NAPOLES SINILBIHAN NG BAGONG ARREST WARRANT

napoles12

(NI KEVIN COLLANTES) ISANG panibagong warrant of arrest ang isinilbi ng mga awtoridad sa tinaguriang pork barrel scam queen na si Janet Lim Napoles sa loob mismo ng kinapipiitan nitong Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City, Biyernes ng hapon. Sa ulat ng Mandaluyong City Police, nabatid na dakong ala-1:30 ng hapon nang isilbi ng mga awtoridad kay Napoles ang naturang mandamyento de aresto. Lumilitaw na ang naturang warrant of arrest ay inisyu ni Oscar Herrera Jr., chairperson ng Second Division ng Sandiganbayan, laban kay Napoles dahil sa kasong…

Read More

PAGHIMAY SA PRESYO NG OIL PRODUCTS TINUTULAN  

doe

(NI ROSE PULGAR) NAGHAIN ng petisyon ang grupong Philippine Institute of Petroleum Inc. (PIP) sa korte  para ipahinto ang pagpapatupad sa kautusan ng Department of Energy (DoE) na “unbundling”o paghimay sa presyo ng mga produktong petrolyo. Inihain ng PIP sa korte ang “Petition for Declaratory Relief with Application for a Temporary Restraining Order and/or Preliminary Injunction” laban sa Circular no. DC2019-05-0008 ng DoE. Sa Hunyo 29 na epektibo ng naturang circular order. Sa utos na ‘unbundling’, obligado ang mga kumpanya ng langis na ipaalam sa DoE ang detalyadong computation at…

Read More

PHIL ARMY NAGBIGAY-PUGAY KAY EDDIE GARCIA

eddie garcia pa 12

(NI AMIHAN SABILLO) BINIGYANG- pagkilala ng Armed Forces of the Philippine (AFP) ang namayapang beteranong actor na si Eduardo ” Eddie” Garcia bilang dating miyembro ng AFP o Philippine Scout member. May itinalaga na tig-dalawang sundalo na magsasalitan at nilagyan din ng bandila ang lamay ng actor sa bahagi ng Heritage Park, Taguig. Ayon kay Lt.  Col.. Ramon P. Zagala, tagapagsalita ng Philippine Army na “his deployment ceremony was held in Luneta, that was why he wished his ashes to be scattered in Manila Bay,” Ayon kay Erwin Garcia, ang…

Read More

ARMAS ‘DI PA NAISUSUKO; OPLAN KATOK VS ERWIN TULFO IKAKASA

erwintulfo12

(NI NICK ECHEVARRIA) HANGGANG bukas na lang, June 23, ang hihintayin  ng PNP-Firearms and Explosive Office (FEO) para isuko ng broadcaster na si Erwin Tulfo ang kanyang mga baril matapos mapaso ang lisensya nito. Ayon kay FEO Director P/MGen. Valeriano de Leon, sakaling mabigo pa rin na isuko ni Tulfo ang kanyang mga baril sa June 23, mapipilitan na silang magsagawa ng ‘Oplan Katok’ laban sa broadcaster. Sa pinakahuling ulat ng FEO, hindi pa rin nagrere-apply si Tulfo makaraang ma-expire ang kanyang License To Own and Possess Firearms (LTOPF) sa kabila…

Read More

KONTRATA NG WATER CONCESSIONAIRES PINASISILIP

MAYNILAD-MANILA WATER CO2

(NI NOEL ABUEL) NAPAPANAHON nang usisain ng pamahalaan ang pinasok na kontrata sa water concessionaires na Manila Water at Maynilad. Sinabi ito ni Senador Grace Poe sa gitna na rin ng nararanasang problema ng mga residente sa Metro Manila at karatig lalawigan sa supply ng tubig. “We need to scrutinize the government contracts with the water concessionaires. The fact that we have the private sectors doing this for us does not clear the MWSS from its responsibility as regulators,” ani Poe. Sinabi pa nito na panahon na ring pag-aralan at…

Read More

WATER LEVEL NG ANGAT DAM SUMADSAD MULI

angatdam12

(NI JEDI PIA REYES) SUMADSAD pa ang antas ng tubig sa Angat Dam na nagpalala sa ipinatutupad na water interruptions sa Metro Manila. Sa huling monitoring ng Pagasa Hydrometeorology Division, alas-6:00 ng Sabado ng umaga nang umabot na lang sa 159.58 meters ang water level sa dam. Mas mababa na ito sa critical low level na 160 meters. Sa kasalukuyan ay nasa 36 cubic meters per second (CMS) ang alokasyon ng Angat dam para sa Metropolitan Manila Waterworks and Sewerage System (MWSS) na ipinamamahagi sa mga water concessionaire sa Metro…

Read More

DENNIS TRILLO NAPABABAYAAN NG KAPUSO NETWORK?

dennis trillo12

(NI RK VILLACORTA) ISA si Dennis Trillo sa mga artista ng GMA Kapuso Network na tila pinababayaan ng kompanya. Hindi hamak na mas magaling naman siyang umarte kumpara sa ilan na kaliga niya na maingay lang ang dating or presence pero hindi naman nakaka-impress. Dennis is a great actor na sa ilang pagkakataon ay pinatunayan na niya. Kahit anong role ang ibigay sa kanya ay walang mintis na naitatawid niya with flying colors. In cinemas sa August ay ang pelikula ng aktor na Mina-Anud kung saan kabilang sa mga co-stars…

Read More

DEPT OF WATER PRAYORIDAD SA 18TH CONGRESS

gma12

(NI BERNARD TAGUINOD    ) PRAYORIDAD sa susunod na Kongreso ang pagtatayo ng Department of Water matapos ang nararanasang krisis sa tubig dahil sa pagkakatuyo ng Angat dam na pangunahing pinanggagalingan ng supply ng Metro Manila. Ito ang paniniwala ni out-going House Speaker Gloria Macapagal Arroyo kaya inaasahan na muling ihahain ang House Bill (HB) 8723 na iniakda ni Quirino Rep. Dakila Carlo Cua, para itayo ang Department of Water, Irrigation, Sewage, Flood Control, and Sanitation Resource Management”. “Well that’s the advocacy already of the next (Congress),” ani Arroyo at ito rin…

Read More

BAGONG WATER INTERRUPTION SIMULA HUNYO 22

igib11

(NI DAHLIA S. ANIN) NAGLABAS na ng panibagong iskedyul ng water interruption ang mga water providers ngayong araw. Ayon sa Facebook post ng Maynilad, babawasan ng National Water Resources Board (NWRB) ang kanilang alokasyon ng raw water mula sa Angat Dam simula sa Hunyo 22. Dahil dito, magpapatupad ng bagong rotational water service interruption sa kanilang nasasakupan upang masigurado na makagagamit lahat ang kanilang mga kostumer ng tubig araw-araw kahit na limitado lang ang suplay nito. Ilang barangay sa Imus Cavite ang pinakaapektado ng water interruption tulad ng Barangay Anabu…

Read More