(NI NOEL ABUEL) KINALAMPAG ni Senador Nancy Binay ang mga opisyales ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Philippine Overseas Employment Agency (POEA) na kumilos para sagipin ang lahat ng Filipino na nasa Hong Kong na binabalot pa rin ng tensyon. Ayon kay Binay, hindi na dapat pang magsawalang bahala ang mga opisyales ng nasabing mga ahensya lalo na at nagpadala na ng karagdagang puwersa ang Chinese People’s Liberation Army sa border nito. Base umano sa lumabas na balita mula sa news outlets sa China, nagpalabas ng video ang PLA ng mga military…
Read MoreAuthor: Jet
PDU30 TIWALA PA RIN KAY PAO CHIEF ACOSTA
(NI BETH JULIAN) SA kabila ng inihaing reklamo sa Office of the Ombudsman, wala pang plano si Pangulong Rodrigo Duterte na sibakin sa pwesto o hilingin na maghain ng leave of absence si Public Attorney’s Office (PAO) chief Persida Rueda-Acosta. Ayon kay Presidential Spokesman Atty. Salvador Panelo, buo pa ang tiwala ni Pangulong Duterte kay Acosta pero nilinaw nito na ibang usapan na kapag nakitaan na may probabale cause ang alegasyon at may suspension order na mula sa Ombudsman. Napag-alaman na naghain ng reklamo ang mga empleyado ng PAO para…
Read MoreP7.7-B NLEX PROJECTS MAGPAPALUWAG NG TRAPIKO SA METRO
(NI ELOISA SILVERIO) ISINASAGAWA ang mga major road projects ng NLEX Corporation na nagkakahalaga ng P7.7 billion na siyang magpapagaan ng daloy ng trapiko sa Metro Manila at key areas sa NLEX-SCTEX network. “A number of projects are simultaneously being implemented in our expressway network in order to ease traffic and prioritize the safety and convenience of our motorists,” ayon kay NLEX Corporation President at General Manager J. Luigi Bautista. Ang mga makabuluhang pagawaing proyektong ito ay kinabibilangan ng mga bagong interchange, bridge rehabilitation sa gawing lalawigan ng Bulacan at…
Read MoreDOE BINATIKOS SA PATULOY NA PAGGAMIT NG CARBON
(NI ABBY MENDOZA) BINATIKOS ng grupo ng mga kinatawan ng konsyumer na tagapagtaguyod ng environment at clean energy, at ‘coal-affected communities’ ang Department of Energy (DOE) na pinamumunuan ni Sec. Alfonso Cusi dahil sa hindi pagsunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang State of the Nation Address (SONA), na paunlarin ang Renewable Energy (RE) at bawasan ang paggamit ng uling o carbon. Dahil dito, nanawagan ang mga miyembro ng Power for People (P4P) coalition kay Energy Secretary Cusi na huwag nang magpatumpik-tumpik at ipatupad ang implementasyon ng nasabing…
Read MorePAO CHIEF ACOSTA INAKUSAHAN NG KORAPSIYON
(NI ABBY MENDOZA) INIREKLAMO ng mga hindi nagpakilalang abogado ng Public Attorney’s Office ( PAO) si PAO Chief Persida Acosta at PAO forensics chief Dr. Erwin Erfe na ginagamit ang isyu ng dengvaxia para sa korapsyon. Sa manifestation na isinumite sa Office of the Ombudsman ng mga hindi nagpakilalang PAO lawyers, sinabi nito na sina Acosta at Erfe, kasabwat ang dalawang accountants ni Acosta na sina Lira Hosea Suangco at Maveric Sales, ay gumagawa ng purchase orders para makakuha ng dagdag na pondo sa ahensiya. “Respondent Acosta has ordered her cohorts to…
Read MoreDAGDAG-SINGIL SA ATM FEES HAHARANGIN
(NI NOEL ABUEL) HAHARANGIN ni Senador Grace Poe na plano ng mga bangko na magpataw ng dagdag singil sa automated teller machine (ATM) transactions. Ayon sa senadora, chair ng Senate Committee on Banks, Financial Institutions and Currencies, magpapatawag ng imbestigasyon hinggil sa nasabing usapin. “Maliit na nga ang interes sa savings, pero ang laki naman ng kaltas mula sa balance inquiry hanggang sa withdrawal,” sabi ni Poe. “Kung tutuusin, para tayong nagpapahiram ng pera sa bangko kapag itinatabi natin ito sa ATM. Kung nagwi-withdraw tayo, kinukuha lang natin kung ano ang atin.…
Read MoreLAKWATSERONG GOV’T OFFICIALS SINISILIP NG PACC
(NI BETH JULIAN) BUKOD sa patung-patong na reklamo na may kaugnayan sa korapsyon, iniimbestigan din ng Presidential Anti- Corruption Commission (PACC) ang ilang reklamo na may kaugnayan sa excessive foreign travel. Ayon kay PACC Commissioner Greco Belgica, kabilang sa sentro ng kanilang imbestigasyon ang tungkol sa sobra sobrang pagbiyahe sa labas ng bansa ng mga nasa Secretary level, Undersecretary at Assistant Secretary. Gayunman, sa pagbubunyag ng PACC, hindi na nagbigay pa ng karagdagang detalye tungkol sa kung ilang miyembro ng Gabinete ang under investigation dahil sa excessive foreign trip na…
Read MoreSLOT SA KONGRESO NI CARDEMA PWEDENG MASAYANG — COMELEC
(NI HARVEY PEREZ) MALAKI umano ang posibilidad na masayang ang isang puwesto na nakuha sa Kongreso ng Duterte Youth party-list group. Sinabi ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon na sa kanyang sariling opinyon ay walang kuwalipikadong nominado ang Duterte Youth upang makapuwesto sa Kamara matapos na diskuwalipikahin ng Comelec First Division si dating Youth commissioner Ronald Cardema dahil sa pagiging overaged nito. Sa kabila na naghain si Cardema ng apela sa desisyon ng poll body, mistula naman aniyang ‘isinuko’ na rin niya ito dahil sa ginawang paghahain ng grupo ng…
Read MoreCHOCO MUCHO, WAGI SA DEBUT
(PHOTO BY MJ ROMERO) PINANGUNAHAN ni Ateneo standout Kat Tolentino ang debut game ng koponang Choco Mucho kahapon sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference, sa pamamagitan ng straight sets win laban sa BaliPure, 25-12, 25-18, 25-18, sa Filoil Flying V Centre sa San Juan. Si Tolentino ay nagsumite ng 14 points mula sa 10 kills, two blocks at two aces, para itala ng Flying Titans ang magaang na panalo laban sa Water Defenders. Ito ang ika-11 sunod na talo ng Balipure, matapos ang 10-0 sa Reinforced Conference. Nag-ambag naman…
Read More