(NI BERNARD TAGUINOD) DAHIL parami nang parami ang mga biktima ng human immunodeficiency virus (HIV), gagastos ang gobyerno ng hanggang P1 billion para sa gamot ng mga ito pagdating ng taong 2022. Ito ang pagtatayang ginawa ni Anakalusugan Rep. Mike Defensor dahil higit 10,000 ang naidaragdag na HIV patients kada taon kung ang datos mula 2015 hanggang 2018 ang pagbabasehan. Ang DOH ay nakapagtala na ng 5,366 bagong biktima ng HIV mula Enero hanggang Mayo ngayong taon kaya nangangamba ang mambabatas na lalagpas din sa 10,000 ang maidaragdag sa listahan ngayong 2019. Ayon…
Read MoreAuthor: Jet
76 CONVICT SA GCTA LAW NASA KUSTODIYA NA NG BUCOR
(NI HARVEY PEREZ) UMAABOT na sa 76 convict sa heinous crime nakinabang sa Good Conduct Time Allowance (GCTA), ang nasa kustodiya na ng Bureau of Corrections (BuCor). Ayon kay Justice Spokesperson Usec. Markk Perete, ang mga convicts ay nagsisuko bilang pagtalima sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na magsisuko sa loob mg 15 araw ang mga Persons Deprived of Liberties (PDL) na nakinabang sa GCTA. Nabatid na kabilang na rito ang dalawang convict sa Chiong sisters rape-slay case na nakilalang sina Ariel Balansag at Alberto Caño . Ang 28 umano…
Read MoreFALCONS ISINALBA NG 3-POINT SHOT
(PHOTO BY MJ ROMERO) PAPAUBOS na ang oras, dali-daling bumato ng isang three-point shot si Lenda Douanga. Pasok! Panalo ang Adamson University Soaring Falcons, 84-83 laban sa National University sa overtime game nila kahapon sa UAAP Season 82 men’s basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum. Angat ang Bulldogs, 83-81 mula sa short stab ni Dave Ildefonso at halos abot-kamay na ang panalo sa huling 1.4 seconds ng overtime period. Nagpasya si Adamson head coach Franz Pumaren na tumawag ng timeout. Pagbalik ng laro, hindi nag-aksaya ng oras si Congolese slotman…
Read MoreKOLEKSYON NG BUSINESS TAX SA LGUs, PATATAASIN
(NI DANG SAMSON-GARCIA) ISINUSULONG ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III ang panukala na naglalayong palakasin ang koleksyon ng buwis mula sa mga negosyo. Sa kanyang Senate Bill 494, nais ni Sotto na amyendahan ang Situs of the Tax na nakapaloob sa RA 7160 o Local Government Code of 1991. Ang situs ay tumutukoy sa lugar ng pagbabayaran ng buwis. Alinsunod sa nakagawian, ang mga negosyanteng mayroong principal offices sa Metro Manila ay pinapayagang magbayad ng buwis sa Kalakhang Maynila kahit ang kanilang operasyon ay sa mga lalawigan. “The Local…
Read MoreSANCHEZ ‘NAGATASAN’ DIN SA GCTA FOR SALE
(NI DANG SAMSON-GARCIA) MALAKI ang posibilidad na nakinabang sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) for sale si dating Calauan, Laguna mayor Antonio Sanchez. Paniniwala ito ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon kasabay ng pagdududa sa maluwag na paglabas-pasok ng common-law wife ng dating alkalde na si Elvira Sanchez. “I think so. Sa case ni Sanchez, nakita natin yung common-law wife niya, kayang-kayang pumunta doon sa Muntinlupa sa office ni (Nicanor) Faeldon kahit dis-oras ng gabi. Tapos the following day hindi siya nakapunta ng gabi pero nakakapasok siya. The…
Read MorePANGANGAILANGAN NG NSA, IBIBIGAY – PSC/POC
(NI JEAN MALANUM) PINAWI ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez ang pag-aalala hinggil sa mga equipment na gagamitin sa 30th Southeast Asian Games. Sinabi ni Ramirez na magkatuwang ang PSC at ang Philippine Olympic Committee (POC) para matugunan ang pangangailangan sa hosting ng bansa. “The PSC and the POC, through Cavite Rep. Abraham “Bambol” Tolentino have taken steps to ensure that the national sports associations will have their equipment ready for the their hosting of the SEA Games,” lahad ni Ramirez. Si Ramirez, na siya ring Chief…
Read MoreP1K MONTHLY AYUDA SA LAHAT NG SENIOR CITIZEN IKINAKASA
(NI NOEL ABUEL) BIBIGYAN ng P1,000 kada buwan ang lahat ng senior citizens sa buong bansa sa sandaling maipasa ang panukalang inihain sa Senado. Ayon kay Senador Francis Pangilinan, dapat na pagkalooban ang lahat ng nakatatanda sa bansa ng dagdag na ayuda para magamit na dagdag panggastos ng mga ito. Nakapaloob sa inihain nitong Senate Bill 259, nais nitong amyendahan ang Republic Act 9994 o ang Expanded Senior Citizens Act of 2010, sa dalawang pagkakaton. Inihalimbawa pa ng senador na dodoblehin ang buwanang pensyon mula P500 ay gagawing P1,000 at…
Read MoreSOLUSYON SA EDSA TRAFFIC TINIYAK SA SENADO
(NI NOEL ABUEL) PINAGSUSUMITE ng Senado sa Metro Manila Development Authority (MMDA) at Department of Transportation (DOTr) ang short at long term solution sa problemang dinaranas ng mga motorista sa kahabaan ng Epifanio delos Santos Avenue (EDSA). Ito ang ipinaalala ni Senador Grace Poe sa susunod na pagdinig ng Senate committee on public services sa Setyembre 10 kaugnay ng panukalang pagbabawal sa mga provincial buses na dumaan sa EDSA. Kabilang sa inaasahan ni Poe na dadalo sa public hearing sina Transportation Secretary Arthur Tugade, Metro Manila Development Authority (MMDA) chair Danilo Lim…
Read MoreGOLDEN TIGRESSES NAGPRAKTIS; LADY BULLDOGS DERETSO SA 82
(NI JOSEPH BONIFACIO) PINAGPRAKTISAN lang ng University of Santo Tomas ang University of the Philippines, matapos tambakan ng 55 puntos, 103-48 sa kanilang laro kahapon sa UAAP Season 82 women’s basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum. Namuno sa opensiba si last season’s MVP Grace Irebu, na nagpasabog ng double-double performance na 23 points, 13 rebounds, three blocks at two steals, para pangunahan ang apat pang Golden Tigresses ang may double digits scoring para simulan ang kanilang kampanya. “They say na mahirap to start the season and get the first win,…
Read More