PH VOLCANOES KAMPEON PA RIN

volcano12

KAMPEON pa rin sa Asia Rugby Division 1 ang Philippine Volcanoes. Ito’y matapos talunin ang karibal na Singapore sa finals, noong Sabado ng gabi sa Taipei. Nagtala ang mga Pinoy ng 29-21 win, matapos ang paulit-ulit na atake ng Singapore. “It wasn’t the prettiest game, but we showed a lot of heart to get the win,” komento ni Volcanoes captain Danny Matthews sa Philippine Rugby website. “All credit to Singapore. They were excellent, I can’t say enough how good they were,” dagdag pa niya. Umabante ang Volcanoes sa finals makaraang…

Read More

ZSA ZSA, VINA, HINDI PAKAKABOG SA BIKINI BABES!

vina321

(NI REY PUMALOY) AYAW pakabog nina Vina Morales at Zsa Zsa Padilla sa mga millennial bikini babes ngayong sunud-sunod ang pangangalandakan nila ng kanilang sexy body sa social media. Nag-post si Zsa Zsa ng kanyang mga bikini pics na kuha sa isang private resort sa El Nido, Palawan. Samantalang makikita namang naka-white two-piece si Vina sa Miami, Florida. Nakakabilib ang kaseksihan ng dalawa lalo na ni Zsa Zsa na 55 years old na, dahil hanggang ngayon punung-puno pa rin ng asim ang ganda at kaseksihan nito. Mahihiya ang mga millennials…

Read More

GLORIA, 73 IBA PA, GRADUATE NA SA KAMARA

gma

(NI BERNARD TAGUINOD) GA-GRADUWEYT na bilang mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongeso ang may 73 congressmen/woman sa pangunguna ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo. Sa huling araw ng session ng 17th Congress ngayong Martes, Hunyo 04, pangungunahan ni Arroyo ang mga kapwa niya third termer congresswoman, congressmen na nakatapos ng tatlong termino. Magkakaroon ng seremonya sa plenaryo ng Kamara para pagkilala sa mga graduating member ng Kapulungan na nakatapos ng tuluy-tuloy na tatlong termino. Ang mga kongresista ay binigyan lamang ng tatlong termino o maaaring tumakbo ng tatlong beses sa…

Read More

70 MOTORISTA NASAMPOLAN NG MMDA, NCRPO

overload12

(NI TJ DELOS REYES/PHOTO BY KIER CRUZ) NASA 70 motorista na pawang nag-illegal parking, overloading at iba pang paglabag sa batas trapiko ang hinuli ng magkasanib pwersa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at National Capital Regional Police Office (NCRPO)para bigyan proteksyon ang mga estudyante kontra  aksidente sa unang araw nang pagbubukas ng klase kahapon sa ilang lugar sa Metro Manila. Napag-alaman na bago mag-alas-6:00 Lunes ng umaga ay pinamunuan ni MMDA chair Danilo Lim ang operasyon kontra sa mga motoristang lumalabag sa batas trapiko sa area ng Batasan sa Quezon City. “Madami tayong…

Read More

FISH KILL SA TAAL LAKE IPINAMOMONITOR NG PALASYO

tilapia12

(NI BETH JULIAN) NAGPAHAYAG ng pagkabahala si Pangulong Rodrigo Duterte sa nangyayaring fish kill sa Taal Lake sa Batangas. Sa ulat ng Malacanang, tumaas ang sulfur sa lawa bunsod ng matinding init ng temperatura. Dahil dito, ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, mahigpit na pinababantayan ng Pangulo ang presyo at kalidad ng mga isdang ibinebenta sa mga palengke. Pinamomonitor din ng Presidente ang kalidad ng tubig sa Taal Lake. Samantala, umapela naman ang Palasyo sa publiko na iwasan nang magpakalat ng maling impormasyon tungkol sa fish kill. 340

Read More

MULA JOSHLIA, MAGIGING JOSHNELLA NA MGA BA?

(NI LOURDES FABIAN) DUDA ng supporters niya, Janella Salvador is prioritizing her love life more than her career. Ito ay matapos kumalat online ang mga photos ng Kapamilya actress habang nasa Osaka Japan kasama ang rumored boyfriend na Fil-Brit model-actor na si Markus Paterson. One week na silang nagliliwaliw sa Osaka. Sa Japan nila isi-celebrate ang birthday ni Markus today, June 3. They have been spotted together on some events, with his family, and some travels, kaya naman lalong uminit ang usapin tungkol sa tinatago nilang relasyon. Pakiusap ng mga fans ni Janella ay…

Read More

CARANDANG TULUYANG SINIBAK; POSISYON BAKANTE PA — PALASYO     

carandang12

(NI BETH JULIAN) TULUYAN nang sibak sa puwesto si overall Deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang. Ito ang kinumpirna ni Execitive Secretary Salvador Medialdea matapos ibasura ng Office of the President ang motion for reconsideration ni Carandang. Binigyan-diin ni Medialdea na parehong argumento ang iprinisenta ni Carandang sa kanyang MR o ang patuloy nitong paggiit na hindi hurisdiksyon ng Office of the President ang nasabing kaso. Sinabi pa ni Medialdea na hindi rin sila kumbinsido sa huling paliwanag ni Carandang kung bakit isiniwalat niya sa media ang mga impormasyong hindi dapat…

Read More

800-K GURO DISMAYADO SA UNANG ARAW NG KLASE

rally12

(NI BERNARD TAGUINOD) KUNG ang mga estudyante ay excited sa pagbubukas ng klase nitong Lunes, Hunyo 3, pagkadismaya naman ang narandaman ng mahigit 800,000 public school teachers dahil sa liit ng kanilang sahod. Ito ang paglalarawan ng Alliance of Concerned Teachers party-list group matapos buksan ang klase ngayon School Year 2019-2020, dahil bukod sa kakarampot na sahod ay hindi pa nareresolba ang problema sa mga public schools tulad ng kakulangan ng mga silid-aralan, textbooks, silya at iba. Ayon sa nasabing grupo na kinakatawan ni Rep. Antonio Tinio at France Castro…

Read More

CAYETANO SUPORTADO NG NUP SA SPEAKERSHIP

cayetano12

(NI BERNARD TAGUINOD) BAGAMA’T  sa Hulyo 22 pa ang botohan sa plenaryo ng Kamara para sa speakership at iba pang posisyon sa gobyerno, inilalatag na ng ibang political party ang kanilang susuportahang kandidato. Sa statement ni National Unity Party (NUP) chair Ronaldo Puno, pinili ng mga ito si Taguig-Pateros Congressman-elect  Allan Peter Cayetano bilang kanilang manok sa speakership. Ayon kay Puno, susuportahan umano ng kanilang partido ang kandidato sa speaker na may kakayahang mamuno sa Kamara at kayang ipatupad ang mga programa at polisya ni Pangulong Rodrigo Duterte. “For these…

Read More