WALANG DRAMA SA SPEAKERSHIP RACE; CAYETANO NAILUKLOK

(NI BERNARD TAGUINOD/PHOTO BY ARCHIE CRUZ POYAWAN) MISTULANG bigo ang nag-aabang ng drama sa botohan ng Speakership sa Mababang Kapulungan ng Kongreso matapos iluklok na walang naging problema si Taguig-Pateros Rep. Allan Peter Cayetano bilang House Speaker ngayong 18th Congress. Mismong si Presidential son at Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte ang nagbukas sa nominasyon kay Cayetano bilang Speaker “Mr. Speaker I nominate the distinguished gentleman from the Taguig-Pateros Allan Peter Cayetano,” ni Rep. Duterte subalit bago ito ay nilinaw nito na hindi siya pabor sa term sharing. Kasama rin sa…

Read More

SOTTO MULING NAIHALAL BILANG SENATE PRESIDENT

(NI ERNIE REYES/PHOTO BY DANILO BACOLOD) MULING naihalal bilang Senate President si Senador Vicente ‘Tito’ Sotto III sa unang sesyon ng 18th Congress. Naunang binuksan ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto ang sesyon saka nagkaroon ng nominasyon Walang tumutol sa nominasyon ni Sotto, ngunit ayon kay Minority Leader Franklin Drilon, nagpahayag ng botong abstain sina Senador Risa Hontiveros at Francis Pangilinan. Kasunod nito, nanumpa si Sotto sa kanyang sariwang mandato sa pangunguna ni Sen. Panfilo Lacson. Kasama ni Sotto ang kanyang kabiyak si Helen Gamboa at kanyang anak na si…

Read More

CAYETANO TIYAK NANG HOUSE SPEAKER

cayetano12

(NI ABBY MENDOZA) WALA nang inaasahang  pasabog sa pagbubukas ng sesyon ng Kamara. Ito ang tiniyak ni  Albay Rep Joey Salceda kung saan inamin nito na plantsado na ang lahat matapos ang kanilang pagpupulong. Batay umano sa napagkasunduan ay si Cayetano ang iboboto ng mambabatas alinsunud sa  pag-eendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi ni Salceda na sina Leyte Rep. Martin Romualdez, Marinduque Rep. Lord Allan Jay Velasco at Davao Rep. Paolo Duterte ang magno-nominate kay Cayetano bilang Speaker. Inamin ni Salceda na nakarating sa kanila ang mensahe ng Pangulong Duterte…

Read More

BULSA NINA PACQUIAO,THURMAN, GARANTISADONG KAKAPAL

pacman77

(NI VTROMANO, Saksi Ngayon, Sports Editor/Photo by WENDELL ALINEA) LAS VEGAS – Manalo man o matalo, garantisado ang mga premyong tatanggapin nina eight division world champion Manny Pacquiao at Keith Thurman sa kanilang WBA welterweight showdown. Base sa inilabas na listahan ng Nevada State Athletic Commission (NSAC) sa mismong araw ng laban, si Pacquiao ay nakatakdang magbulsa ng $10-million, habang si Thurman nama’y $2.5-million ang iuuwi. Pero, hindi lamang iyon ang nakatakdang tanggapin ng dalawang boksingero, ayon sa ulat ng ESPN. Ang 40-anyos na si Pacquiao ay inaasahang magbubulsa ng…

Read More

PHL BOXING COMMISSION ACT, ISINUSULONG PARA KAY PACMAN

pacman88

(NI BERNARD TAGUINOD) DAHIL naibigay na lahat ng parangal na dapat ibigay kay Sen. Manny Pacquiao, isinusulong ng kanyang mga supporters sa Kamara ang pagpapatibay sa isang batas na magbibigay magkilala sa Pambansang Kamao. The best way Congress and the Executive Branch can now honor not just Manny Pacquiao, but all those boxers who honor him, is to enact into law and implement effectively the Philippine Boxing Commission Act,” ani 1-Pacman party-list Rep. Mikee Romero ukol sa kanyang House Bill 8883 na inakda Romero. Ginawa ni Romero ang pahayag matapos…

Read More

DEREK AND KRIS: PAREHONG NAG-BACK OUT SA (K)AMPON?

(NI LOURDES C. FABIAN) MAUGONG na pinag-uusapan ngayon na mukhang namumroblema ang producer ng “(K)Ampon” na si Atty. Joji Alonso ng Quantum Films dahil mukhang hindi talaga kakayanin ng schedule ni Derek Ramsay na busy sa taping ng Kapuso primetime series nito na “The Better Woman” with Andrea Torres na sa Laiya, Batangas pa ang location ng taping kaya mukhang hindi na niya tatanggapin ang nasabing horror movie. Gusto rin syempreng ipakita ni Derek sa GMA-7 na priority niya ito. At mas lalong mamu­mroblema si Atty. Joji kung totoo ngang pati si Kris Aquino ay nag-beg off na rin daw sa project dahil nakarating sa…

Read More

ADLIB NI DU30 LILIMITAHAN SA SONA SPEECH

duterte12

(NI BETH JULIAN) LILIMITAHAN ang mga adlib ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang State of the Nation Address ngayong araw. Ito ang pagtitiyak ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo kaya inaasahang aabot lamang ng 45 minuto ang talumpati ng Pangulo sa kanyang ikaapat na SONA. Nakapokus ang talumpati ng Pangulo sa kanyang mga ipinangako noong kampanya gaya ng paglaban sa ilegal na droga at korupsiyon at ang mga plano para sa susunod na huling tatlong taon pang panunungkulan. Babanggitin din sa SONA ang ilang kontrobersyal na isyu gaya ng WPS at…

Read More

LAGAY NG MAGSASAKA HINIHINTAY SA SONA

farmers55

(NI BERNARD TAGUINOD/PHOTO BY RAFAEL TABOY) HINDI lang ang mga magsasaka ang lugi sa Rice Tariffication Law kundi ang mga consumers dahil ang pangakong bababa ng P7 ang bawat kilo  ng bigas lalo na ang commercial rice ay hindi natupad. Ito ang nabatid kay dating Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao kaya nanawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte na huwag kaligtaan ang mga magsasaka sa kanyang State of the Nation Address (SONA), bukas ng hapon. Ayon kay Casilao, bagama’t bumaha na ng imported ng bigas sa bansa dahil sa Republic Act (RA) 11203, P1…

Read More

PANALO NI PACQUIAO KARANGALAN MULI NG PINAS – PANELO

pacman66

(NI BETH JULIAN) MALAKING karangalan muli ang ibinigay ni Senator Manny Pacquiao sa Pilipinas. Ito ang pahayag ng Malacanang kasabay ng pagpaparating ng pagpapasalamat sa senador  na tinaguriang eight division champion. Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, muling pinagkaisa ng fighting senator ang mga Filipino matapos talunin si WBA Super welterweight champion Keith Thurman sa laban nila sa Las Vegas, Nevada kahapon. “We thank Senator Manny for not only bringing honor and glory to our flag, but for once again uniting all Filipinos worldwide with his display of athleticism, power and…

Read More