VELASCO SIBAK SA MWSS

mwss12

(NI BETH JULIAN) PINALITAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pinuno ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na si Reynaldo Velasco. Huwebes ng gabi nang i-anunsyo ito ng Pangulo sa isinagawang thanksgiving party ni Senator-elect Bong Go sa Davao City. Sa talumpati ng Pangulo, inihayag  nito na si Retired Army General Ricardo Morales, tubong Davao,  na ang mamumuno sa MWSS. Ang pagsibak ng Pangulo kay Velasco at pagkakatalaga naman nito kay Morales ay matapos ang naganap na krisis sa tubig sa Metro Manila at Rizal nitong nakalipas na Marso…

Read More

DND: OPLAN SODOMA VS DUTERTE HUWAG AGAD PANIWALAAN

lorenzana12

(NI JESSE KABEL) INIHAYAG ng Department of National Defense na huwag basta-basta maniniwala sa mga ibinunyag ni Peter Joemel Advincula, alyas ‘Bikoy’, dahil sa sirang kredibilidad nito. Ayon kay Defense Secretary Delfin     Lorenzana, hayaan siyang patunayan ang kanyang mga sinasabi higit ang ibinunyag na Oplan Sodoma kung saan binabalak patalsikin sa Palasyo si Pangulong Rodrigo Duterte at iluklok si Leni Robredo. Sa press conference ng PNP nitong Huwebes, sinabi ‘Bikoy’ na gusto ni Trillanes umupo bilang Presidente si Robredo bago dumating ang Hunyo 30 para italaga siya na bise-presidente.…

Read More

IMPORTED NA KARNE NG BABOY BANNED SA PINAS

pork12

(NI FROILAN MORELLOS) MAGTATALAGA ang Bureau of Animal Quarantine (BAI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng mga ‘meat sniffing dogs’ para ma-detect ang mga in-coming passengers na may dalang fresh animal meat sa bansa. Sinabi ni BAI Director, Dr. Ronnie Domingo, na layunin sa paglalalgay ng tatlong meat-sniffing canines sa airport ay upang ma-protektahan ang pagkalat ng deadly swine fever na galing sa ibang bansa. Ayon pa kay Domingo, ang mga asong ito ay well-trained para mabatid kung may manakapagpuslit ng mga karne na bitbit ng pasahero at makumpiska…

Read More

DEPED: SILID-ARALAN NG HIGIT 27-M ESTUDYANTE SAPAT

deped25

(NI KEVIN COLLANTES) MAY sapat na silid-aralan na magagamit ang may 27.8 milyong estudyante sa nalalapit na pagbabalik-eskwela ng mga ito para sa School Year 2019-2020 sa Hunyo 3. Ito ang tiniyak ni Education Undersecretary Alain Pascua. Ayon kay Pascua, may 12,752 bagong silid-aralan silang nakahanda para sa pagbubukas ng klase, na maaari nang magamit ng mga mag-aaral. Bukod pa rito, mayroon pa rin aniyang panibagong 66,050 classrooms na under construction at inaasahang makukumpleto bago matapos ang taong ito. Hinihintay na rin aniya nila ang turnover ng may 50,000 silid-aralan mula sa…

Read More

NARCO POLITICIANS NA WAGI SA ELEKSIYON KAKASUHAN

narco12

(NI JEDI PIA REYES) IKINAKASA na ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang pagsasampa ng mga kasong administratibo laban sa mga politikong nakahanay sa narcolist at nanalo sa nakalipas na midterm elections. Diin ni Interior Secretary Eduardo Año, walang karapatan ang mga nasabing pulitiko na paikutin at takasan ang batas kahit pa nanalo sila sa halalan. “Kahit na pinalad silang manalo, tuloy pa rin ang administrative cases laban sa kanila.  Hindi pa rin sila makalulusot kung sila ay mapatutunayang sangkot sa iligal na droga,” ayon kay Año. Itinuturing…

Read More

ISYU SA SOUTH CHINA SEA PAG-UUSAPAN SA JAPAN

dutertejapan12

(NI BETH JULIAN) INAASAHANG tatalakayin sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Japanese Prime Minister Shinzo Abe sa kanilang bilateral meeting sa Tokyo ang isyu ng South China Sea. Sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Office of Asian Pacific Affairs Assistant Secretary Meynardo Montealegre, hindi lamang usapin ng South China Sea ang maaaring mapag-usapan ng dalawang lider kundi maging ang Korean Peninsula. Sinabi ni Montealegre na kasama sa agenda ang paghahanap ng mapayapang paraan o resolusyon sa isyu ng territorial dispute. Ayon kay Montealegre, nakatakdang magbigay ng keynote adress…

Read More

DAGDAG-REBATE SA MANILA WATER IGINIIT SA KONGRESO

water12

(NI BERNARD TAGUINOD) SA halip na tubig ay perwisyo umano ang nag-uumapaw sa mga customers ng Manila Waters, kaya’t iginiit ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na singilin ng dagdag na debate ang Manila Water. Ginawa ni Gabriela party-list Rep. Emmi de Jesus ang paggiit sa dagdag rebate matapos muling mapuwerhuwisyo ang mga customers ng Manila Water nang may nabutas umanong tubo sa Quezon City. Ayon kay De Jesus, nag-uumapaw umano sa kapalpakan at perwisyo ang Manila Water dahil sa kabiguang tuparin ang pangakong ibalik sa normal ang…

Read More

BP NI ‘BIKOY’ TUMAAS; ISINUGOD SA OSPITAL

bikoy2

(NI JG TUMBADO) ISINUGOD sa Philippine National Police (PNP) General Hospital si Peter Joemel Advincula, alyas “Bikoy”, dahil umano sa hilo at hirap sa paghinga bunsod na rin ng pagtaas ng blood pressure (BP) nito, Biyernes ng umaga. Ayon kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde, kinailangang dalhin umano si Advincula sa ospital dahil sa nararanasan nitong pagkahilo at hirap makahinga dahil sa high blood ito. “Biglang nagshoot-up yung BP niya na 130 over 90, at parang ang sinabi nya nahihilo raw sya, so pina-hospital muna namin sya, probably kailangan…

Read More

2 KOMPANYA SA TAGUIG, IDINIIN SA P14-M TAX EVASION CASES

bir1

(NI NELSON S. BADILLA) TINIYAK ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na madidiin sa kasong tax evasion ang dalawang malalaking kompanya sa Lungsod ng Taguig dahil hindi pagbabayad ng P14 milyong buwis sa ahensiya. Kinasuhan ng BIR Ecosolutions Engineers, Project Managers and Sustainability Consultants (Ecosolutions) at Glazetech Glass Aluminum Installation, Inc. (Glazetech) sa Department of Justice (DOJ) makaraang mapatunayan ng mga imbestigador ng BIR na ang dalawang kompanya ay hindi nagpabayad ng P14 milyong buwis. Idiniin ng BIR na ang hindi pagbabayad ng P5,676,306.34  buwis para sa taong 2017. Samantalang,…

Read More