(Ni FRANCIS SORIANO) DAHIL umabot na sa kritikal na antas ang Angat dam na nasa 179.97 meters (m) above sea level ay nakatakdang magbawas ng alokasyon ng tubig para sa irigasyon simula Mayo 1. Ayon sa National Water Resources Board (NWRB), mas mababa na umano sa minimum operating level nito na 180 meters, kaya pinayuhan ang publiko na magtipid ng tubig. Dagdag pa ng NWRB, sa nakalipas na 50 taon, dito umaasa ng tubig ang Metro Manila na pinangangasiwaan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS). Nasa 96 percent ng…
Read MoreAuthor: Jet
CONTINGENCY PLAN NG DoE SA ELEKSIYON PINAHAHANDA
(NI ABBY MENDOZA) BAGAMA’T nagbigay na ng kasiguruhan ang Department of Energy (DoE) na walang magaganap na power interruption sa araw ng halalan, Mayo 13, nais ng isang mambabatas na maging handa pa rin ang ahensya at maglatag ng contingency plan. Ayon kay Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, ilang linggo nang itinataas ng National Grid Corporation of the Philippines sa yellow at red alert status ang Luzon grid dahil sa pagnipis ng suplay ng kuryente dulot ng pag-shutdown ng ilang power plants bunsod na rin ng mataas na demand. Dahil…
Read MoreSERBISYO NG MERALCO PINAGBUBUTI PARA SA ELEKSIYON
(NI MAC CABREROS) PAGPAPABUTI sa serbisyo upang masigurong walang brownout sa susunod na mga araw, higit pagdating ng araw mismo ng halalan sa Mayo ang nararanasang rotational brownout ngayong linggo, inihayag ng Manila Electric Company (Meralco). Ini-anunsyo ng Meralco ang mga lugar na makararanas ng panandaliang pagkawala ng kuryente bunsod ng maintenance works na isinasagawa na nagsimula nitong Abril 28 at magtatagal hanggang Mayo 5. Sa abiso ng Meralco, apektado ng line conversion work sa Nicanor Roxas St. (Laong Laan) ang pagkawala ng kuryente ganap alas-10 ng umaga hanggang alas-3:00…
Read MorePELIKULANG CLAUDINE-JUDAI, SIGURADONG PATOK!
(NI RONALD M. RAFER) WALA pa ring kupas sa pag-arte si Claudine Barretto na napanood sa “MMK” noong Sabado, kasama ang mahusay ding actor-dancer at member ng grupong Hashtag na si Jameson Blake. Pinaligaya ni Claudine ang fans na matagal nang naghihintay sa pagbabalik niya sa telebisyon. Fit na rin si Claudine at seksing-sexy. Matagal-tagal ring naging inactive si Claudine dahil tutok siya sa pag-aalaga sa mga anak na sina Sabina at Santino na nagdadalaga at nagbibinata na. After “MMK,” mukhang ready na ulit ang aktres na maging active pero mauuna…
Read MoreLOCAL ABSENTEE VOTING SIMULA NA NGAYON
(NI HARVEY PEREZ) MAGSISIMULA na sa Lunes, Abril 29, ang local absentee voting para sa lahat ng botante na naka-duty sa Mayo 13 national and local elections. Nabatid na ang LAV ay alinsunod sa Comelec Resolution No. 10443, kung saan ang maaari lang makilahok ay mga sundalo at pulis, maging mga kagawad ng media na nagparehistro para makapag-avail ng LAV. Gayundin, sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez, na nakahanda na ang mga balotang gagamitin sa LAV at ibibiyahe na lamang. Sa ilalim ng LAV, mga senador at party-list lang ang…
Read MoreAFTERSHOCKS PATULOY NA NARARAMDAMAN
(NI JEDI PIA REYES) NAKARARAMDAM pa rin ng aftershocks sa mga malalakas na lindol na naranasan sa ilang lugar sa Luzon, Visayas at Mindanao. Hanggang alas-8:00 ng Linggo ng umaga, naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang 883 aftershocks ng magnitude 6.1 na lindol na tumama sa Luzon nuong Lunes. Mula sa nasabing bilang, 111 ang plotted habang 11 ang may intensity o naramdaman. Nakapagtala rin ng aftershocks sa magnitude 6.5 na lindol sa Eastern Samar na umabot na nitong Linggo ng 158 kung saan ay 33…
Read MorePINSALA NG LINDOL UMABOT NA SA HIGIT P500-M
UMAABOT na sa halos P500 milyon ang pinsalang naidulot ng lindol na tumama sa Luzon, ayon sa disaster agency nitong Linggo. Lumikha ng panic ang 6.5 magnitude na lindol kung saan nagtakbuhang palabas ang mga empleyado bandang alas-5:11 ng hapon noong Lunes. Nawasak din ng lindol ang Clark International Airport at hindi nakapag-operate sa loob ng 48-oras, gayundin ang paggiba sa apat na palapag na gusali ng Chuzon supermarket, isa sa pinakamatinding napinsala ng lindol sa Porac, Pampanga. Tinataya sa P505.9 milyong halaga ng 334 imprastraktura ang naapektuhan sa Metro…
Read MoreLOLO, LOLA ALAGAAN SA ELECTION DAY — SOLON
(NI BERNARD TAGUINOD) UMAPELA ang isang senior citizen congressman sa mga millennials at mga Comelec-accredited citizen’s group na ibigay ang nararapat na alaga sa mga matatanda sa araw mismo ng eleksiyon sa Mayo. Ginawa ni House special committee on senior citizen vice chairman Francisco Datol Jr., ang apela lalo na’t mainit ang panahon at posibleng lalong iinit sa mga presinto dahil sa dami ng mga taong boboto. “Please, alalayan ninyo ang seniors sa May 13. Bigyan ninyo sila ng bottled water, paypayan, tulungan sa pag-unawa sa balota para makaboto sila…
Read MoreHIGIT P600-B KASUNDUAN NG PHL-CHINA NILAGDAAN SA FORUM
(NI BETH JULIAN) NAGING matagumpay ang pagdalo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2nd Belt and Road Forum sa Beijing, China. Ayon kay Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo, kabilang sa mga kasunduang nalagdaan sa pagitan ng mga kompanyang Chinese at Filipino ay may kaugnayan sa enerhiya, imprastraktura at agrikultura, gayundin ang mga kinalaman sa pagbibigay ng training sa mga manggagawang Filipino. Kaugnay nito, napagkasunduan ng Pilipinas at China ay paigtingin pa ang kanilang ugnayan at pagtutulungan para sa mas maayos at dekalidad na proyekto at serbisyo. Kaugnay nito, nasa bansa na…
Read More