(NI BERNARD TAGUINOD) KUNG mayroong panalo sa Republic Act (RA) 11203 o Rice Tariffication Law, ito ay walang iba kundi si Senate Agriculture committee chairperson Senador Cynthia Villar na siyang sponsor sa nasabing batas. Ito ang alegasyon ng mga magsasaka na sumugod sa Batasan Pambansa nitong Lunes upang hilingin sa mga kongresista na ibasura na ang nasabing batas dahil minasaker nito ang mga local na magsasaka. “The biggest winner of the law’s implementation is Senator Cynthia Villar, the sponsor of the law and the chair of the Senate Committee on…
Read MoreAuthor: Jet
‘NASAAN ANG HUSTISYA?’
(NI DANG SAMSON-GARCIA/PHOTO BY DANNY BACOLOD) “WHERE is justice here?” Ito ang naging buod ng pahayag ng ina ni rape-slay victim Eileen Sarmenta na si Ma. Clara Sarmenta sa emosyunal na pagharap sa Senado kaugnay sa muntik nang pagpapalaya kay dating Calauan, Laguna mayor Antonio Sanchez. Partikular na kinuwestyon ni Sarmenta ang sinasabing tangkang commutation kay Sanchez dahil sa ‘good behavior’ gayong namuhay na tila hari sa loob ng bilangguan ng mahigit 20 taon. “Noong nalaman namin na ganito, sinabi ko sa asawa ko, bakit ganoon akala ko ba maximum…
Read MoreRELEASE ORDER KAY EX-MAYOR BALDO HININGI NG PNP
(NI AMIHAN SABILLO) DUDULOG ang Philippine National Police (PNP) ng tulong ng Office of the Solicitor General (OSG) sa kaso ng pagpapalaya kay dating Daraga, Albay mayor Carlwin Baldo. Ito ang inihayag ni PNP Chief General Oscar Albayalde, aniya, ang OSG ay siyang magbibigay direksyon sa kanila ng hakbang na legal sa kaso. Ayon sa hepe ng pambansang pulisya, wala silang magagawa sa kaso dahil ang desisyon ay galing sa korte na dapat nilang respetuhin. Magtatalaga sila ng opisyal mula sa CIDG na siyang makikipag ugnayan sa OSG para sa…
Read MoreWARRANTLESS ARREST VS PINALAYANG CONVICTS
(NI AMIHAN SABILLO) MGA ‘fugitive’ o takas na bilanggo ang halos 2,000 presong pinalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance. Ito ang pananaw ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Oscar Albayalde lalo pa’t hindi na-validate nang husto ang release order ng mga ito. Ayon kay Albayalde, lumabas na hindi nasala ang pagpapalaya sa mga presong ito at maaring ipatupad ang warrantless arrest laban sa mga ito. Dahi dito, handa ang PNP na makipagtulungan sa Bureau of Corrections (BOC) para ma-account ang lahat ng mga pinalayang preso kung kakailanganin na…
Read More‘PHL MAY ‘K’ MAG-EXPLORE SA EEZ KAHIT WALA ANG CHINA’
(NI DANG SAMSON-GARCIA) HINIMOK ni Senador Francis Pangilinan ang Malacanang na isapubliko ang kasunduan sa China hinggil sa oil exploration sa West Philippine Sea at iginiit na may karapatan ang Pilipinas na i-explore ang resources sa exclusive economic zone (EEZ) kahit wala ang China. “Teritoryo natin ito at likas-yaman natin ito. Karapatan nating mga Pilipino na malaman ang mga detalye nito,” saad ni Pangilinan. Iginiit ni Pangilinan na dapat isumite ng Executive department ang report ng naturang kasunduan sa Senado. “Kailangan alam ng taumbayan ang laman ng kasunduan. Sila ang…
Read MoreBAGYONG ‘LIWAYWAY’ LUMAKAS; NAMATAAN SA CAMNORTE
(NI DAHLIA S. ANIN) MAS lumakas pa ang bagyong ‘Liwayway’ na may international name ‘LingLing’ na isa na ngayong tropical storm, ayon sa Pagasa. Magdadala ng mahina hanggang malakas na pag-ulan ang bagyong ito sa Bicol Region, Cagayan, kasama ang Babuyan Islands at Batanes. Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang nakataas na tropical cyclone wind signal sa mga nabanggit na lugar. Hindi naman inaasahang tatama sa kalupaan ang bagyo. Huling namataan ang sentro nito sa layong 340 kilometro Silangan-HilagangSilangan ng Daet, Camarines Norte o 455 kilometro sa Silangan…
Read MoreTARIPA SA IMPORTED NA BIGAS IGINIIT
(NI DANG SAMSON-GARCIA) NAGREKOMENDA ng ilang hakbangin si Senador Imee Marcos sa gobyerno upang maagapan ang pagpapanic ng mga local rice farmers dahil sa bumabahang imported na bigas na posibleng magbagsak sa presyo ng palay sa bansa kahit na magsisimula na ang anihan ngayong buwan. Sinabi ni Marcos na bumaba na ng 41.6% ang investment ng mga magsasaka noong Agosto sa gitna ng pagbaba ng farmgate price ng palay sa P7 kada kilo, kumpara sa kanilang production cost na P12. “Let’s not exaggerate that the situation of our rice farmers…
Read MoreDAGDAG-BENEPISYO SA HIGIT 15-M SOLO PARENTS, ITINUTULAK
(NI DANG SAMSON-GARCIA) INIHAIN ni Senador Bong Revilla ang panukala na nagsusulong ng karagdagang benepisyo at pribelihiyo sa mga solo parents partikular ang diskwento sa gatas, supplements, diapers, mga gamot, bakuna, damit, school supplies at iba pang pangangailangan. Alinsunod sa Senate Bill No. 951, nais ni Revilla na amyendahan ang Republic Act. No. 8972 o Solo Parents Welfare Act of 2000. Sinabi ni Revilla na sa pamamagitan ng pag-amyenda sa batas, mahigit 15 milyong solo parents ang makikinabang, kung saan ang 95 percent ay babae na higit na nahihirapan lalo…
Read More800M FREESTYLE EVENT, DINOMINA NI STA. ANA
CAPAS, TARLAC – Nagtagumpay si Rosalee Mira Santa Ana ng FilForeign Club na kunin ang gold medal sa women’s 800m freestyle event, Sabado ng gabi , sa pagsisimula ng 1st Philippine National Open Swimming Championships sa New Clark City Aquatics Center dito. Nagtala ng oras na 9:09.14 si Santa Ana na ipinanganak at lumaki sa Amerika nang talunin sina Kirsten Daos ng QBSC (9:29.19) at Gianna Garcia ng D’Ace Seahawks Swim Club (9:41.41). “I feel super grateful for this blessing,” pahayag ni 22-year-old na si Santa Ana na nagtapos ng…
Read More