(NI NOEL ABUEL) TINIYAK ni Senador Panfilo Lacson na mananatiling independent ang Senado sa pagbubukas ng 18th Congress. Ayon sa senador, interesting ang kabuuan ng Senado sa susunod na Kongreso kung saan asahan na magiging masaya at mahalaga ang talakayan ng mga senador. “Interesting. Kasi medyo iba ang mix ng composition ng Senado at ang isa lang na maaasahan, masisigurado naming na ang Senado ay mananatiling independent,” ani Lacson. Malaki umano ang pagkakaiba ng Senado sa Kamara base sa matagal nang tradisyon na nangyayari. “Time-honored tradition ‘yan, unlike the HOR…
Read MoreAuthor: Jet
DU30 SA REBELDE: KAYA KONG IBIGAY ANG HINIHINGI NYO
(NI BETH JULIAN) SA makailang beses nang pagkakataon, muling nagpahiwatig si Pangulong Rodrigo Duterte na handa siyang makipag usap sa rebeldeng grupo. Sa talumpati ng Pangulo sa 8th Infantry Division ng Philippine Army sa Camp General Vicente Lucban, Catbalogan, Samar, sinabi nito na walang problema sa kanya ang makipag-usap kung kaya na itong pangatawanan ng mga rebeldeng grupo. Ayon sa Pangulo, kailangan lamang ay magbaba ng mga armas ang mga rebelde at bumalik sa negotiating table. Dito ay ipinangako ng Pangulo na kaya niyang ibigay sa mga rebeldeng grupo ang…
Read MoreEDDIE GARCIA , 90
YUMAO na ang multi-awarded actor-director na si Eddie Garcia bandang alas-4:55 Huwebes ng hapon matapos ang komplikasyon sa tinamong neck fracture, ayon sa kompirmasyon ng Makati Medical Center. Siya ay 90-anyos. Si Garcia ay nadapa habang nagte-taping sa isang teleserye ng GMA Network noong nakaraang linggo. Naging comatose at kritikal ang kalagayan ng aktor at hindi na muling nagising. Si Eddie Garcia, Eduardo Verchez Garcia, sa tunay na buhay, ay ipinanganak noong Mayo 2, 1929 sa Juban, Sorsogon. 422
Read MoreMRT-3 NAKAPERWISYO NA NAMAN
(NI KEVIN COLLANTES) NAKAPERWISYO na naman ang ilang train commuters nang isa na namang tren ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ang dumanas ng aberya sa area ng Makati City, nitong Huwebes. Sa inisyung advisory ng Department of Transportation (DOTr), lumilitaw na dakong alas-6:08 ng umaga nang magkaroon ng aberya ang tren sa pagitan ng Guadalupe at Sen. Gil J. Puyat (Buendia) stations. Problemang teknikal ang itinuturong dahilan ng aberya. Inabot naman ng hanggang alas-6:47 ng umaga bago tuluyang naayos ang problema at naibalik sa normal ang operasyon ng…
Read MoreBAGONG KASO, REBATE SA MANILA WATER NAKAAMBA
(NI BERNARD TAGUINOD) NAKAAMBA muli ang bagong kaso na maaaring maging dahilan para pagmultahin muli ang Manila Water dahil sa pagkawala ng tubig bago pa man magbawas ng supply ang National Water Resource Board (NWRB) dahil sa pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat Dam. “We will definitely file another complaint against Manila Water for more rebates for their customers,” pahayag ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate dahil ilang araw nang walang supply ng tubig umano ang nasabing water concessionaire. Nabatid sa nasabing grupo na 6 na araw nang walang…
Read MorePRINGLE NAKI-PRAKTIS NA SA GINEBRA
SUMALI na si Stanley Pringle ng unang praktis kasama ang Brgy. Ginebra nitong Huwebes, isang araw matapos i-trade ng NorthPort. Nakisali na si Pringle sa bagong ka-tropa upang mapag-aralan ang sistema ni head coach Tim Cone. Nitong Martes ay inaprubahan ng PBA ang trade kay Pringle, kapalit nina Sol Mercado, Jervy Cruz at Kevin Ferrer, na tumapos sa limang taong paglalaro niya sa NorthPort. Matapos ang praktis, nag-post si Pringle sa kanyang Instagram account ng larawan ng 2014 draft kung saan siya hinugot bilang no. 1 ng GlobalPort. At pinasalamatan…
Read MoreDND UMAMIN: ASSET NG MILITAR KAPOS SA RECTO BANK
(NI JG TUMBADO) KULANG ang ‘military asset’ ng Pilipinas para mapunan ang pagbabantay sa karagatang sakop ng bansa, partikular ang Recto Bank. Ito ang pag-amin ng Department of National Defense (DND) kaugnay ng naganap na banggaan ng Chinese Militia vessel sa mga Pilipinong mangingisda na sakay ng F/B GemVir Uno nitong Hunyo 9. Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, hindi sapat ang gamit at barko ng bansa para makapagpatrulya sa ‘fishing domain’ o karagatan na pwedeng pangisdaan. Kasunod nito, sinabi ni Lorenzana na walang “sovereign rights” ang Pilipinas sa Recto…
Read More‘CHINA PANALO NA SA RECTO BANK SAGA’
(NI BERNARD TAGUINOD) PANALO na ang China sa usapin ng pagbangga ng kanilang barko sa fishing boat ng mga Filipino sa Recto Bank. Ito ang pananaw ni House committee on national defense Sr. vice chair Ruffy Biazon dahil imbes na ang China ang managot sa responsibilidad sa mga Filipino na binangga ng kanilang fishing vessel at iniwan sa gitna ng laot, ay ang gobyerno ng Pilipinas ang umaako. “If the ending to this saga is for the fishermen to simply get some hand outs from the Philippine government, then it…
Read MorePNP ALERTO SA MALAWAKANG PAGKILOS NG KAPA SUPPORTERS
(NI AMIHAN SABILLO) SAPAT na pwersa ang ipinakalat ng Philippine National Police (PNP) para sa ikinasang malawakang kilos-protesta ng Kapa Community Ministry sa iba’t ibang bahagi ng bansa ma isasagawa ngayong Biyernes. Ayon kay PNP spokesperson Police Col. Bernard Banac, nakaalerto ang kanilang hanay at nakahanda para bantayan ang prayer rally at noise barrage ng grupo. Sinabi pa nito na sisikapin ng PNP na maging mapayapa ang aktibidad at sakali mang magkaroon ng tensyon ay paiiralin ang maximum tolerance. Kasabay nito, hinikayat ng PNP ang mga miyembro ng KAPA na…
Read More