday season ngayong Nobyembre hanggang Disyembre, kung kailan inaasahang tataas ang bilang ng mga pasaherong sumasakay ng kanilang mga tren. “Pinag-aaralan namin ‘yung extension ng oras kasi baka kakailanganin,” ayon kay MRT-3 Director Michael Capati, sa isang pulong balitaan. Sinabi ni Capati na kabilang sa kanilang ikinukonsidera bago maglabas ng desisyon ay ang naka-iskedyul na pagpapalit ng riles ng MRT-3 sa Nobyembre. Aniya…
Read More