P46-B CAR REGISTRATION FEE SA LTO NAWAWALA 

lto recto 55

(NI NOEL ABUEL) HINAHANAP ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang P46 bilyong koleksyon mula sa Motor Vehicle User’s Charge (MVUC) na nakolekta sa car registration fee sa Land Transportation Office (LTO). Ayon kay Recto, malaking tulong ang nasabing pondo para magamit sa road clearing operations na isinasagawa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ng mga local government units (LGUs). Aniya, hindi nagamit ang MVUC collections na umabot sa kabuuang P46.25 bilyon noong Disyembre 2018 habang para sa taong 2019, inaaasahang makakokolekta ang pamahalaan ng P13.9 bilyon. “Its…

Read More

DOH KINALAMPAG NI CAYETANO VS DENGUE

doh dengue55

(NI NOEL ABUEL) KINALAMPAG ni Senador Pia Cayetano ang Department of Health (DOH) na gamitin ang lahat ng available funds para mapalakas ang information drive sa kahalagahan ng expanded program on immunization (EPI) bilang panlaban sa lumalalang epekto ng dengue. Ayon kay Cayetano, kailangang kumilos ang DoH bago pa mahuli ang lahat at lalong lumobo ang bilang ng mga tinatamaan ng nasabing nakamamatay na karamdaman. Naniniwala aniya ito na dahil sa pangamba ng mga magulang sa naging karanasan na idinulot ng dengvaxia kung kaya’t tumatanggi na ang mga itong mabigyan…

Read More

POSTPARTUM NILALABANAN NI ANDI MATAPOS MANGANAK

andi44

KAMAKALAWA, August 6, ay nag-post si Andi Eigenmann at humihingi ng payo kung paano niya iha-handle ang nararanasang postpartum depression. Matatandaang ipinanganak ni Andi ang kanyang se­cond child na si Lilo noong July 23. Pagtatapat ni Andi: “I haven’t been feeling like myself lately. Sleepless nights are getting the best of me. When the others are asleep I’d shed tears I’d normally save for my acting performances on TV show finales (lol),” sabi niya. Apela niya: “Im aware of other moms going through this, and that i am acknowledging what…

Read More

MOU NA PNP, AFP, BAWAL SA UP, PINAREREBYU SA SENADO

albayalde12

(NI AMIHAN SABILLO) IPINARE-REVIEW ni PNP Chief Police Gen Oscar Albayalde kay Senator Ronald Bato Dela Rosa ang 1989 Department of National Defense (DND) at University of the Philippines(UP)  memorandum of understanding (MOU). Ilan lang sa nilalaman ng kasunduan ay hindi maaring makapasok sa lahat ng UP campus ang mga sundalo at mga pulis nang walang pahintulot mula sa UP Administration. Ayon kay PNP Chief Police Gen Oscar Albayalde matapos ang mga reklamo ng mga magulang sa pagdinig sa Senado nitong Miyerkoles kung saan napariwara umano ang kanilang mga anak…

Read More

SEA TRAGEDY: OPISYAL NG PCG, MARINA, SIBAK

seatragedy33

(NI DAHLIA ANIN) KASUNOD ng trahedya sa Iloilo Strait noong nakaraang Linggo, ipinag-utos ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang pagsibak sa puwesto ng ilang opisyal ng Maritime Industry Authority (Marina) at Philippine Coast Guard (PCG) sa Western Visayas. “I want them immediately relieve from their post so we can give way to a more thorough and impartial investigtion,”ayon kay Tugade sa kanyang pagbisita sa Guimaras nitong Miyerkoles. Tinitiyak niyang sasampahan ng kaukulang kaso ang mga opisyal kung mapatutunayan na may pagkukulang sila sa pangyayari. Kabilang sa sisibakin ang apat na…

Read More

LIBU-LIBONG MANGGAGAWA HANAP NG SHOE INDUSTRY

(NI MAC CABREROS) UPANG matugunan ang bultong order sa pagpasok ng holiday season, nangangalap ngayon ang shoe industry sa Marikina City ng libu-libong manggagawa, inihayag ngayong Huwebes nina Mayor Marcelino ‘Marcy’ Teodoro at Mr. Antonio Andres, pangulo ng Philippine Footwear Federation Inc. Ayon kina Teodoro at  Andres, bukod sa manggagawa ay naghahanap din ang 54 manufacturers ng mga designer. “Nais nating mapaangat ang antas sa kalidad o tibay at disenyo ng ating mga sapatos para hindi tayo mapag-iwanan sa style at technology bunsod nang paghigpit ng kompetisyon,” ayon kay Teodoro…

Read More

AUG. 12, EID AL-ADHA HOLIDAY — PALASYO

DUTERTE66

(NI DAHLIA S. ANIN) IDINEKLARA ni Pangulong Rodrigo Duterte na holiday sa  Agosto 12 bilang paggunita sa Eid al-Adha o ang Feast of Sacrifice ng mga kapatid na Muslim. Kinumpirma ito ni Executive Secretary Salvador Medialdea sa mga mamamahayag. Wala pang detalye kung ito ay regular holiday o special non-working holiday ngunit ilalabas din ang opisyal na detalye nito, ayon din kay Medialdea. Ang Eid al-Adha ay ang pag-alala sa sakripisyong ginawa ni Abraham bilang pagsunod sa kautusan ni Allah. Ipinagdiriwang ang pistang ito sa Mecca, ang pinakabanal na siyudad…

Read More

PH VS ANGOLA: ITO PUWEDE NATIN ILIBING NANG BUHAY – DU30

duterte66

(NI JJ TORRES) HINDI nangimi si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang saloobin hinggil sa tsansa ng Gilas Pilipinas laban sa koponan ng Italya sa nalalapit na FIBA World Cup simula sa Agosto 31 sa China. Walang gatol niyang inihayag na malabo ang tsansa ng pambansang koponan laban sa nasabing bansa. “Problema unang kalaban natin Italy. Wala, talo tayo, walang laban,” pahayag ni Duterte, kamakalawa habang nagsasalita sa ginanap na oath-taking ng Filipino-Chinese businessmen sa Malakanyang. “We will lose dito sa Italya. Ang lalaki kaya niyang mga gagong yan,” dagdag pa…

Read More

P4.1-T NAT’L BUDGET ‘DI IDIDISKARIL SA SENADO

senate22

(NI NOEL ABUEL) TINIYAK ng mga senador na hindi ididiskaril o ibibimbin ang pag-apruba sa P4.1 trilyon na 2020 national budget at hindi matulad sa nangyari noong nakaraang taon. Ito ang sinabi ni Senador Sonny Angara, chair ng Senate Committee on Finance, kung saan target nitong maaprubahan bago ang October 5, 2019 at malagdaan ito bago o sa Disyembre 15. “We will be observing the practice of holding parallel hearings so that when the House-approved general appropriations bill (GAB) will arrive here in October or first week of November we…

Read More