(NI RK VILLACORTA) SA estado niya sa showbiz bilang isang busy young actress, ewan ko lang kung makekeri ni Elisse Joson na ipagpatuloy ang pangarap niyang maging medical doctor like her mom. Noong unang interview namin sa dalaga noong bago pa lang siya sa showbiz hanggang ngayon ay walang nagbago. She still dreams to be like her mom. Mabuting huwaran ang katulad ni Elisse na kahit kumikita na bilang artista ay gusto pa ring makapagtapos ng pag-aaral. Bukod sa pagdo-doktor na pangarap niya, she’s also into food and bar business.…
Read MoreAuthor: Jet
MILF NAKIISA SA BRIGADA ESKWELA SA LANAO
(NI MICHAEL NAVARRO) MUNAI Lanao del Norte — Nakiisa sa inilunsad na Brigada Eskwela ang MILF sa pangunguna ni dating Moro Islamic Liberation Front (MILF) commander at ngayon ay Bangsamoro Transition Authority (BTA) member Hon. Abdullah Macapaar o mas kilala sa tawag na “Kumander Bravo”, kasama ang 4th Mechanized Infantry Battalion at ang Department of Education (DepEd) sa kanilang “Brigada Eskwela”. Kasabay din ito ng paglulunsad ng Alternative Learning System (ALS) center sa Camp Bilal (Kora-kora), Barangay Tamparan, Munai Lanao del Norte noong Lunes. Sa tema ngayong taon na “Matatag…
Read More4PS REGULAR NA PROYEKTO NA NG GOBYERNO
(NI DAHLIA S. ANIN) PIRMADO na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na nagtatakda sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) bilang regular na proyekto ng gobyerno upang mabawasan ang kahirapan sa bansa. Ang batas na ito ay ang Republic Act 11310 na magtatakda rito bilang regular na progrma upang mabawasan ang mahihirap at kwalipikadong pamilya. Bibigyan sila ng conditional cash transfer sa loob ng pitong taon upang mapaunlad ang kanilang kalusugan, buhay at edukasyon. Ang mga kwalipikado para makapasaok dito ay ang mga magsasaka, mangingisda, mga walang bahay, indigenious people,…
Read MoreSIN TAX HIKE IHAHABOL SA 17TH CONGRESS
(NI NOEL ABUEL) PIPILITIN ng isang senador na maihabol bago matapos ang 17th Congress ang panukalang pagdaragdag sa buwis sa sin tax partikular sa sigarilyo. Ayon kay Senador Win Gatchalian hihilingin nito sa mga kapwa mambabatas na talakayin sa lalong madaling panahon ang pagpapataw ng dagdag na ₱70 buwis sa kada pakete ng sigarilyo upang maawat ang maraming Filipino na bumili ng sigarilyo maliban pa sa ang makokolektang buwis ay makadaragdag sa pondo na magagamit sa universal health care program. Kumpiyansa ang senador na maipapasa sa huli at ikatlong pagbasa ang…
Read MoreCOMVAL BILANG DAVAO DE ORO PIRMADO NA
(NI BETH JULIAN) NILAGDAAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalit ng pangalan sa Compostela Valley bilang Davao de Oro. Noong Mayo 17 nang lagdaan ni Pangulonvg Duterte ang Republic Act No. 11297, na inihayag lamang nitong May 23. Pero bago tuluyang kilalanin na Davao de Oro ay kailangan muna itong aprubahan ng mga residente sa pamamagitan ng isang Plebesito. “The remaining of the Province of Compostela Valley as the Province of Davao de Oro shall be subject to ratification by a majority of the votes cast by the qualified…
Read More‘BIKOY’ NAGPIYANSA
NAGPIYANSA sa pamamagitan ng kanyang abogado si Peter Joemel Advincula, ang lalaking nagpakilalang si ‘Bikoy’ at nagdawit sa pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte at kaalyado nito sa illegal drug trade. Biyernes ng hapon nang magpiyansa ang abogado ni ‘Bikoy’ sa anim na counts ng estafa sa Baguio City. Si ‘Bikoy’ ay kusang sumuko noong Huwebes at binawi ang lahat ng unang sinabi at bumaligtad sa pagsabing pakana ng kalaban ng administrasyon ang una niyang ibinunyag. Idinawit nito ang ilang personalidad, religious sectors, maging si Leni Robredo at Senador Antonio Trillanes…
Read MoreKONGRESISTA SINUSPINDE NG 90-ARAW NG SANDIGAN
(NI JEDI PIA REYES) INIUTOS ng Sandiganbayan ang 90-araw na suspensyon kay Iligan City Representative Frederick Siao dahil sa kinakaharap nitong kasong katiwalian. May kinalaman ang kaso sa umano’y maanomalyang pag-upa ng lupa para gamiting transport terminal. Sa ipinalabas na resolusyon ng Sandiganbayan 3rd Division, pinagbabawalan si Siao na gampanan ang kanyang trabaho bilang miyembro ng House of Representatives at iba pang posisyon na kanyang hinahawakan. Inaatasan ng anti-graft court si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na ipatupad ang suspensyon. Iginiit naman ni Siao na hindi uubra ang pagsasailalim sa kanya…
Read MoreKRIS AQUINO AT WILLIE REVILLAME, ‘NAGHARUTAN’ SA ‘WOWOWIN’
(NI JONATHAN ANG) MARAMI ang naaliw sa ‘harutan’ nina Kris Aquino at Willie Revillame nang magkausap ang dalawa via phone patch sa “Wowowin.” Sa May 21 (Tuesday) episode ng naturang Kapuso afternoon show, sinabi ni Kris na sasagutin niya si Willie sa June 4 kapag niligawan siya ng TV host. Nataon kasi na may isang studio contestant na Kris Aquino impersonator (si Chino Liu a.k.a. Krissy Achino na sound-alike talaga ni Tetay bagama’t look-alike ni John Lapus), nasumpungang tawagan ora-orada ni Willie ang tunay na Krissy. Nagka-chikahan sina Kris at…
Read More7 KOMPANYA, 3 INDIBIDWAL KINASUHAN NG TAX EVASION
(NI ALAIN AJERO) KINASUHAN ng tax evasion ng Bureau of Internal Revenue (BIR)-Caloocan City sa Department of Justice ang tatlong indibidwal at pitong korporasyon dahil sa hindi pagbabayad ng buwis mula 2011 hanggang 2015 na aabot sa P755 milyon. Ang tatlong mga inireklamong indibidwal ay sina Manuel Espiritu, Armando David Lagamson at Ma. Reztiliza N. Sosa samantalang ang pitong korporasyon ay ang Taoyuan Textile Manufacturing Corp., Primekit MFG. Corp., Spinmaster Textile Manufacturing Corp., Bicol Apparel Corp., Nature’s Best Agri Foods Corp., Amhran Trading Corp., at Innovative Technology & Environmental Solution.…
Read More