LOVELESS ang Kapuso actress na si Andrea Torres, pero aminadong nakikipag-date ito. Sa tanong kung sino ang huli niyang nakarelasyon, sagot niya, “Hindi ko maalala… Matagal na po, e. Hindi ako mabilis… Mahirap ako magkagusto sa isang tao because gusto ko always, long-term,” saad pa ng “The Better Woman” lead actress na may dual role bilang twin sisters na magkaiba ang ugali. “Gusto ko serious, long term, ayokong pumapasok sa bagay na hindi ako fully committed.” So, kung dating (deyting) siya nowadays, taga-showbiz ba ‘yung guy(s)? “Iba-iba,” sabay tawa ng…
Read MoreAuthor: Jet
DU30 ‘DI SUMUSUKO SA PEDERALISMO
(NI BETH JULIAN) NAIS lamang muna plantsahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakaiba ng mga stakeholders hinggil sa usapin ng Charter Change bago ito muling ungkatin o talakayin. Ito ang pagbibigay-linaw ng Malacanang kasunod na rin ng pahayag ni Duterte sa kanyang SONA na hindi iyon ang tamang panahon para pag-usapan ang Charter Change. Gayundin ay binanggit ng Pangulo na hindi siya naniniwalang kayang maisulong ang Pederalismo sa natitira pang panahon ng kanyang termino. Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na kung tutuusin ay matagal nang tinatalakay ang isyu na…
Read MorePACQUIAO DINUMOG SA PAGBABALIK SA SENADO
(NI NOEL ABUEL/PHOTO BY DANNY BACOLOD) GAYA nang inaasahan, dinumog ng maraming tagahanga at mga kasama sa Senado si Senador Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao sa pagbabalik nito sa bansa at sa trabaho nito. Bago ang sesyon ay marami ang dumumog sa Pambansang Kamao na ang ilan ay nagbigay ng pasasalamat dahil sa ibinigay na karangalan sa bansa matapos ang panalo sa Amerikanong si Keith Thurman. Sa kanyang privilege speech, sinabi ni Pacman na nagpapasalamat ito sa mga kapwa senador sa inihandang pagpupugay sa pagbabalik nito sa trabaho na ilang buwan din…
Read MoreNPA LEADER BINIGYAN NG MAAYOS NA LIBING NG AFP
(NI AMIHAN SABILLO) MAAYOS na libing ang ipinagkaloob ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa pamamagitan ng 75th Infantry “Marauder” Battalion (IB), katuwang ang Philippine National Police (PNP) at mga lokal na pamahalaan sa lider ng komunistang grupong Communist Party of the Philippines, New People’s Army (CPP-NPA) sa Agusan del Sur noong Sabado. Kinilala ang napatay na NPA na si Roy Zala, squad leader ng humihinang pwersa ng Guerilla Front 14, North Eastern Mindanao Regional Committee (NEMRC). Inilagak ang mga labi ni Zala sa Brgy Libertad Cemetery sa Bunawan, Agusan Del…
Read MoreFEDERALISM, CHACHA INILIBING SA SONA
(NI NOEL ABUEL) MISTULANG ibinaon na sa lupa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kontrobersyal na Charter Change (Cha-cha) at federalism na maipatupad pa sa mga susunod na taon. Sinabi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na patunay ito nang hindi banggitin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ikaapat na State of the Nation-Address (SONA). “What’s more telling in the President’s speech is not what he said but what he did not say. That speaks volumes,” sabi ni Drilon. “For me, the non-inclusion of federalism indicates that the Cha-cha was laid…
Read MoreSKYWAY PLAZA DILAO BUKAS NA
(NI DAHLIA S. ANIN) MAAARI nang magamit ng mga motorista papasok at palabas ng Skyway ang Plaza Dilao ramp sa Paco, Maynila. Pinangunahan ni Public Works and Highways Secretary (DPWH) Mark Villar ang opening ceremony ng pagbubukas sa new ramp na unang bahagi ng Skyway Stage 3 Project. Ayon pa kay Villar, libre muna sa mgayon hanggang sa susunod na buwan ang mga class 1 vehicle sa paggamit nito. Light vehicle o ung Class 1 lang muna ang maaring gumamit nito at dalawang lanes pa lang binuksan, isang pa-Northbound at…
Read MoreBACOOR CITY MAY PINAKAMATAAS NA KASO NG HIV SA REHIYON
(NI SIGFRED ADSUARA) NANGUNA ang Bacoor City sa Cavite na may pinakamatas na bilang ng kaso ng Human Immunodeficiency virus o HIV sa rehiyon, sumunod ang Dasmarinas City at Imus City. Ayon kay Dr. Michael Angelo Marquez, Medical Office III at Head ng City Social Hygiene Clinic, bukod sa pagtaas ng bilang ay pabata ng pabata na rin ang naitatalang kaso ng HID/AIDS kung saan mula sa 12-anyos pataas ang nahahawaan na ng ganitong sakit. Ito ang dahilan kung bakit nagsagawa ng isang araw na seminar workshop para sa mga…
Read MoreDAGDAG-SAHOD, BARYA LANG — SOLON
(NI BERNARD TAGUINOD) NANGANGAMBA ang isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na barya lang ang ibibigay na dagdag na sahod sa lahat ng mga empleyado ng gobyerno sa pamamagitan ng Salary Standardization Law (SSL). Sa kanyang State of the Nation Address (SONA) noong Lunes, inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dalawang Kapulungan ng Kongreso ng bagong SSL law upang maitaas ang sahod ng lahat ng empleyado ng gobyerno. Subalit ayon kay ACT Teacher party-list Rep. France Castro, huwag aniyang umasa ng malaking dagdag na sahod dahil sa pahayag mismo…
Read MoreJOSHUA NAG-REACT SA “ENOUGH!” POST NI BEA?
MARAMI ang nag-react sa Instagram post ni Bea noong isang araw, July 21, na may katagang ENOUGH in capital letters. Marami ang nagsabing patungkol ito sa hinihinalang hiwalayan ng aktres at ng boyfriend nitong si Gerald Anderson. Sinasabing may third party sa diumano’y hiwalayang ito. At ang tinutukoy ng iba ay si Julia Barretto ang third party. At dahil sangkot si Julia, hindi maaalis na bigyan din ng kahulugan ang post ng dating boyfriend nitong si Joshua Garcia. Sa Instagram Stories ni Joshua, dalawang nakakaintrigang words ang kanyang ibinahagi noong araw…
Read More