(NI BERNARD TAGUINOD) SINUPORTAHAN sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang plano ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) na magkaroon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) hub upang masiguro na walang Chinese nationals na nagtatrabaho ng iligal. Ginawa ng mga kinatawan ng ACT-CIS party-list group na sina Reps. Nina Taduran, Eric Yap at Jocelyn Tulfo ang nasabing pahayag sa gitna ng kontrobersya sa POGO na pinatatakbo ng mga Chinese nationals. Base sa mga ulat, nais ng PAGCOR na ilagay lang sa isang lugar ang POGO hindi tulad ngayon na kalat-kalat ang…
Read MoreAuthor: Jet
‘BER MONTHS’ TRAFFIC NARARANASAN NA — MMDA
(NI LYSSA VILLAROMAN) NAGPAHAYAG ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ang traffic na kadalasan ay nararanasan sa pagpasok ng “BER months” ay napaaga. “Nasa July-August pa lang po tayo pero ang nararanasan nating pagbigat ng trapiko, parang Disyembre na,” pahayag ni MMDA spokesperson Assistant Secretary Celine Pialago. “Ayaw ho nating bolahin ang mga kababayan natin. Ang importante ho, may figures sila at alam nila ang tunay nangyayari. Bibigat po tayo pagdating ng ber months,” dagdag pa ni Pialago. Ayon sa MMDA spokesperson, ang traffic flow sa EDSA’s southbound lane…
Read MorePONDO SA ELEKTRISIDAD SA BARMM INIHAHANAP NG DOF
(NI BETH JULIAN) KUMIKILOS na ang Department of Finance (DoF) para mahanapan ng pondo ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao para sa suplay ng kuryente sa mga nasasakupan nitong lugar lalo na ang mga tinaguriang ‘underserved island-provinces’. Sinabi ni Finance Usec. Carlos Dominguez III na nagpulong na sila hinggil dito ni BARMM chief Minister Al Hajj Murad Ibrahim. Dito ay natalakay kung paano mapopondohan ang electrification ng rehiyon. Isa sa posibleng magsilbing source ng funding ayon kay Dominguez ay magmumula sa Islamic Countries sa gitnang Silangan. Ito ayon kay…
Read MoreLIFESTYLE CHECK SA CABINET MEMBERS INIHIRIT NG PACC
(Ni BETH JULIAN) HINIMOK ng Presidential Anti Corruption Commission (PACC) ang mga miyembro ng Gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte na boluntaryong isumite ang kanilang mga sarili para sa lifestyle check. Sinabi ni PACC Commissioner Greco Belgica, mas magiging honorable ang dating ng mga Cabinet offiicals kung magkikasa na ipasuri ang uri ng kanilang pamumuhay. Pero nilinaw ni Belgica na hindi naman niya pinipilit ang mga opisyal bagkus ay nasa kanila nang pasya kunv gusto nilang boluntaryong isumite ang sarili sa lifestyle check. Idinagdag pa ni Belgica na mainam sana kung pati…
Read MoreDFA PINAAAKSIYON VS 5 CHINA WARSHIP VESSELS SA TAWI-TAWI
(NI BERNARD TAGUINOD) DIREKTANG pambabatos na ng China sa Pilipinas ang pagpasok ng kanilang mga warship sa loob ng ating teritoryo sa Tawi-Tawi na walang paalam sa Armed Forces of the Philippines (AFP). Ito ang pahayag ni House committee on national defense and security vice chairman Ruffy Biazon kaugnay ng 5 warship ng China na pumasok sa Sibutu Strait sa Tawi-Tawi noong Hulyo at Agosto. “The Chinese Navy flaunting its balls in parts of the Philippines without permission. A Chinese spy ship named Tianwangxing (Uranus), equipped w/ huge radomes for…
Read MoreP5 ATM FEES BAWAT TRANSAKSIYON ISINUSULONG
(NI BERNARD TAGUINOD) NAIS ng ilang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na kontrolin na ng estado ang Automated Teller Machines (ATM) charges upang maproteksyunan ang interes ng mamamayan. Sa House Bill (HB) 4019 na iniakda nina Bayan Muna party-list Reps. Carlos Zarate, Ferdinand Gaite at Eufemia Cullamat, nais ng mga ito na ipako sa P5 ang ATM fees, taliwas sa kasalukuyang P10 hanggang P15 ang kinakaltas ng mga ito ATM cardholders kapag nagwi-withdraw ang mga ito. Gayunpaman, tanging sa mga interbank transaction ipatutupad ang P5 ATM fees o kapag sa…
Read MoreP1.2-B PONDO; PSC TODO-SUPORTA SA MGA ATLETA
(NI JEAN MALANUM) NAGLAAN ang Philippine Sports Commission (PSC) kabuuang P1.2 billion pondo para sa pangangailangan ng pambansang atleta sa 30th Southeast Asian Games. Ang nasabing halaga ay hinati sa tig-P600 million – para sa aktwal na partisipasyon ng mga atleta sa biennial meet at sa iba’t ibang foreign exposure o training sa abroad bago ang aksyon sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11. “This is the first time the PSC is spending P1.2 billion just for the athletes,” pahayag ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez matapos lagdaan…
Read MoreP520-M DONASYON NG US SA PNP TRAINING FACILITY PINAGTIBAY
(NI AMIHAN SABILLO) NANANATILING maayos at matatag ang pagkakaibigan ng bansa sa Amerika sa kabila ng pagdistansya ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang kasunduan na magbibigay ng tulong ang Amerika sa bansa, partikular sa Philippie National Police (PNP) kontra terorismo. Nilagdaan na rin ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde at Deputy Chief of Mission John Law ng US Embassy Manila ang Memorandum of Understanding para sa isang state of the art counter terrorism facility na itatayo sa lalawigan ng Cavite sa tulong ng Estados Unidos Umaabot sa P520 milyon…
Read MoreP200-K SUWELDO NG MGA CHINESE POGO WORKERS
(NI BERNARD TAGUINOD) SUMASAHOD ng hanggang P200,000 kada buwan ang mga Chinese nationals na nagttrabaho sa mga Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) sa bansa. Ito ang nabatid sa House Resolution (HR) 221 na iniakda ng Makabayan bloc sa Mababang Kapulungan ng Kongreso para hilingin sa mga kaukulang komite na mag-imbestiga at alamin ang epekto ng sugalang ito, hindi lamang sa mga Filipino kundi sa ekonomiya at seguridad ng bansa. Ayon sa mga militanteng mambabatas, mismong sa Beijing umano lumabas ang balita na ang mga Chinese nationals na dinadala ng mga…
Read More