(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI na kailangang maghanap pa ang mga economic managers ni Pangulong Rodrigo Duterte para pondohan ang salary increase ng mga public school teachers dahil mayroon nang budget dito ang gobyerno kung gugustuhin lang nila. Ginawa ni i ACT Teachers party-list Rep. Antonio Tinio ang pahayag matapos atasan ni Duterte ang kanyang mga economic managers na maghanap ng pondo para maibigay na ang dagdag na sahod ng mga public school teachers. “Hindi na kailangang maghanap ng pondo. May pondo na kung gugustuhin lang ng Malacanang,” ani Tinio sa…
Read MoreAuthor: Jet
DEPED HIRAP SA ‘MALA-SARDINAS’ NA SITWASYON NG MGA ESTUDYANTE
(NI MAC CABREROS/PHOTO BY EDD CASTRO) AMINADO ang Department of Education (DepEd) na may kahirapang masolusyunan ang kakulangan ng silid-aralan. Gayunman, sa kabila nito, may ilang ding gusaling eskuwelahan na usad-pagong sa pagpapatayo habang ang iba ay tuluyan nang inabandona sa hindi malamang kadahilanan tulad ng sa Bagong Silangan High School sa Quezon City. Ayon kay Undersecretary Jesus Mateo, kakulangan ng espasyo o kawalan ng lupang mapagtayuan ng bagong gusali ang pangunahing dahilan ng nasabing problema. Bagama’t ganito, aniya, pinagsisikapan nila sa tulong ng local government executives na makahanap ng lupang mapagpatayuan…
Read MoreBEERMEN, MILKMEN NAKAUNA SA FACE OFF
(NI JOSEPH BONIFACIO/PHOTO BY MJ ROMERO) KAPWA nanalo ang San Miguel Beer at Alaska laban sa Purefoods at Barangay Ginebra sa pagsisimula ng PBA Legends Face off, Linggo sa Pasig Sports Center. Inilampaso ng Beermen ang Hotdogs, 88-68, habang tinakasan naman ng Milkmen ang Kings, 90-83 para sa magandang simula ng kanilang kampanya sa kompetisyong tatagal ng isang buwan hanggang sa kampeonato sa Hulyo 8 sa Smart Araneta Coliseum. Nagbida sa panig ng SMB si Chris Calaguio na may 16 puntos habang may 14 puntos naman si Kiko Adriano. Nagbaba…
Read MoreWALEY SA ACTING, SINGING; MARIEL MODELLING NAMAN ANG AATUPAGIN
(NI PETER LEDESMA) MUKHANG wala talagang luck sa showbiz si Mariel de Leon, ang anak ng veteran showbiz couple na sina Sandy Andolong at Christopher de Leon. Although nabigyan siya ng malaking break sa 2017 MMFF entry movie ni Coco Martin na Ang Panday kung saan isa siya sa leading ladies doon, mailap pa rin sa aktres ang pagsikat. Ang singing career naman, kahit todo push na ang manager niyang si Leo Dominguez na mabigyan siya ng shows, hindi rin ito nag-succeed. Ngayon, pagmomodelo naman ang gustong pasukin ni Mariel…
Read MoreROLLBACK ULIT IPINATUPAD
(NI ROSE PULGAR) SA unang araw ng ‘Balik Eskwela”, sinalubong ng big time oil price rollback matapos magbawas sa presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa epektibo ngayon (Hunyo 4). Pinangunahan ng mga kompanyang PTT Philippines ,Pilipinas Shell, Total, Eastern Petroleum at Seaoil ang bawas presyo na P1.70 kada litro ng gasolina, P1.05 kada litro ng diesel at habang P1.00 naman kada litro ng kerosene na epektibo ngayong alas-6:00 ng umaga. Inaasahan naman na susunod na magpatupad ng big time oil price rollback sa mga produktong…
Read MoreDU30 ‘DI BINGI SA HINAING NG MGA GURO — PANELO
(NI BETH JULIAN) INAAKSIYUNAN na ng mga economic managers ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hirit na taas sahod ng mga guro aa bansa. Ito ang kinumpirma ni Presidential spokesperson Salvador Panelo, bilang tugon sa hinaing na umento ng mga guro. Nitong Lunes, kasabay ng pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan, kinalampag ng mga guro ang Malacanang sa pamamagitan ng pagkilos na tinatawag na ‘Almusalang Guro’ sa Mendiola, sa Maynila na pinangunahan ng mga Alliance of Concerned Teachers (ACT). Ipinakita ng grupo na pinagsasalu-saluhan nila ang almusal na kanin, dilis…
Read MoreMS. PHILIPPINES EARTH 2019 CANDIDATES BUMISITA SA PFI OFFICE
BUMISITA nitong Lunes, June 3, sa opisina ng Peryodiko Filipino, Inc. (publisher ng SAKSI Ngayon at Diaryo Bomba), ang anim sa 42 candidates ng Miss Philippines-Earth 2019. Kasama nila sa larawan ang PFI president at publisher na si Atty. Victor Rodriguez. Ang anim na kandidata ay sina Patricia Maye Hoffman (General Santos City), Naya Kate Amore (Fil-Perth, Australia), Krizzia Lynn Moreno (Naga City), Jade Dyll Asis (Midsayap, North Cotabato), Jayvee Lyn Lorejo (Mawab, Davao del Oro), at Emily Marie Brumby (Tanauan, Leyte). Nakipagkuwentuhan ang mga kandidata sa staff ng PFI…
Read MoreSUPORTA SA MINDANAO PALALAKASIN NG JAPAN
(NI BETH JULIAN) PALALAKASIN ng Japan ang suporta nito para sa patuloy na pagkamit ng tunay na kapayapaan sa Mindanao. Sa pakikipagkita sa Japan ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Prime Minsiter Shinzo Abe, sinabi ng huli na hangad niyang maging matagumpay ang prosesong pangkapayapaan sa Mindanao. Sinabi ni Abe na malaki ang mga infrastructure development sa Mindanao para matigil na ang pagsanib sa mga terorista o armadong grupo ng mga mahihirap na residente sa rehiyon. Ayon pa kay Abe, mahalaga na sa pinakamaagang panahon ay maramdaman ng mga taga Mindanao,…
Read MoreFAILURE OF ELECTION SA PARTYLIST PINANINDIGAN
(NI ABBY MENDOZA) NANINDIGAN ang ilang mambabatas na nagkaroon ng failure of elections sa katatapos na 2019 midterm polls, partikular sa party-list groups, kung saan tinukoy nito ang ginawang pagpapaikli ng Commission on Elections (Comelec) sa balota. Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng House Committee on Public Accounts kaugnay sa audit observations sa suppliers at contractors ng automated polls, iprinisinta ng Comelec ang archive o kopya ng ginamit na balota noong 2010, 2013, 2016 at 2019 elections kung saan nadiskubre na ngayong 2019 election lamang inilagay sa likod ng mga balota…
Read More