MARAMI nang napuntahang lugar ang magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, at ngayon ang kanilang napiling pasyalan ay ang exotic Morocco. Ito ay bansang nasa northern part ng Africa at bordering ito sa Atlantic Ocean at Mediterranean Sea. Ang capital nito ay Rabat, pero ang pinakamalaking city nito ay ang Casablanca, ang setting ng 1942 classic film na may ganoon ding pamagat. Ipinost ni Kathryn sa kanyang Instagram account photos sa Chefchaouen (tinatawag na Morocco’s blue city) na may caption na, “Ahhhh, finally made it here after several layovers! This…
Read MoreAuthor: Jet
SINIBAK NA MLA PORT OFFICIAL, 2 PA, BAGONG CUSTOMS DEP CHIEF
(NI BETH JULIAN) MAKALIPAS ang kontrobersya kaugnay sa natuklasang iregularidad, higit sa mga ipinupuslit na kargamento, opisyal nang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong deputy commissioners sa Bureau of Customs (BoC). Siniguro ng Pangulo na wala nang mangyayaring iregularidad kaya naman isang retiradong heneral ang iniluklok nito para pangasiwaan ang ahensya. Nitong Sabado ay opisyal nang inianunsyo ang paghirang kina Raniel Ty Ramiro, Vener Sia Baquiran at Donato San Juan, kapalit ng mga dating opisyal ng BoC. Si Ramiro ay kapalit ni Ricardo Quinto, habang si Baquiran ang hahalili…
Read MoreROLLBACK!
(NI ROSE PULGAR) MAY ipatutupad na rollback sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo. Subalit, Sabado ng hapon ay pinangunahan na ng Phoenix Petroleum Philippines ang rollback na nasa P0.35 kada litro ang bawas sa presyo ng gasolina at P0.45 naman sa diesel na epektibo Linggo ng alas-6:00 ng umaga. Sa pagtaya ng Department of Energy (DOE) ang diesel ay nasa P0.50 hanggang P0.55 kada litro, gasolina P0.40 hanggang P0.50 kada litro habang sa kerosene ay P0.50 hanggang P0.60 kada litro. Tuwing araw ng Martes ipinatutupad ng mga kompanya ng langis…
Read More91 OFWs BAGONG KASO NG HIV AIDS; BILANG TUMAAS PA
(NI ABBY MENDOZA) PATULOY ang pagdami ng mga overseas Filipino workers (OFWs) na tinatamaan ng human immunodeficiency virus (HIV) kung saan nitong Marso ay may 91 na namang bagong kaso. Ayon kay ACTS-OFW Partylist Rep John Bertiz, ang nasabing bilang ay mas mataas ng 14% kumpara noong buwan ng Pebrero. Sa kabuuang kaso na 65,463 confirmed cases ng National HIV/AIDS Registry ay 10% nito ay mga OFW. “The OFWs in the registry worked abroad within the past five years, either on land or at sea, when they were diagnosed HIV-positive,”…
Read MoreIMPORTER NG MGA BASURA UNAHING PARUSAHAN
(NI BERNARD TAGUINOD) HANGGA’T hindi naparurusahan ang mga importers ng mga basura sa iba’t ibang bansa — kasama na ang kanilang mga kasabwat at pabaya sa gobyerno — magpapatuloy na maging tapunan ang ating bansa. Ito ang dahilan kaya umapela si Misamis Oriental Rep. Juliette Uy kay Department of Justice (DoJ) Secretary Menardo Guevarra na bilisan ang pagsasampa ng kaso sa mga importers ng mga basura. Ginawa ng mambabatas ang pahayag matapos magdatingan sa bansa ang mga basura mula sa Australia at China kasunod ng mga basurang galing sa Canada…
Read More‘BIKOY’ PANSAMANTALANG NAKALAYA SA ESTAFA
(NI JG TUMBADO) WALANG naisumiteng pormal na kahilingan ang kampo ni Peter Joemel Advincula o si alyas ‘Bikoy’ sa kontrobersyal na “Ang Totoong Narcolist” videos, para mabigyan ng proteksyon ng Philippine National Police (PNP) sa paglabas nito sa Camp Crame, ng Sabado. Ito ang nilinaw ng tagapagsalita ng pambansang pulisya na si Police Col. Bernard Banac ilang sandal matapos lumabas si Advincula sa kostudiya ng pulisya makaraang maglagak ng P25,000 bilang piyansa at mabigyan ng release order ng Quezon City Trial Court kaugnay sa anim na kinasasangkutang kaso nito na…
Read MoreDFA NAGBABALA SA MGA BIBIYAHENG HONGKONG
(NI ROSE PULGAR) NAGPAALALA ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Pilipino na bibiyahe sa Hong Kong na huwag magdala ng mga bawal na gamit sa kanilang bagahe. Nauna nang inireport ng DFA na nasa 20 Pinoy, karamihan ay bumiyahe sa Hong Kong International Airport, ang nahuli at nagmulta dahil sa pagdadala ng mga bawal na gamit noong nakaraang taon. Sa abiso ng DFA, hindi dapat magdala ng restricted items sa hand-carried o checked-in luggage para hindi maabala at mapahamak sa kanilang pag-alis sa Pilipinas. “DFA reiterates its warning…
Read MoreTAAS-SAHOD NG GURO, GOV’T WORKERS OK NA
(NI BETH JULIAN) APRUBADO na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-aaral sa posibilidad na itaas ang sweldo ng mga guro at mga kawani ng gobyerno. Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, hindi lamang sa mga pampublikong guro maaaring i-apply ang dagdag-sweldo kundi para sa lahat ng kawani ng pamahalaan. Ngayong naibigay na ang ikaapat na tranche ng salary standardization sa mga empleado ng gobyerno, may go signal na si Duterte na pag-aralan ang salary system sa pamahalaan. Ang Department of Budget and Management din ang nagsasagawa ng pag-aaral tungkol sa…
Read MoreBILANG NG ELECTORAL PROTEST TUMATAAS
(NI HARVEY PEREZ) PATULOY na tumataas ang bilang ng mga kandidato na naghahain ng electoral protest sa Commission on Elections (Comelec),kaugnay sa natapos na mid -term elections noong Mayo 13. Ayon kay Comelec spokesperspn James Jimenez, may limang electoral protest na ang nakahain ngayon sa ahensiya. Ang protesta umano ay isinampa ng mga kandidatong natalo sa Taguig, San Juan, Leyte, Kalinga at sa Negros pero hindi tinukoy ni Jimenez ang pagkakakilanlan ng mga ito. Sinabi ni Jimenez na posibleng tumaas pa ang naturang bilang dahil hanggang nitong Biyernes ay may…
Read More