(NI BETH JULIAN) MARIING itinanggi ng Malacanang ang mga naglabasang ulat na may memorandum na nag-aatas ng no-contact apprehension sa mga colorum o ilegal na transport network vehicle services (TNVS) drivers o operators. Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, walang utos mula sa tanggapan ng Pangulo kaugnay sa nasabing dokumento. “The Office of the President advises the public that Executive Secretary Salvador Medialdea has not signed or caused the release of a particular document, which is labeled as Memorandum No. 636, purportedly adopting a no-contact apprehension for (TNVS) drivers or…
Read MoreAuthor: Jet
PARA ‘DI MAWALA SA POKUS; PACQUIAO IWAS-GIGIL
(NI VIRGI ROMANO, Saksi Ngayon, Sports Editor/PHOTO BY WENDELL ALINEA) HOLLYWOOD — PABABA na ang ensayo ni Manny Pacquiao bilang preparasyon sa laban kay Kieth Thurman, isang linggo na lang mula ngayon na gaganapin sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas. Ayon kay chief trainer at Polangui, Albay vice-mayor Buboy Fernandez, wala nang kulang sa kanilang preparasyon at tanging ang mismong araw na lang ng laban ang hihintayin. Mayroon lamang paulit-ulit na ipinapaalala si Fernandez kay Pacquiao: Iwasang manggigil. Sinabi ni Fernandez, na maraming sinasabi si Thurman…
Read MoreJOROSS INIRERETO SINA ALDEN AT SANDARA SA ISA’T ISA
(NI JERRY OLEA) GUSTONG “ibugaw” ni Joross Gamboa sina Sandara Park at Alden Richards sa isa’t isa. Close friend ni Joross si Sandara na kasabayan niya noon sa Star Circle Quest. Naging matchmaker si Joross kina Sandara at Mario Maurer, pero hindi iyon umepek. Ngayong close si Joross kay Alden dahil sa pelikulang Hello, Love, Goodbye, naisip niyang i-match ito kay Sandara. 27-anyos si Alden. 34-anyos si Sandara, pero mukha pa rin daw itong 24. EDDIE GARCIA, VETERAN STARS PARARANGALAN SA 3RD EDDYS Ipagdiriwang ng 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino…
Read MoreRESOLUSYON NG ICELAND SA EJK IBINASURA NG DFA
(NI ROSE PULGAR) IBINASURA ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang resolusyon ng Iceland para magsagawa ng imbestigasyon ang United Nation Human Rights Council (UNHRC) sa umano’y nagaganap na extra judicial killing (EJK) sa ilalim ng kampanya kontra droga ng administrasyong Duterte. Ayon kay DFA Secretary Teodoro “Teddy Boy” Locsin, ni-reject ng Pilipinas ang resolusyon na naging partisan at one sided lamang. Sa isang resolusyong inihain ng Iceland, 18 bansa ang pumabor, 14 ang kontra kabilang ang China at 15 and abstain kasama ang Japan. Sinabi kahapon ni Locsin, ito aniya…
Read More64 SISIBAKING BoC PERSONNEL IPINATAWAG NI DU3O
(NI BETH JULIAN) HAHARAP sa Lunes kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacanang ang nasa 64 na personnel ng Bureau of Customs (BoC) na kanyang sisibakin dahil sa corruption. Ayon sa Pangulo, ipinatawag niya sa Malacanang ang mga Customs personnel para malaman ang kanilang panig kaugnay sa isyu ng kurapsyon sa ahensya. “I will be dismissing something like 64 Customs officials. In the meantime that the cases are being heard, in obedience with the rule of the right to be heard, I want [them] to be here in Malacanang,” wika ni…
Read MoreAPPOINTMENT NI PIÑOL TINANGGAP NA NI MURAD
(NI BONG PAULO) TINANGGAP ni BARMM interim chief Al Hajj Ebrahim Murad ang appointment ni Agriculture Secretary Manny Piñol bilang bagong pinuno ng Mindanao Development Authority (MinDA). Sinabi ni Pangulong Duterte na ito ay matapos ang kanilang pulong ni Murad. Sa ngayon, ayon sa Presidente, inaayos na lamang nila ni Murad ang paglilipat ni Piñol. Naniniwala ang Pangulo na malaki ang maitutulong ni Piñol dahil sa Mindano ito ipinanganak at lumaki, naging magsasaka at naging gubernador din ng North Cotabato. Sinabi naman ni Murad na welcome sa kanila ang pagtatalaga…
Read MorePAGGAMIT SA BANGKETA KOKONTROLIN NA
(NI BERNARD TAGUINOD) GAGAWA na ng batas ang Kongreso para iregulate o kontrolin na ng national government ang paggamit sa mga bangketa at kalsada, hindi lamang sa Metro Manila, kundi sa mga urban areas sa buong bansa. Sa ilalim ng House Bill 504 na iniakda ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na tinawag niyang “Sidewalks and Public Roads Use Act”, sinabi nito na panahon na para kontrolin ang paggamit sa mga bangketa at kalsada para sa kapakanan ng dumadaan. Maliban dito, layon din ng nasabing panukala na tuluyang maayos…
Read MoreALDEN: NANANAHIMIK PERO TINITIRA PA RIN NG BASHERS
(NI RK VILLACORTA) HINDI pala lahat ng mga fans ng AlDub (Alden Richards and Maine Mendoza) ay solid sa kanilang tandem. What I mean is, hindi lahat ng mga fans ni Maine ay gusto si Alden and vice versa. Ayaw ng mga solid Maine fans na parang niloloko lang ni Alden ang idol nila. Nililinaw din nila na hindi din sila maka-Arjo Atayde na boyfie ngayon ng dalaga. Nagulat ako na ang isang kakilalang solid Maine Mendoza fan ay ayaw kay Alden. “Di ba kuwan daw siya?” Anong kuwan? Naitanong…
Read MoreHIWALAY NA BAGON NG TREN SA TRANSGENDER WOMEN IMINUNGKAHI
(NI BERNARD TAGUINOD) UPANG maiwasan umano na maging biktima ng sexual harassment, nais ng isang mambabatas sa Kamara na pasakayin sa mga special coaches sa mga tren ang mga transgender women. Nitong Biyernes, hiniling ni BH party-list Rep. Bernadeth Herrera-Dy sa Department of Transportation (DOTr) sa coaches na nakaserba sa mga kababaihan, senior citizens at people with disabilities (PWDs). “Letting the transgender ride on the reserved coaches is a proactive way to prevent future incidents of sexual harassment of the transgender with members of their former gender,” katuwiran ni Herrera-Dy.…
Read More