(NI BERNARD TAGUINOD) UPANG mapaluwag ang mga kalsada, kailangang isunod na ng Malacanang ang paghihigpit laban sa mga kaliwa’t kanang pagbubungkal ng mga kalsada na isa sa mga dahilan ng lumalalang problema sa trapiko sa Metro Manila. Ito ang iminungkahi ni Buhay party-list Rep. Lito Atienza sa gitna ng kampanya ng mga local government units (LGUs) sa utos ng Malacanang na ibalik sa mga kalsada sa taumbayan. Ayon sa mambabatas, kaliwa’t kanan ang pagbubungkal ng mga kontraktor at mga pribadong kumpanya sa tubig, gas, elektrisidad at maging ang mga telecommunication companies.…
Read MoreAuthor: Jet
HUMAN RIGHTS LAW HADLANG SA PAG-UNLAD – SOLON
(NI BERNARD TAGUINOD) LAHAT ng pagsisikap ng Duterte administration na paunlarin ang bansa sa pamamagitan ng mga imprastraktura at programa ay mababalewala kapag itinuloy umano ang mga polisiya nito ukol sa karapatang pantao. Ito ang babala ni Albay Rep. Edcel Lagman kaugnay ng mga panukalang ibalik ang parusang kamatayan, ibaba ang edad na parurusahan ng batas, pagbuhay sa anti-subversion law at paglalakas sa Human Security Act. “If the human, civil, and political rights of the people, the much intended beneficiaries of development, are derogated and denied, development would be a…
Read MorePH SWIMMERS AGAWAN SA SEA GAMES SLOTS
(NI JEAN MALANUM) ABALANG-ABALA ang Philippine Swimming, Inc. (PSI) para sa National Open na idaraos mula Agosto 31 hanggang Setyembre 3. Ang National Open ay magiging batayan sa pagpili ng mga atleta na isasabak sa 30th Southeast Asian Games (SEAG) na gagawin dito sa bansa sa Nobyembre. Siguradong matindi ang magiging labanan sa pagitan ng ating home-grown talents at Fil-foreigners dahil nakataya ang karangalan na mapasama sa Team Philippines. Magtatangka muli ang national swimmers na makasungkit ng ginto na naging mailap simula pa noong 2013 Myanmar SEAG kung saan 4…
Read MoreLPA, HABAGAT MAGPAPAULAN SA BANSA
MAGKAKAROON ng kalat-kalat na pag-ulan dulot ng southwest monsoon o habagat sa northern at central part ng Luzon, ayon sa Pagasa. Ang Batanes, Babuyan Group of Islands, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Zambales, at Bataan ay makararanas ng maulap na papawirin at pag-ulan. Ang iba pang lugar sa Luzon ay makararanas ng mga pag-ulan dahil sa localized thunderstorms. Minomonitor din ng Pagasa ang low pressure area sa 2,195 kilometers east ng Visayas area. Habang nasa labas pa ng bansa ang low pressure area, makararanas na ng mga pag-ulan sa ilang…
Read MorePAGBALEWALA NG DPWH SA PEDESTRIANS PINUNA SA SENADO
(NI NOEL ABUEL) PINUNA ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pagbalewala sa kalagayan ng mga pedestrian sa buong bansa sa kabila ng malaking pondong inilaan dito ng Kongreso. Sinabi ng senador na panahon nang ikonsidera ng DPWH na maglagay ng mga elevated walkways na maaaring gamitin at daanan ng mga pedestrians. “It is time to elevate wide pedestrian and bike lanes, whether ground-level or elevated, to the league of major construction works,” sabi pa ni Recto. Sa kasalukuyang sitwasyon, nakasentro lamang…
Read MoreGRAND SLAM NASA RADAR NG SMB
(NI JJ TORRES/PHOTO BY MJ ROMERO) HANDANG harapin ng San Miguel Beermen ang matinding pagsubok para makamit ang inaasam na Grand Slam matapos makopo ang PBA Commissioner’s Cup crown noong Miyerkoles. Winakasan ng Beermen ang serye nila ng TNT KaTropa sa pamamagitan ng 102-90 na panalo sa Smart Araneta Coliseum, upang sungkitin ang pangalawang sunod na korona ng taon. Mas determinado ngayon ang SMB na kumpletuhin ang trabahong hindi natapos noong 2016-17 season nang ma-eliminate sila ng Barangay Ginebra sa quarterfinals ng Governors’ Cup. “Well there’s no other way but…
Read MorePRANGKISA NG 3 BROADCASTING FIRM, NILAGDAAN NI DU30
(NI BETH JULIAN) TULUY-tuloy na sa operasyon ang tatlong broadcasting firms matapos opisyal nang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na magpapalawig ng 25 taon sa prangkisa nito. Noong Agosto 8 nang pirmahan ng Pangulo ang franchise renewals ng SolidNorth Broadcasting System, Inc. sa ilalim ng Republic Act 11366; Mareco Broadcasting Network, Inc. sa ilalim ng RA 11367, at Radio Audience Developers Integrated Organization, Inc. sa ilalim naman ng RA 11368). Ang SBS ay nakabase sa Vigan City Ilocos Sur, saan ito ang pinagmumulan ng balita at impormasyon para…
Read MoreLADY EAGLES, LADY FALCONS DUMAGIT
(NI VT ROMANO, Saksi Ngayon, Sports Editor/PHOTO BY MJ ROMERO) NAGTALA ang Ateneo Lady Eagles ng 4-set win sa pangunguna ni rookie Faith Nisperos laban sa Colegio de San Juan de Letran Lady Knights, 25-16, 22-25, 25-13, 25-20, sa kanilang debut sa 2019 PVL Collegiate Conference, Sabado sa FilOil Flying V Centre. Habang ang Adamson University Lady Falcons, na binubuo ng mga batang manlalaro, ay nanaig laban sa sa San Beda Lady Red Spikers sa straight sets, 25-18, 25-22, 25-16. Si Nisperos ay nagsumite ng 19 points mula sa 17…
Read MorePAG-BAN SA GOV’T SPENDING TUWING ELECTION TIME KINONTRA
(NI ABBY MENDOZA) SA katwirang maraming proyekto ng gobyerno ang naantala tuwing panahon ng eleksyon, isinusulong ni Ako Bicol Party-list Rep Alfredo Garbin Jr. na ire-evaluate ang ipinatutupad na ban. Paliwanag ni Garbin tapos naman nang sumailalim sa proseso at kadalasan ay nailalatag na ang proyekto subalit inaabutan ng election ban kaya hindi agad naipatutupad. Kadalasan umano ay inilalabas ng Department of Budget and Management ang pondo sa first quarter ng taon para maipatupad sa second quarter subalit sa ganitong panahon nag-uumpisa ang spending ban. Naniniwala ang mambabatas na ang…
Read More