(NI NOEL ABUEL) PINATITIYAK ng ilang senador sa Department of Justice (DOJ) at sa Security and Exchange Commission (SEC) na dapat madaliin ang pagsasampa ng kaso laban kay Kapa Community Ministry International Inc. founder Joel Apolinario. Ayon kay Senador Sherwin Gatchalian, hindi na dapat pang magpatumpil-tumpik ang DOJ na sampahan ng kasong kriminal laban sa mga opisyal ng Kapa upang hindi makalabas ng bansa. “The Department of Justice (DOJ) and the Security and Exchange Commission (SEC) must work double time in filing criminal cases against Kapa Community Ministry International Inc. founder Joel Apolinario…
Read MoreAuthor: Jet
KASO NG CARNAPPING BUMABA NG HIGIT 50%– PNP
(NI JG TUMBADO) NASA 56.8 percent ang ibinaba ng bilang ng carnapping incident sa bansa nitong buwan ng Mayo. Batay sa datos ng Philippine National Police (PNP), nakapagtala sila ng 19 na carnapping incident hanggang sa Mayo ngayong taon. Mas mababa ito kumpara sa 44 na kaso sa kaparehong buwan noong nakaraang taon. Walang naitalang kaso sa bahagi ng Police Regional Office 1, 2, 4A, 5, 6, 8, 9, 11, 13 at sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). Binati naman ni PNP Chief Gen. Oscar Albayalde ang PNP…
Read More‘MANOK’ NI DU30 SA SPEAKERSHIP RACE BITIN PA RIN
(NI BETH JULIAN) HUMIHIRIT pa ng ilang panahon si Pangulong Rodrigo Duterte sa PDP- Laban para pag-aralang mabuti kung sino ang ieendorso nito para maging pambato ng partido sa House speakership. Sinabi ni Senator-elect Bong Go, sa Hunyo 28 ay mag- aanunsyo ang Pangulo kung sino ang susuportahan nito para sumabak sa pwesto sa pagka-speaker of the House. Ayon kay Go, ang palugit ay hiniling ng Pangulo Martes ng gabi sa ginanap na dinner sa Malacanang, kasama ang mga bagong halal ng kongresista kabilang ang Presidential son na si Pulong…
Read MoreBASURA NG CANADA, RECTO BANK ISSUE , MAGKAIBA — PANELO
(NI BETH JULIAN) HINDI dapat ikumpara ang tugon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isyu ng basura ng Canada at insidente ng banggaan ng Chinese vessel at bangka ng Pinoy fishermen sa Recto Bank. Ito ang reaksyon ng Malacanang sa harap ng mga banat ng mga kritiko ni Pangulong Duterte laban sa umano’y pagtiklop nito sa China habang hinamon naman nito ng giyera ang Canada. Paliwanag ni Presidential spokesperson Salvador Panelo, bilang isang abogado ay ibinabase lamang ng Pangulo ang kanyang mga aksyon sa totoong nangyari o factual basis. Ayon kay…
Read MoreROTATIONAL WATER INTERRUPTION IPATUTUPAD
(NI DAHLIA S. ANIN) NAG-ABISO na ang Maynilad at Manila Water sa kanilang mga kostumer na nagsisimula na sa Miyerkoles ang pagpapatupad ng water interruption dahil sa patuloy na pagbaba ng tubig sa Angat Dam. Maaring mawalan ng tubig mula 8-16 na oras sa 70% ng kustomer ng Maynilad sa Kanlurang bahagi ng Metro Manila, ayon kay Assistant Vice President Jennifer Rufo. Maglalabas sila ng skedyul sa mga susunod na araw. Binawasan ng National Water Resources Board (NWRB) ang alokasyon ng mga water distributors ng 40 cubic meters per second…
Read MoreSUMMER SOLSTICE SA HUNYO 21 MARARANASAN
(NI DAHLIA S. ANIN) MARARANASAN ng bansa ang pinakamahabang daytime at pinakamaikling gabi sa Biyernes Hunyo 21, ayon sa Pagasa. Ayon sa astronimical diary ng weather bureau, ang summer solstice, ay papatak sa Biyernes ng 11:54 ng gabi. “This is the time when the sun attains its greatest declination of +23.5 degrees and passes directly overheard at noon for all observers at latitude 23.5 degrees North, which is known as the ‘Tropic of Cancer,” ayon dito. Ito umano ang tanda na magsisimula na ang paggalaw ng araw patungo sa timog…
Read MoreMATINDING PAGSIKIP NG TRAPIKO ASAHAN SA NLEX
(NI KEVIN COLLANTES) SISIMULAN na ng North Luzon Expressway (NLEX) Corporation ang pagkukumpuni sa bahagi ng Bocaue River Bridge, na inaasahang magdudulot ng pagsisikip ng daloy ng trapiko sa lugar. Sa advisory na inisyu ng NLEX kahapon, nabatid na isasailalim ang Bocaue River Bridge sa deck slab replacement at girder strengthening. Anang NLEX, ang naturang pagkukumpuni, na may tatlong bahagi, ay inaasahang tatagal ng may tatlong buwan. Sisimulan umano ito ngayong araw, Hunyo 19, at inaasahang matatapos hanggang sa Setyembre 7, 2019. Sa unang bahagi nito, kinakailangang isara ang 100-meter…
Read MoreMRT-3 PUMALYA; 700 PASAHERO APEKTADO
MAHIGIT 700 pasahero ang pinababa sa MRT-3 train matapos makaranas ng electrical failure sa northbound train, Miyerkoles ng umaga. Sinabi ng MRT-3 managerment na ang electrical failure ay dahil sa mga sirang subcomponents. Huminto ang northbound train sa pagitan ng Buendia at Guadalupe station bandang alas-8 ng umaga. Minabuti ng ilang pasahero na maglakad na lamang sa riles habang ang iba ay bumaba sa Guadalupe station habang umandar ang depektibong train ng alas-8:25 ng umaga. Ang mga pasahero ay nakasakay sa sumunod na train tatlong minuto makalipas nito. “We apologize…
Read MoreACCREDITATION NG WELLMED DIALYSIS CENTER BINAWI NA
(NI JEDI PIA REYES) KINANSELA na ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) ang accreditation ng WellMed Dialysis Center matapos masangkot sa umano’y ghost claims ng mga pasyenteng isinasalang sa dialysis treatment. Kinumpirma ito ni Rey Balena, tagapagsalita ng Philhealth, at inaabisuhan na aniya ang lahat ng pasyente ng WellMed na lumipat na lang sa ibang accredited dialysis facilities para patuloy na makakuha ng PhilHealth benefits. “PhilHealth withdraws WellMed Dialysis Center’s accreditation today, June 18, 2019 in view of fraudulent claims filed on behalf of deceased patients,” batay sa pahayag ng…
Read More