El NINO TASK FORCE BINUHAY

EL NINO12

(NI BETH JULIAN) KASUNOD ng babala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), muling binuhay ng Malacanang ang El Nino Task Force. Ito ay sy natapos i-anunsyo ng PAGASA na may 75 porsyentong posibilidad na tatama ang El Nino phenomenon mula Hunyo hanggang Agosto ngayong taon. Nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang Memorandum Circular 38 saan binuo ang task force na layong magpatupad ng short at long term solutions para matiyak ang sapat na supply ng pagkain, tubig at enerhiya, protektahan ang kabuhayan ng mga Pilipino at…

Read More

PHILHEALTH BUDGET HAHARANGIN

(NI ABBY MENDOZA) SA pagsisimula ng budget hearing sa susunod na Linggo, agad na nagbanta si Anakalusugan Partylist Rep.Mike Defensor na haharangin ang pondo para sa 2020 ng Philippine Health Insurance Corp. ( Philhealth). Ang banta ng mambabatas ay kasunod na rin ng anomalyang kinasasangkutan ng Philhealth lalo sa mga ghost beneficiaries. Isa pa sa isyung nais linawin ni Defensor sa oras na sumalang sa budget deliberations ang Philhealth ay ang ginawa nitong pagpigil sa Commission on Audit (CoA) na suriin ang 2018 benefit claims expenses nito. Ani Defensor, kanyang…

Read More

ANTI-INSURANCE FRAUD UNIT VS PHILHEALTH

gordon12

(NI NOEL ABUEL) IPINANUKALA ng isang senador na bumuo ng isang anti-insurance fraud unit sa National Bureau of Investigation (NBI) na sesentro sa pag-iimbestiga sa lahat ng transaksyon sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at sa iba pang ahensya ng gobyerno. Ayon kay Senador Richard J. Gordon, chair ng Senate Blue Ribbon Comittee, ang nasabing unit ng NBI ang tanging gagalaw laban sa korapsyon at katiwalian sa Philhealth at sa lahat ng ahensya ng pamahalaan. Sa ginanap na pagdinig ng nasabing komite, nabunyag ang nagaganap na mga katiwalian sa Philhealth ng mga opisyales…

Read More

TEENAGE PREGNANCY NG ESTUDYANTE IKINABAHALA NG DEPED

deped65

(NI MAC CABREROS) TATALAKAYIN sa August 22 Summit ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno at ilang sektor ang epekto ng teenage pregnancy, sa kalusugan at edukasyon ng mga kabataan saan karamihan ay mga istudyante. “The summit aims to share information and data on early pregnancy, and understand its education, health, and development dimensions; understand the risks and contributory factors to early pregnancy; identify common ground and existing interventions; and formulate platforms or movement with diverse identities for stakeholders to continue policy advocacy and program implementation to address the concern,” pahayag organizer ng summit. Nauna rito,…

Read More

‘SPECIAL SOMEONE’ NI KARLA ESTRADA, IPINAKILALA NA?

(NI LOURDES FABIAN) NGAYON ay pwede nang sabihin na kaya naman pala blooming si Momshie Karla Estrada, actress/TV host ay dahil may special someone na nagpapaganda sa kanya at inspirasyon niya. Pagdating kasi sa kanyang love life ay malihim ito, kaya ikinagulat ng kanilang mga bisita nang dumating siya sa 2nd anniversary ng resto bar na pag-aari ng anak na si Daniel at Vice Ganda kasama ang kanyang special someone na masayang ipinakilala sa mga kaibigang artista na dumalo sa okasyon. Nakuhanan ng picture ang kanyang special someone together with Sunshine Cruz, Macky Mathay, and James Yap as they posed…

Read More

MANANAKAY NG MRT BUMABA — DOTr

mrt3

(NI MAC CABREROS) “KUMAUNTI  ang tren kaya bumaba ang ridership sa MRT-3.” Ito ang binigyang-diin ni Transportation Secretary Arthur Tugade. Sa panayam ng media sa paglilipat sa operation at maintenance sa Clark International Airport ng DOTr at Bases Conversion and Development Authority (BCDA) sa Luzon International Premiere Airport Development (LIPAD) Corporation, binanggit ni Tugade na nabawasan ng tatlong tren ang dating 18  tren na tumatakbo sa MRT. Naiulat na nasilip ng Commission on Audit (COA) na bumaba ng 26 na porsyento ang ridership ng MRT sa loob ng apat na taon kung saan mula 140…

Read More

PAGSUSUOT NG POLICE BODY CAM IGINIIT

kiko23

(NI NOEL ABUEL) IGINIIT ng isang senador na dapat na obligahin ang  lahat ng pulis na magsuot ng body cameras upang maprotektahan ang publiko sa posibleng pang-aabuso at pagmamalabis sa tungkulin ng mga awtoridad. Sinabi ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan na panahon nang paglaanan ng sapat na pondo ng liderato ng Philippine National Police (PNP) ang lahat na tauhan nito na bigyan ng police body cam. Tugon ito ng senador kasabay ng pag-alala sa sinapit ng 17-anyos na si Kian delos Santos na napatay ng ilang tauhan ng Caloocan City…

Read More

DAGDAG SA PONDO NG MMDA SUPORTADO SA SENADO

recto33

(NI NOEL ABUEL) DAPAT na iprayoridad ng pamahalaan ang pagkakaloob ng dagdag na tauhan ang Metro Manila Development Authority (MMDA) para mabantayan ang lahat ng kalsada sa Metro Manila. Ayon kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto, suportado nito ang panawagan ng MMDA na dagdag na pondo para sa karagdagang bilang ng mga traffic personnel na magmamando sa lahat ng oras. Una nito, sinabi ni MMDA spokesperson Celine Pialago  na sa kasalukuyan ay nasa 2,000 traffic personnel lamang ang nasa payroll nito kung saan kulang ang ahensya ng 5,000 para mabuo…

Read More

ALEX GONZAGA’S TREAT TO HER GLAM TEAM: TRIP TO HONG KONG!

alex55

(NI LOURDES C. FABIAN) BONGGA pala ang Kapamilya star na si Alex Gonzaga at marunong tumanaw ng utang na loob to the people who have been making her look pleasant at laging looking great at stylish sa bawat project na ginagawa niya. At galante ang treat niya sa kanyang whole glam team – trip to Hong Kong lang naman! Sa Instagram post ng make-up artist na si Denise Ochoa, makikitang all smiles si Alex na naka-post with her glam team together with actress Julia Barretto na sumama sa kanilang bakasyon para takasan ang wala nga…

Read More