(Ni FRANCIS SORIANO) KAHIT tapos na ang 2019 midtern election ay patuloy pa rin ang naitatalang karahasan ng Philippine National Police (PNP) subalit mas mababa pa rin umano ng 55% ang naitalang krimen kumpara noong 2016. Gayunman, nagpapatuloy pa rin ang pagmonitor sa mga election related violent incidents (ERVIs) kahit tapos na ang midterm elections. Ayon kay P/Col. Bernard Banac, tagapagsalita ng PNP, hanggang June12 pa matatapos ang election period at siya ring huling araw sa pagpapatupad ng gun ban. Base sa talaan ng PNP na nagsimula noong January 13,…
Read MoreAuthor: Jet
COMELEC SINISI; 19-M BOTO NAWALA SA PARTYLIST
(NI BERNARD TAGUINOD) DAHIL sa “kapalpakan” ng Commission on Election (Comelec), nawalan ng mahigit 19 million boto ang party-list matapos ilagay sila ng komisyon sa likod ng balota, sa nakalipas na eleksyon. Ito ang lumalabas sa pag-aaral ng mga mambabatas mula sa party-list group kaya hindi na umano papayagan ng mga ito na muling mailagay sa likod ng balota ang party-list candidates. Ayon kay Ako Bicol party-list Rep. Alfredo Garbin, sa 47 million ang mga bumoto noong Mayo 13, subalit 27.6 million lamang ang bumoto sa mga party-list kaya umaabot sa…
Read MoreLRT2 TIGIL-BIYAHE; PROBLEMA SA RILES INAAYOS
(NI KEVIN COLLANTES) NAGPAPATUPAD ang pamunuan ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) ng tigil-biyahe nitong Biyernes umaga, nang makitaan ng problema ang riles ng tren nito sa area ng Quezon City. Ayon kay Light Rail Transit Authority (LRTA) spokesperson Hernando Cabrera, dakong alas-9:54 ng umaga nang magdeklara ng ‘code red’ ang LRT-2, dahil sa kaunting problema sa riles na malapit sa Cubao Station. Sa ilalim aniya ng ‘code red’ ay pansamantalang ititigil ang operasyon ng mass rail system. Kinakailangan ding mag-unload o magpababa ang mga tren ng kanilang mga…
Read MoreCOMELEC TAMEME PA RIN SA KALAMPAG NG LP
(NI NOEL ABUEL) KINALAMPAG ng Liberal Party (LP) ang Commission on Elections (Comelec) na magpaliwanag sa iregularidad sa nakalipas na May 13 midterm elections na hanggang ngayon ay hindi pa nasasagot ng poll body. Giit ni Senador Francis Pangilinan, hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin natatanggap ng LP ang tugon ng Comelec sa maraming isyu sa May 2019 elections tulad ng 7-hour glitch. “Comelec has yet to officially turn over its technical report and findings on the reason behind the glitch and has yet to release all logs of…
Read MoreCOMMUNITY SERVICE SA MINOR OFFENSE IGINIIT
(NI NOEL ABUEL) UMAASA si Senador Richard J. Gordon na magiging batas ang panukalang magpapabilis ang paghatol sa mga nakadetine sa piitan. Ayon sa senador, malaking tulong ang Senate Bill No. 2195 o ang Community Service Act para mabago ang buhay ng mga nakakulong na may kinakaharap na mababang kaso. Sa ilalim ng SBN 2195, maliban sa mababawasan ang bilang ng mga piitan sa bansa ay maaaring ihatol ng korte ang community service sa halip na pagkakakulong. “This will be a game changer. Instead of serving time in jail, offenders who committed minor…
Read MoreARAW NG MAYNILA, HOLIDAY
(NI DAHLIA S. ANIN) IDINEKLARA ng Malacañang ang Hunyo 24, 2019 na special non working holiday sa Maynila bilang paggunita sa ika-448 na anibersaryo ng pagkakatatag nito. Pinirmahan ang deklarasyong ito ni Executive Secretary Salvador Medialdea noong Hunyo 4 at inilabas ang kopya nito noong Huwebes. Nakasaad sa Proclamation 731, “It is fitting and proper that the people of the city of Manila be given full opportunity to celebrate and participate in the occasion with appropriate ceremonies.” Si Miguel Lopez de Legazpi ang unang Gobernador General sa Pilipinas noong panahon…
Read MorePAOLO-LJ AND KIDS ENJOY SA SIARGAO
ANG celebrity couple na sina Paolo Contis at LJ Reyes, kasama ang kanilang mga anak na sina Aki at Summer ay larawan ng isang masayang pamilya sa Siargao nitong mga nakaraang araw. Nag-post sina Paolo at LJ sa kanilang social media accounts ng mga photos na kinunan sa kanilang bakasyon. Sa caption ni LJ, sinabi niyang: “Fully charged with family love! It really pays off to get away from the city and spend time with your loved ones. Being away from the hustle and bustle of the city reminded me…
Read MorePALASYO ‘DI NATINAG SA PAGTAAS NG INFLATION RATE
(NI BETH JULIAN) HINDI natinag ang Malacanang sa naitalang bahagyang pagtaas ng inflation rate nitong buwan ng Mayo. Naitala ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang 3.2 percent inflation rate, mas mataas kumpara sa 3 percent noong Abril. Sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo, pasok pa rin naman ito sa inaasahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), na 2.8 hanggang 3.6 percent na inflation rate. Katwiran ni Panelo, hindi naman kontrolado ng Palasyo ang mataas na paggastos sa pagkain at mga inuming alak gayundin ang galawan ng presyo ng krudo sa…
Read MoreBI SINISI SA SENADO SA PAGDAGSA NG FOREIGN WORKERS
(NI NOEL ABUEL) ISINISISI ni Senador Joel Villanueva sa Bureau of Immigration (BI) ang pagdagsa ng mga dayuhang manggagawa sa bansa dahil sa patuloy na pag-iisyu nito ng special work permits sa mga foreign workers. Ayon sa senador, walang kakayahan ng BI na madetermina kung anong trabaho ang kaya ng mga Filipino at mga foreign workers. “This is the problem right now, why BI issue such work permits? Only DoLE has the capacity to determine if a job can’t be done by a Filipino,” sabi pa ni Villanueva, chair ng…
Read More