GASTOS SA REHAB NG LINYA NG KURYENTE, ‘DI DAPAT IPASA SA CONSUMERS

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

KINALAMPAG ni Senador Win Gatchalian ang National Electrification Administration (NEA) na gamitin ang Electric Cooperatives Emergency and Resiliency Fund (ECERF) upang matiyak na mabibigyan ng suplay ng kuryente ang mga naapektuhan ng bagyong Tisoy.

Ayon kay Gatchalian, ang ECERF na binuo sa ilalim ng Republic Act 11039 o ECERF Act, ay pondo para gamitin bilang immediate financial assistance sa mga electric cooperatives (ECs).

Gugugulin ang pondo sa rehabilitasyon ng power lines at iba pang electricity infrastructure na mawasak ng kalamidad.

Ngayong taon, nasa P750 milyon ang inilaan para sa implementasyon ng batas.

“Kaya natin isinulong ang batas na ito ay upang mapabilis ang restoration ng ilaw sa mga lugar na naapektuhan ng Bagyong Tisoy. Isa sa mga magagandang Christmas gift na matatamasa ng ating mga kababayan na naapektuhan ng bagyo ay ang panunumbalik ng kuryente sa kani-kanilang bahay sa pagsapit ng kapaskuhan,” diin ni Gatchalian.

“We will continue to monitor the restoration of the power supply in affected provinces so as to ensure the rapid recovery of our countrymen from this natural calamity,” dagdag nito.

Nagbabala naman si Gatchalian sa mga kumpanya na mahaharap sa parusa kapag ipinasa sa mga consumer ang gagastusin sa rehabilitasyon.

“Kaya nga tayo gumawa ng batas gaya ng ECERF Act at naglaan ng pondo para sa ganitong mga okasyon ay para maibsan ang mga dinadalang problema ng ating mga kababayan na nasalanta ng bagyo,” diin pa nito.

196

Related posts

Leave a Comment