DOTr-MRT3 NAG-SORRY SA PALPAK NA SERBISYO

mrt3

(NI KEVIN COLLANTES) NAGPALIWANAG at humingi ng paumanhin sa publiko ang pamunuan ng Department of Transportation-Metro Rail Transit Line 3 (DOTr-MRT3) kasunod na rin nang pagtitigil ng biyahe ng kanilang mga tren nitong Huwebes ng gabi, na nagresulta upang mapilitan silang pababain sa tren at palakarin sa riles ang kanilang mga pasahero. Ayon kay MRT-3 director for operations Michael Capati, ‘low power supply’ sa kanilang  Overhead Catenary System (OCS) ang dahilan nang pagtitigil ng biyahe, at hindi aniya nila ito kontrolado. “We were very sorry for that. Hindi namin hawak ‘yun dahil…

Read More

KUWAIT NAIS PANAGUTIN SA NAMATAY NA PINAY

kuwaitmap12

(NI MINA DIAZ) HUSTISYA ang hinihingi ng Department of Labor and Employment (DoLE) sa bansang Kuwait hinggil sa overseas Filipino worker (OFW) na napatay ng kanyang amo. Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III kailangang managot ang gobyerno ng Kuwait sa pagkamatay ng 47-anyos na si Constancia Lago Dayag ng Agadanan, Isabela, isang Pinay domestic worker. Sinabi ng kalihim na ang insidente  ay isang paglabag sa kasunduan sa pagbibigay proteksyon sa mga OFW sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait. Kasabay nito, inatasan na rin ni Bello ang Philippine Overseas Employment…

Read More

CEBUPAC GIGISAHIN SA KAMARA SA CANCELED FLIGHTS

cebpac123

(NI BERNARD TAGUINOD) MATAPOS ang eleksyon, kokomprontahin na ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang Cebu Pacific dahil sa aberyang idinulot ng mga ito sa kanilang mga pasahero dahil sa pagkansela ng kanilang mga flights. Nabatid na aabot sa 22,0000 pasahero ng nasabing airline company na ang naapektuhan sa kanilang mga kinanselang flights kaya maghahain umano si Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate sa Lunes para atasan ang House committee on transportation na magsagawa ng imbestigasyon. Ayon kay Zarate, muli nitong isusulong ang Magna Carta for Air Passengers…

Read More

DEATH PENALTY ‘DI PA NAPAPANAHON — PNP

pnp1

(NI JG TUMBADO) NANINIWALA ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na hindi pa napapanahon para ipatupad ang death penalty. Ito ang inihayag ni PNP spokesperson Police Col. Bernard Banac, kasabay ng paliwanag na ang posisyon ng PNP ay dapat munang masiguro na may mga malinaw na patakaran para hindi ma-abuso ang death penalty. Dapat aniyang mapag-aralan munang mabuti kung magiging epektibo ang naturang kaparusahan sa kampanya kontra kriminalidad. Gayunman, sinabi ni Banac na handa rin ang PNP na suportahan ito, lalo na para sa mga kasong may kinalaman sa…

Read More

BAGITO PINATALSIK  ANG DEKADANG PAMUMUNO SA RIZAL

nograles12

(NI KIKO CUETO) PORMAL na ipinroklama ang bagitong pulitiko na si Fidel Nograles, bilang bagong congressman sa ikalawang distrito ng lalawigan ng Rizal. Dahil sa panalo, winakasan ni Nograles,  pamangkin ni yumaong dating House speaker Prospero Nograles , ang mahigit dalawang dekada o 21 taong paghahari ng pamilya Rodriguez. Landslide-victory ang naitala ng batang congressman-elect. Tinalo niya ang asawa ni incumbent Rep. Isidro Rodriguez Jr. ng halos 100, 000 na boto. May higit 212,000 na boto si Nograles, habang mahigit 138,000 lang ang boto ni Rodriguez. Isa pang kandidato, si…

Read More

RELASYONG JAPAN-PHL PATATATAGIN PA SA PAGBISITA NI DU30

DUTERTEJAPAN12

(NI BETH JULIAN) INAASAHANG sa pagtungo sa Japan ni Pangulong Rodrigo Duterte ay malalagdaan ang  dalawang Memorandum of Understanding (MoUs) at walong letters of intent. Ito ang kabilang sa mga aktibidades ng Pangulo na inihayag ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez sa pagdalo sa nito sa 25TH NIKKEI Conference on the Future of Asia sa Tokyo, Japan ngayong Mayo. “Sa ngayon, ongoing ang finalization of arrangements but we will have a business forum that will allow the President to meet the Japanese companies, representatives, CEOs, as well…

Read More

SOLONS  SA “NARCO LIST” BALIK- KONGRESO

kongreso12

(NI BERNARD TAGUINOD) BALIK-KONGRESO ang dalawa sa tatlong  congressman na kasama sa narco list na inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Marso. Kasama ring nagbabalik ang mga reelectionist na sina  Leyte Rep. Vicente Veloso at Zambales Rep. Jeffrey Khonghun na kasama sa inilabas na narco list ni Duterte. Hindi na tumakbo sa anumang posisyon ang ikatlong mambabatas na nasa listahan ni Duterte na si Pangasinan Rep. Jesus Celeste subalit natalo naman ang kanyang kapatid sa gubernatorial race sa kanilang lalawigan na si Arthur Celeste. Pawang itinanggi ng mga nabanggit ang…

Read More

KAYA NATALO; MOCHA ‘DI NAIKAMPANYA ANG PARTYLIST

mocha11234

(NI CHRISTIAN DALE) INAMIN ni Mocha Uson, first nominee ng AA-Kasosyo party-list group kay Presidential spokesperson Salvador Panelo ang dahilan ng pagkatalo niya sa katatapos lamang na eleksyon sa bansa. Sinabi ni Panelo na nagkausap na sila ni Mocha at inamin sa kanya nito na napabayaan niya na magkampanya ng sariling party-list group na kanyang kakatawanin sa Kongreso. Aniya, hindi identified  si Mocha   sa AA-Kasosyo party-list group kaya’t hindi aniya alam ng mga botante lalo na ng kanyang limang milyong followers sa Facebook na siya ang nominee ng nasabing party-list group. “Sabi ko, dapat pina-amend mo. In-amend…

Read More

PAYO SA FIRST TIMERS: MAGBASA NG KONSTITUSYON

congress12

(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI kailangang magseminar o magtraining ang mga baguhan sa Legislatura partikular na sa Senado at Mababang Kapulungan ng Kongreso para matutunan ang kanilang pinasok na trabaho. Ito ang payo ni Muntinlupa City Rep. Ruffy Biazon sa mga baguhang senador at congressmen na sasabak sa paggawa ng batas simula sa ikatlong Lunes ng Hulyo 2019. Ayon kay Biazon, mas nakabubuti aniya sa mga first time legislators ang pagbabasa ng Konstitusyon at mga libro sa paggawa ng batas para magabayan sila kung paano ang pagsasagawa ng mga pagpupulong, pagdedesisyon…

Read More