BLOWOUT LOSS

MULING tumikim ang Gilas Pilipinas ng blowout loss, sa pagkakataong ito’y sa kamay ng powerhouse Serbia, 126-67 kagabi sa FIBA World Cup sa Foshan, China. Dahil sa kabiguan, hindi na makauusad sa next round ang Philippine team. Laban sa Italy noong Sabado ng gabi kung saan natalo rin ang Gilas Pilipinas, 108-62, mas maganda ang ipinakitang laro ng mga Filipino, subalit, sadyang malakas ang Serbian team sa pangunguna ni NBA star Nikola Jokic. Bukod kay Jokic, hindi rin napigilan ng Gilas sina Bogdan Bogdanovic, Nemanja Bjelica, at Miroslav Raduljica na…

Read More

DEPLOYMENT BAN SA LEBANON NANANATILI

(NI ROSE PULGAR) MULING nagbabala ang Embahada ng Pilipinas  sa mga  Filipino na naghahanap ng trabaho sa abroad na nananatili ang deployment ban sa Household Service Workers sa bansang Lebanon. Ayon sa regulasyon ng Pilipinas, iligal para sa mga Filipino na maglakbay patungo ng Lebanon upang magtrabaho bilang domestic helper o kasambahay. Iligal din mag recruit, manghikayat o maging daan sa paglabas sa Pilipinas tungo sa Lebanon upang manilbihan bilang katulong sa bahay. Ang sumuway sa nasabing kautusan ay papatawan ng karampatang kaparusahan, ayon sa batas. Ang mga undocumented Filipino…

Read More

KATITING NA ROLLBACK IPINATUPAD 

oil price hike12

(NI ROSE PULGAR) NAGPATUPAD ng katiting na bawas presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa na epektibo ngayong umaga (Setyembre 3). Pinangunahan ng kompanyang PTT Philippines, Pilipinas Shell, Chevron, Seaoil, Petro Gazz, Total, Flying, at Phoenix Petroleum Philippines ang bawas presyo na P0.10 kada litro sa gasolina, P0.10 sa kada litro ng diesel at P0.15 sa kada litro ng kerosene na epektibo ngayong alas-6:00 ng umaga. Inaasahan naman na susunod na magpatupad ng oil price rollback sa mga produktong petrolyo ang ilan pang kumpanya ng langis…

Read More

DEPED NAGHAHANAP NG 10K GURO, 5K STAFF

deped65

(NI KEVIN COLLANTES) MAY 10,000 bagong guro at 5,000 office staff ang kinakailangang i-hire ng pamunuan ng Department of Education (DepEd) ngayon dahil na rin sa dumaraming bilang ng mga mag-aaral. Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, layunin nilang mapaghusay pa ang kalidad ng edukasyon sa bansa sa pamamagitan ng improvement ng “teacher-to-student ratio” at workload ng kanilang mga personnel dahil sa patuloy na paglobo ng enrolment levels sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa. “More than being part of our 10-point agenda, we want to stay true to our…

Read More

FAELDON INILAGLAG; WALA AKONG ALAM D’YAN — GUEVARRA

(NI NOEL ABUEL/PHOTO BY DANNY BACOLOD) MISTULANG inilaglag ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra si Bureau of Corrections (Bucor) director Nicanor Faeldon sa pagsasabing hindi dumaan sa opisina ng kalihim ang dokumentong magpapalaya sana kay dating Calauan mayor Antonio Sanchez. Sa ginanap na pagdinig ng Senate Committee on Justice and Human Rights at Senate Blue Ribbon Committee, inusisa ni Senate Minority Leader Franklin Drilon kung nakatanggap si Guevarra ng request for approval sa pagpapalaya ng mga presong nakadetine sa piitan sa pamamagitan ng  Good Conduct Time Allowance (GCTA). “In the case…

Read More

SA NAPALAYANG CONVICT: SHOOT TO KILL, IKASA — GO 

bong go55

(NI DANG SAMSON-GARCIA) KUMBINSIDO si Senador Christopher Lawrence ‘Bong’ Go na dapat ibalik sa kulungan ang mga pinalayang convicted sa heinous crimes sa gitna ng implementasyon ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law. “Lahat nga dapat i-recall, hulihin kung hindi maibalik o sumurender, shoot to kill,” saad ni Go sa ambush interview sa Senado. Sinabi ni Go na malinaw naman na hindi kwalipikado ang mga ito para sa maagang paglaya dahil sa bigat ng krimeng kanilang ginawa. Partikular na tinukoy ni Go ang mga convicted killers ng Chiong sisters gayundin…

Read More

FAELDON UMAMIN; PUMIRMA SA ‘RELEASE PAPER’ NI SANCHEZ

(NI DANG SAMSON-GARCIA) GINISA sa joint hearing ng Blue Ribbon Committee, kasama ang Committees on Justice and Human Rights, Constitutional Amendments and Revision of Codes, Public Order and Dangerous Drugs at Finance hinggil sa implementasyon ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law si Bureau of Corrections Director General Nicanor Faeldon, kasabay ng pag-amin na pinirmahan ang ‘release orders’ ni dating Calauan mayor Antonio Sanchez. Partikular na nadiin si Faeldon sa pagpapalaya sa mga responsable sa panggagahasa at pagpatay sa Chiong Sisters at sa muntik nang pagpapalabas kay dating Calauan, Laguna mayor Antonio…

Read More

KRIS BERNAL FEEL NA FEEL MAGING KATULAD NI MADONNA

(NI REY PUMALOY) UNTI -unti nang nakukuha ni Kris Bernal ang inaasam na muscle tone sa kanyang pigura. Nakaposte sa Instagram ng Kapuso actress ang after-workout photo niya suot ang mid-rib skin tight sports top at running shorts. Naka-flex ang isang braso ni Kris na nagpapakita ng kanyang muscles. Nabawasan ang pami­mintas ng mga followers ni Kris sa kapayatan ng kanyang pangangatawan. Naiintindihan na ng mga ito na gusto lang magka-muscle ng aktres kaya ito payat at nagbabatak ng metal plates sa gym. Sabi nga ng mga fans ni Kris,…

Read More

GCTA FOR SALE, TALAMAK – HONTIVEROS

faeldon44

(NI DANG SAMSON-GARCIA) PINUNA ni Senador Risa Hontiveros ang tinawag niyang special treatment sa implementasyon ng Republic Act 10592 o Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law na pumapabor sa iilan. Ginawa ito ng senador kasabay ng kumpirmasyon na may hawak siyang listahan ng mga preso na mas karapat-dapat palayain dahil sa good conduct subalit hindi nabibigyang pansin. Kabilang aniya sa talaan ang mga naging pastor, guro, gayundin ang ilang nakatatanda na walang naiulat na paglabag. “GCTA for sale is rampant. Sanchez was favored for early release,” saad ni Hontiveros. Kasabay…

Read More