(NI RK VILLACORTA) SA second week ng “Idol Philippines” ng Kapamilya Network, pansin na lumalaylay ang show kapag si Moira na ang nagbibigay ng kanyang opinyon sa contestant. Sina Regine Velasquez at Vice Ganda, both are doing their job as judges at may mapupulot ka sa kanilang puna at opinyon. Si James Reid oks lang. Cute siya na pansahog. Pero itong si Moira, waley. Hindi lang ako ang nakapuna kundi ang mga social media followers ko sa Facebook, Twitter at Instragram (@rkvillacorta). Iisa ang opinyon: Nakakaantok kapag si Moira na ang nagsasalita.…
Read MoreAuthor: Jet
SOLON: IMPORTER NG BASURA, ANO NA ANG NANGYARI?
(NI BERNARD TAGUINOD) “WHAT is the status of the supposed charges filed against Chronic Plastics Inc., the consignee of the imported trash from Canada in 103 cargo containers?” Ito ang ibinatong tanong ni Misamis Oriental Rep. Juliette Uy sa Department of Justice (DoJ), National Bureau of Investigation (NBI) at Bureau of Customs (BoC) ukol sa nasabing kumpanya na nasa likod umano ng pag-aangkat ng basura mula Canada. Ginawa ng mambabatas ang pahayag matapos magbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na gigiyerahin nito ang Canada kapag hindi nito kinuha ang basurang itinapon…
Read MoreHOUSING UNITS, TULONG SA MGA TAO NG MARAWI PRAYORIDAD SA REHAB
PRAYORIDAD ng gobyerno ang pagpapatayo ng housing units at pagbibigay ayuda sa mga nawalan ng tirahan sa Marawi City sa halip na magpatayo ng business establishment na nasira sa limang buwan na giyera. Ito ang inihayag ni Presidential spokesperson Salvador Panelo matapos umanong kontrahin ang sinabi ng Pangulo na ang mga mayayamang negosyante ang dapat magpatayo ng nawasak nilang establisimyento. “Ang sinasabi niya, hindi ba nasira ‘yung mga negosyanteng – ‘yung mga buildings nila doon. Dapat, ang sabi niya, gumastos kayo diyan. Hindi naman pwedeng kami lang ang gagastos diyan,”…
Read MorePCSO NAGBIGAY NG P6.5-M AYUDA SA PAMPANGA, ZAMBALES
(NI KEVIN COLLANTES) INIANUNSIYO ng pamunuan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na kabuuang P6.5 milyon ang halaga ng calamity fund na ipinagkaloob sa mga lalawigan ng Pampanga at Zambales, na pinaka-naapektuhan ng magnitude 6.1 na lindol na tumama sa Luzon noong Abril 22. Ayon kay PCSO Director Sandra Cam, P5 milyon sa naturang kabuuang halaga ang inilaan nila para sa Pampanga, habang P1.5 milyon naman para sa Zambales, upang ipantulong sa mga biktima ng lindol. Sinabi ni Cam na ang naturang calamity fund ay itinakda ng PCSO Board of…
Read MoreMAGNITUDE 8 NA LINDOL SA SURIGAO DEL NORTE, POSIBLE — PHIVOLCS
(NI ABBY MENDOZA) NAGBABALA ang Philippine Institute of Volcanology(Phivolcs) sa posibilidad ng pagkakaroon ng 8.0 magnitude quake sa Surigao del Norte matapos umabot na sa 673 ang naitalang aftershocks sa Surigao del Norte matapos ang 5.5 magnitude quake noong Abril 26. Ayon kay Phivolcs Director Renato Solidum, ang kumpol-kumpol na lindol ay tinatawag na earthquake swarm, aniya, dalawang scenario ang maaaring mangyari kapag may earthquake swarm, una ay manatili ang pagkakaroon ng maliliit na pagyanig at ang ikalawa ay maaring magdulot ng malakas na lindol, sa kaso umano sa Surigao ay binabantayan nila…
Read MorePPCRV DISMAYADO KINA MAYOR ABBY, JUNJUN BINAY
(NI HARVEY PEREZ) DISMAYADO ang church-based poll watchdog na Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa ginawang talakan ng magkapatid na si Makati Mayor Abigail Binay at Junjun Binay nang magkaroon ng mainitang argumento sa isang pre-election forum na inorganisa ng grupo, at ginanap sa San Ildefonso Parish church noong Sabado, sa Makati. Sinabi ng PPCRV na nawalan na ng respeto ang magkatunggaling magkapatid sa simbahan. Ayuon kay PPCRV Vice chair Johnny Cardenas na bago isinagawa ang forum ay isinailalim na sa briefing ang mga kandidato at pinaalalahanan na iwasan…
Read MorePAGPAPAALIS NG PROV’L BUS TERMINAL SA EDSA NASA SC NA
(NI BERNARD TAGUINOD) PORMAL nang naghain ng petisyon ang isang kongresista sa Korte Suprema upang pigilan ang pagbabawal ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa mga provincial buses sa kabaan ng Edsa. Sa ihinaing “petition for certiorari, prohibition and mandamus with application for Writ of Preliminary,” sa Korte Suprema, nais din ni House minority bloc member Rep. Alfredo Garin Jr., ng Ako Bikol, na maglabas ang korte ng Temporary Restraining Order (TRO) sa plano ng MMDA na ipagbawal ang mga provincial buses sa nasabing lansangan. Ayon sa mambabatas, hindi nagsagawa…
Read MoreMINIMUM NA SAHOD, KULANG NG 46.5%
(NI NELSON S. BADILLA) IDINIIN ng isang research group na ang minimum na sahod ng mga manggagawa sa Metro Manila na P537 kada araw ay kulang ng 46.5 porsiyento sa aktuwal na halaga ng panggastos araw-araw. Ayon sa Ibon Foundation, ang P537 sahod ng mga manggagawa kada araw sa Metro Manila ay napakalayo sa P1,004 family living wage (FWL) na dapat matanggap ng bawat manggagawa mula sa kanilang amo. Bagamat ang P537 sweldo ang siyang pinakamalaki sa buong bansa, naniniwala ang iba’t ibang organisasyon ng mga manggagawa tulad ng Federation…
Read MoreP750 NATIONAL MINIMUM WAGE BILL INAAMAG SA KAMARA
(NI BERNARD TAGUINOD) INAAMAG sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas para itaas sa P750 ang minimum wage, hindi lamang sa Metro Manila, kundi sa buong bansa dahil hindi ito pinansin ng liderato ng Kongreso. Ito ang napag-alaman kay Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao dahil mula nang ihain ang kanilang House Bill 7787 o P750 National Minimum Wage noong Mayo 30, 2018 ay hindi nagkaroon ng kahit isang pagdinig sa House committee on labor. “Wala kahit isa (hearing). Ang status ay na-endorse na sa committee on labor pa rin…
Read More