(NI JEDI PIA REYES) MAKARAAN ang anim na taon nang humagupit ang mapaminsalang super typhoon Yolanda, hindi pa rin nagagamit ng Office of Civil Defense (OCD) ang kabuuan ng P135.39 milyong donasyon para sa mga biktima ng trahedya. Ayon sa Commission on Audit (COA), nasa mahigit P40 milyon pa ang naiwan sa pondo matapos na maibigay na bilang tulong sa mga biktima ang P94.4 milyon ng donasyon. Ang nasabing donasyon ay natanggap ng OCD mula sa mga lokal at dayuhang indibidwal at organisasyon at hindi mula sa Department of Budget…
Read MoreAuthor: Jet
84 KILO IMPORTED NA KARNE NASABAT SA NAIA
(NI ROSE PULGAR) NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs ng Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) ang may 84 kilong imported na karne sa isang papasok na pasahero mula sa Japan sa NAIA Terminal 3 sa Pasay City, nitong Huwebes. Ayon kay NAIA Customs Collector Mimil Talusan, bigo ang pasahero na maiprisinta ang clearance at certificate mula sa Bureau of Animal Industry dahilan upang kumpiskahin ang mga ito. Nauna nang nagbabala ang Bureau of Animal Industry sa mga pasahero na iwasan ang magdala ng karne mula sa ibang bansa…
Read MoreKARAHASAN MATAPOS ANG ELEKSIYON PUMALO SA 51 KASO
(NI AMIHAN SABILLO ) PUMALO sa 51 post election violent incidents mula May 14 hanggang May 29 ang naitala ng Philippine National Police (PNP) National Election Monitoring and Action Center (NEMAC). Ayon kay PNP spokesperson Police Col Bernard Banac, kasabay ng pagkondena sa mga insidente ng karahasan na ang kalimitang target ay mga local government officials tulad ng mga barangay captain at SK officials. Sa mga insidenteng nabanggit, walo ang patay, 14 ang sugatan at 29 ang walang pinsala. Sa mga kasong ito 21 ang ‘solved’, 8 ang “cleared” at…
Read MoreMMDA SINOPLA SA KONGRESO VS PROBLEMA SA TRAFFIC
(NI BERNARD TAGUINOD) TILA isinampal ni Albay Rep. Joey Salceda sa Metro Manila Development Authority (MMDA) ang kanyang dalawang panukalang batas na reresolba sa problema sa trapiko sa Metro Manila. Ibinalandra ni Salceda kay MMDA traffic czar Bong Nebrija ang kanyang House Bill 3712 at HB 9205 matapos itong hamunin ng opisyal na gumawa ng batas na tatarget sa mga pribadong sasakyan, matapos maghain ng petisyon ang kongresista sa Korte Suprema para ipatigil ang plano na alisin ang mga provincial bus terminals sa kahabaan ng Edsa. “Even without MMDA challenge…
Read MoreBASURA NG CANADA: MAY MANANAGOT — GUEVARRA
(NI BETH JULIAN) TINIYAK ni Justice Secretary Menardo Guevarra, OIC ng Philippine government, na hindi makalulusot sa batas ang nasa likod ng pagkakapasok at pagtambak sa bansa ng mga basura ng Canada. Sinabi ni Guevarra na hindi dahilan na ang pagpapabalik sa Canada ng basura para hindi kasuhan at papanagutin ang mga importer. Sa ngayon, sinabi ni Guevarra na isa sa mga importer ay subject na ng manhunt operation ng mga awtoridad. Samantala, tatlong kompanya ng barko na kinontrata ng Canadian government ang naghakot ng mga basurang itinambak sa Pilipinas.…
Read MoreKOLEKSIYON SA SIN TAX DIRETSO SA HEALTH CARE LAW
(NI NOEL ABUEL/PHOTO BY RAFAEL TABOY) IPAPANUKALA ng isang senador na ilagay ang lahat ng koleksyong makukuha sa isinusulong na bagong sin tax bill sa universal healthcare (UHC) program ng pamahalaan. Ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, hihilingin nito sa kanyang mga kabaro na ilagay ang makokolektang dagdag-buwis sa tobacco products sa pagpapagamot ng mahihirap. “I would propose that the increases in the excise tax on tobacco as a result of the sin tax that we are working on now should be devoted solely to the universal health program…
Read MoreSEARCH AND RESCUE OPS ULIT SA NAGLAHONG EROPLANO IKINASA
(NI FROILAN MORELLOS) IKINASA ang ikalawang search and rescue operation ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) para sa naglahong Orient Aviation Beech craft 55 (BE55) na nawala noong May 17 nang mag takeoff sa San Jose Mindoro Airport. Ito ay bilang pagsunod sa kahilingan ni Dr. Abdullah Al Bussairy , Ambassador ng Saudi Arabai upang makita ang katawan ng Saudi Arabian student na si Abdullah Khalid Al Sharif na kasama o sakay sa bumagsak na training plane. Kasama sa search and rescue group na binuo ng CAAP ang…
Read MoreBAGONG KAGAMITAN SA TAG-ULAN IBINIDA NG COAST GUARD
(NI DAHLIA S. ANIN) PUSPUSAN na ang paghahanda ng mga ahensya ng gobyerno sa tag-ulan sa bansa at sa iba pang sakuna. Kanina ay pinasinayaan sa Philippine Coast Guard Headquarters sa Maynila ang ilang bagong kagamitan tulad ng 20 bagong rescue boats na ipakakalat sa mga bahaing lugar sa bansa. Tinatawag nila itong Oplan Kahandaan Typhoon Season. Ang mga bagong rescue boats ay mga aluminum boats na may bilis na 20 knots. Karamihan sa mga unit na ito ay ipadadala sa Visayas at Mindanao. May maiiwan sa kanilang headquarters at…
Read MoreBASTOS SA SOCMED YARI SA ANTI-BASTOS LAW
(NI BERNARD TAGUINOD) KUNG mayroong higit na tatamaan sa Anti-Bastos Law na naging batas matapos “maglapse into law”, ito ang mga bastos sa social media na malimit na nangyayari ngayon. Ito ang napag-alaman sa mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at babantayan umano ng mga ito ang implementasyon ng nasabing batas upang maparusahan ang mga bastos, hindi lamang sa mga kalsada kundi lalo na sa social media. Base sa nasabing batas, sinumang mambabastos o gagawa ng sexual harassment sa social media ay may multang P100,000 at makukulong ng dalawang…
Read More