(NI KEVIN COLLANTES) PINAHINTULUTAN na ng Department of Transportation (DOTr) ang mga hatchback-type at sub-compact na behikulo na permanenteng makapag-operate bilang transport network vehicle service (TNVS) units. Inianunsiyo ni Transport Assistant Secretary Goddess Libiran, na isang Department Order (DO) hinggil dito ang nilagdaan nitong Biyernes ng umaga ni Transportation Secretary Arthur Tugade. “Sec. Tugade signs the Department Order permanently allowing hatchbacks and sub-compact cars as TNVS units,” pahayag pa ni Libiran. Nauna rito, inalis ng Land Transportation and Regulatory Board (LTFRB) ang mga hatchback cars sa listahan ng mga sasakyang pinapayagang mag-operate…
Read MoreAuthor: Jet
SONA NI DU30 AABUTIN NG 50-MINUTO
(NI BETH JULIAN) POSIBLENG abutin lamang ng halos isang oras ang ulat sa bayan ni Pangulong Rodrigo Duterte kung susundin nito ang State of the Nation Address (SONA) script. Ito ang inihayag ni Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar kung saan ngayong Biyernes ay inianusyo na nagkaroon ng Presidential briefing ganap na alas-4:00 ng hapon sa Malacanang. Ang briefing ay bahagi ng ginagawang paghahanda sa SONA ng Pangulo sa Lunes. Ayon kay Andanar, kung walang gagamiting adlib o hindi lilihis ang Pangulo sa kanyang nakahaing speech ay maaring tumagal…
Read MoreCAYETANO, REP. DUTERTE, NAGKAAYOS NA
(NI ABBY MENDOZA) NATULDUKAN na ang hindi pagkakasundo sa pagitan nina Davao City Rep. Paolo Duterte at incoming House Speaker Alan Peter Cayetano matapos makapag-usap nang personal ang dalawa at tanggapin ng batang Duterte ang posisyon bilang Deputy Speaker for Political Affairs sa 18th Congress. Inianunsyo mismo ni Cayetano sa kanyang facebook post ang pagkikita nila ni Duterte kung saan nakapagusap sila at nagkaayos. Nagpapasalamat si Cayetano sa presidential son dahil nakapag-usap sila ng personal para talakayin ang mga kinakailangan ng bansa gayundin ang pagkakaroon ng isang “responsive” na Kongreso.…
Read MorePULIS, SUNDALO SA MORONG 43, ABSWELTO
(NI ABBY MENDOZA) IBINASURA ng Sandiganbayan 7th Division ang kaso laban sa mga opisyal ng militar at pulisya na kinalaman sa kaso ng Morong 43 noong 2010. Sa desisyon ng graft court, kinatigan nito ang demurrer to evidence na inihain ng mga akusado. Ayon sa Sandiganbayan, walang sapat na ebidensya na magsasabing guilty beyond reasonable doubt ang mga akusado. Ang mga opisyal na una nang kinasuhan ng paglabag sa Republic Act 7437 o Rights of Persons Arrested, Detained or Under Custodial Investigation ay sina Lt. Gen. Jorge Segovia, retired Maj. Gen. Aurelio…
Read MorePACQUIAO, THURMAN WEIGH-IN NGAYONG SABADO
(Ni VIRGI T. ROMANO, Saksi Ngayon, Sports Editor) LAS VEGAS – Hindi na tumapak sa running oval o kahit sa gym si eight division world champion Manny Pacquiao nitong Huwebes (Biyernes sa Manila) para magpapawis. Ibig sabihin, hindi ito nag-aalala sa kanyang timbang. Sina Pacquiao at Thurman ay tutuntong sa weighing scale ngayong araw ng Biyernes (Sabado sa Manila) sa MGM Grand Garden Arena dito para sa official weigh-in ng kanilang 12-round WBA welterweight showdown bukas. At dahil hindi na nagpapawis si Pacquiao kahapon, tiyak na swak ito sa 147-pound…
Read MoreMAYWEATHER KUNTENTO NA SA BUHAY; NO SA REMATCH
(NI VTROMANO, Saksi Ngayon, Sports Editor) LAS VEGAS – Hindi interesado si Floyd Mayweather na makipag-rematch kay Manny Pacquiao. Ito ay ayon kay Leonard Ellerbe, CEO ng Mayweather Promotions at adviser ng retired American boxer. “Floyd has no interest in fighting Pacquiao again,” komento ni Ellerbe matapos ang grand arrival ceremony nina Pacquiao at Keith Thurman sa MGMG Grand. Ayon kay Ellerbe, kuntento at inienjoy ni Mayweather ang kanyang buhay matapos magretiro. “He has zero interest. He’s been doing this all his life. And after a while, you get burned…
Read MoreTIKAS NG LIDERATO NI CAYETANO SUSUBUKAN SA HATIAN NG POSISYON
(NI BERNARD TAGUINOD) NAKASALALAY sa hatian ng puwesto sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang katatagan ng liderato ni “presumptive Speaker” Allan Peter Cayetano ng Taguig-Pateros. Ginawa ni Albay Rep. Edcel Lagman ang pahayag dahil matapos mangialam si Pangulong Rodrigo Duterte sa Speakership ay ang mga matataas na posisyon naman ngayon ang pinag-aagawan. “Current grumblings in the House are the usual infighting for choice positions of Deputy Speakers, Committee Chairmen, Vice Chairmen, and ranking members, among fellow partisans which would test the mettle and fortitude of a leader,” ani Lagman. Dahil…
Read MoreTUBIG SA ANGAT DAM BAHAGYANG TUMAAS
(NI DAHLIA S. ANIN) MAS mataas na sa kritikal level ang antas ng tubig sa Angat Dam matapos ang tuluy-tuloy na pag ulan na dala ng Bagyong Falcon. Sa tala ngayong araw ng ala 6:00 ng umaga, umakyat na sa 160.16 meters ang lebel ng tubig sa dam mula sa 158.29 meters nitong Huwebes ng umaga. Umaray ang ilang konsumer noong mga nakaraang araw dahil sa halos 19- oras na water interruption ang ipinatupad ng Maynilad at Manila Water Nagpaalala naman ang National Water Resources Board (NWRB) na mag-ipon pa…
Read MoreSOLON: ISDA SA WPS UUBUSIN NG CHINA
(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI malayong ubusin ng China ang mga isda sa West Philippine Sea na maging dahilan ng pagkagutom ng mga Filipino. Ito ang babala ni Magdalo party-list Rep. Manuel Cabochan III matapos aminin ni Pangulong Rodrigo Duterte na binigyan niya ng ‘fishing rights” o karapatang mangisda ang China sa West Philippine Sea. “Mas lalong nadedehado ang ating mga mangingisda. This also allows depletion of our marine resources. Ang pagkain na dapat sana ay para sa mga nagugutom na Pilipino ay ipamimigay na sa mga dayuhan,” ani Cabochan. Base…
Read More