(NI ROSE PULGAR) MAY nakaamba na pagbaba sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo. Base sa mga kumpanya ng langis, tinatayang nasa P0.30-P0.40 kada litro sa gasoline, P0.20 hanggang P0.30 kada litro Sa diesel habang sa kerosene ay nasa P0.30 hanggang P0.40 naman sa kada litro na rollback. Umaabot nang mahigit P3 ang naging pagtaas ng presyo ng gasolina at P2.40 naman sa diesel at kerosene dahil sa magkakasunod na taas-presyo. Ang nakaambang taas-presyo sa produktong petrolyo ay bunsod sa paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan.…
Read MoreAuthor: Jet
JIMUEL AT MICHAEL: DAD BY KNOCKOUT
(TEKSTO/PHOTO BY VIRGI T. ROMANO, Saksi Ngayon, Sports Editor) KUMPLETO ang pamilya ni Pacquiao sa weigh-in. Naroon ang maybahay na si Jinkee at mga anak na sina Jimuel, Michael, Princess at Queennie. Maging ang inang si Mommy Dionisia ay naroon din upang bigyang-suporta ang Fighting Senator. Hindi nagbigay ng prediksyon sa laban si Jinkee. “Hindi naman talaga ako nagbibigay ng prediksiyon,” nakangiting sabi ni Jinkee. “Nakita ko naman relax si Manny, kaya relax lang din ako.” Habang si Jimuel ay: “Dad by late round stoppage.” Knockout naman sa kalagitnaan ng…
Read MoreEDAD 40 KONTRA EDAD 30
(NI VIRGI T. ROMANO, Saksi Ngayon, Sports Editor) SA pag-akyat ni Pacquiao (61-7-2, 39 knockouts) sa ring ngayon, ika-71 laban na niya ito. Muli ring lalabanan ng Pambansang Kamao ang kanyang edad na 40, upang ipakita sa lahat na may Natitira pa sa kanyang tangke. Ito ang ikalawang pagsabak ni Pacquiao sa Amerika, matapos ang dalawang taon. Siya ay bumalik noong Enero at tinalo si Adrien Broner. “Gusto kong ipakita sa lahat na kahit 40 na ako ay magagawa ko pa rin ang ginagawa ko dati,” lahad ni Pacquiao. Ito…
Read MorePACQUIAO VS THURMAN: BAKBAKAN NA!
(NI VIRGI T. ROMANO, Saksi Ngayon, Sports Editor/PHOTO BY WENDEL ALINEA) LAS VEGAS – Ngingiti-ngiti si Manny Pacquiao habang kumakaway sa libong fans na sumaksi sa official weigh-in, Biyernes (Sabado sa Maynila) sa MGM Grand Garden Arena. Si Thurman naman ay sinalubong ng ‘boo’ ng pro-Pacquiao crowd, na ikinairita nito. Kapwa tumimbang ng 146.5 pounds sina Pacquiao at Thurman, mababa nang bahagya sa 147-pound limit para sa kanilang WBA welterweight showdown. “It’s going to be a good fight,” komento ni Pacquiao habang nasa entablado, ilang saglit matapos tumuntong sa weighing…
Read MoreSWS: 11.1 MILYONG PAMILYANG PINOY, NAGHIHIRAP
(NI JESSE KABEL) UMAABOT sa 11.1 milyong pamilyang Pilipino o kalahati ng populasyon ng bansa ang nagsasabing sila ay mahirap, base sa inilabas na pag-aaral ng Social Weather Station (SWS), ngayong Sabado. Isinagawa ang survey ilang araw bago ang ikaapat na State of the Nation Adress (SONA) ni Pangulong Duterte. Ayon sa isinagawang pag-aaral ng SWS para sa second quarter ng taon, nasa 45% o umaabot sa 11.1 milyon na pamilya ang kinokonsidera ang sarili bilang mahirap. Mataas ito ng pitong punto kumpara sa record-low na 38 percent o 9.5 milyon…
Read MoreCOMMITTEE CHAIR SA KAMARA IAANUNSYO SA LUNES
(NI ABBY MENDOZA) KASABAY ng pagbubukas ng unang sesyon ng 18th Congress ay iaanunsyo ng bagong House Leadership, sa pamumuno ni Taguig Rep. Alan Peter Cayetano, ang mga mamumuno sa mga komite, kabilang na rito ang makapangyarihang Committee on Accounts, Committee on Appropriations at mga Deputy Speakers. Kinumpirma ni Cayetano na ngayong Linggo ay magkakaroon sila ng pagpupulong kung saan pag-uusapan kung sino ang maitatalagang chair sa mga komite at sa Lunes ay kanila na itong isasapubliko. Ipinaliwanag ni Cayetano na kailangang madaliin ang pag-organisa sa committee chairmanships dahil sa…
Read MoreSTAKEHOLDERS NG PH SPORTS, TULUNG-TULONG SA SEA GAMES
(NI JEAN MALANUM) NAGKAISA ang major stakeholders ng Philippine sports na magtutulungan para sa matagumpay na hosting ng 30th Southeast Asian Games (SEAG). “The Philippine Sports Commission (PSC), the Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) and the Philippine Olympic Committee (POC) are united in one leadership of the President of the Republic, to host and participate in the 30th Southeast Asian Games,” sabi ni PSC Chairman at Team Philippines Ched de Mission (CDM) William”Butch” Ramirez sa statement na pinalabas kahapon. Itinanggi rin ni Ramirez ang mga balita na may…
Read MoreALITAN SA 1ST FAMILY ITINANGGI NG PALASYO
(NI BETH JULIAN) PINABULAANAN ng Malacanang na may namumuong alitan sa First Family kasunod ng mga ulat na tiyak na iisnabin ng ilang anak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang SONA sa Lunes. Ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar, nag abiso na si Davao City Vice Mayor Baste Duterte na hindi makadadalo sa SONA dahil abala ito sa mga usapin ng lungsod lalo na’t naka medical leave si Davao City Mayor Sara Duterte Carpio. Gayunman, hindi naman masabi ni Andanar kung dadalo o hindi si Congressman…
Read More1,069 KASO NG TIGDAS NAITALA SA DAVAO REGION
(NI DONDON DINOY) DAVAO CITY—Nakapagtala ang Department of Health (DOH)-XI ng 1,069 kaso ng tigdas kung saan 65 porsiyento ang galing sa mga hindi nagpabakuna. Ayon kay DOH national immunization program officer Janis Olavides nitong Biyernes, Hulyo 18, wala pa ring dapat ikabahala at hindi na kailangang magdeklara ng “measles outbreak” dahil bumaba pa umano ito ng 13 porsiyento sa kumpara sa nakaraang taon. Naipakita din sa kasalukuyang datos na ang lunsod ng Davao ay may 444 na kumpirmadong kaso. Base sa rekord nitong taon, naipakita din ang pagbaba ng…
Read More