(NI MAC CABREROS) TIYAK na maghihigpit ng sinturon ang publiko sa susunod na mga araw. Ito ay dahil sa nakaambang pagtaas ng singil sa kuryente. Sa impormasyong nakalap ng Saksi Ngayon, hindi mapipigilan na galawin ng power industry players ang kanilang rates bunsod ng pagtaas sa presyo ng kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market dahil sa pagnipis sa supply ng kuryente bunsod na rin ng mababang produksyon ng mga planta. Hindi pa mataya ng mga distribution utilities kung magkano ang kanilang ipapatong sa kanilang rates. Nauna nang ginalaw ng Manila…
Read MoreAuthor: Jet
PINSALA NG EL NINO LUMOBO PA SA HALOS P8-B
(NI JEDI PIA REYES) NASA kabuuang P7.96 bilyon ang halaga ng pinsalang idinulot ng El Nino phenomenon sa sektor ng agrikultura sa bansa. Ayon sa Department of Agriculture (DA), mahigit 277,000 ektarya ng lupang sakahan ang nasira sa tag-init at katumbas ito ng halos 270,000 metric tons ng produktong pang-agrikultura tulad ng mais at palay. Nasa mahigit 240,000 na mga magsasaka at mangingisda na rin ang naapektuhan ng pagkasira ng mga pananim at palaisdaan. Sa bigas pa lamang, nasa P4.04 bilyon na ang pinsala habang P3.89 bilyon sa mais. Sa…
Read MoreEX MAYOR, LIDER NG PRIVATE ARMY, ARESTADO SA MGA BARIL
(NI BONG PAULO) ARESTADO ang dating alkalde sa bayan ng Datu Blah Sinsuat, Maguindanao at itinuturing na lider umano ng private armed group, matapos halughugin ng mga otoridad ang bahay nito at nakuhanan ng mga illegal na baril sa Brgy. Upper Capiton sa bayan ng Datu Odin Sinsuat, nitong Biyernes ng madaling araw. Sinalakay ng mga tauhan ng Criminal Investigation an Detection Group o CIDG-BARMM ang bahay ng suspek na si Ibrahim ”Datu Manot” Sinsuat Jr. sa Brgy. Upper Capiton ng nabanggit na bayan sa bisa ng search warrant na…
Read MoreCHUZON SUPERMARKET: WALA NANG SENYALES NG BUHAY
(NI JESSE KABEL) IDINEKLARA nitong Sabado ng Office of Civil Defense (OCD) na clear na ang gumuhong Chuzon Supermarket sa Porac, Pampanga matapos na wala na talagang palatandaan na may na-trap pa sa ilalim ng mga guho ng nasabing pamilihan. Ayon sa Pampanga PNP, ginawa ng Office of Civil Defense ang deklarasyon sa gitna ng mga ulat na may lima katao pa ang nawawala. Ayon sa kapulisan sa nasabing lalawigan, sa ibang lugar na lamang nila hahanapin ang mga iniulat na missing. “Na-declare na po ng mga OCD na cleared…
Read More70 PROVINCIAL BUSES HULI SA EDSA
(NI ROSE PULGAR) NASA 70 ng provincial buses na ang nahuli ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dahil sa paglabag sa “no loading, no unloading policy” sa EDSA simula nang ipinatupad ito noong Lunes (Abril 22). Ito ang pahayag nitong Sabado ni MMDA Edsatraffic czar Bong Nebrija, kung saan ang mga driver ng naturang mga provincial buses ay pagmumultahin ng halagang P500. “Well, marami pa rin ang lumalabag at hindi nahuhuli dahil ang mga provincial bus drivers either baba after the enforcers or iiwas kung saan hindi sila maabot ng ating…
Read MoreMAKAKALABAN NG SMB SA FINALS: MANOK O PINTURA?
(NI JJ TORRES) LARO NGAYON: (MALL OF ASIA ARENA) 6:30 P.M. – RAIN OR SHINE VS MAGNOLIA PAGLALABANAN ng Rain or Shine Elasto Painters at Magnolia Hotshots Pambansang Manok ang huling PBA Philippine Cup finals berth Linggo ng gabi sa Game 7 ng kanilang semifinal series sa Mall of Asia Arena sa Pasay. Inaasahang ibibigay ng dalawang koponan ang lahat ng kanilang kakayahan sa rubber match na magsisimula ng alas-6:30 ng gabi. Ang winner ay haharapin sa best-of-seven finals ang defending champion San Miguel Beer. Naunang umabante ang Beermen matapos…
Read MorePALASYO NAKAANTABAY SA ‘OUST DUTERTE MATRIX’
(NI CHRISTIAN DALE) INAANTABAYANAN ngayon ng Malakanyang kung ano ang susunod na mangyayari matapos na maisapubliko ang oust Duterte matrix. Ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar, bukas ang pamahalaan na maimbestigahan ang matrix upang malaman ang tunay partisipasyon dito ng mga sangkot na indibidwal. Aniya, nakaanbatay lamang ang Malakanyang sa kung ano ang magiging aksiyon ng Justice Department hinggil sa naturang isyu. Nauna nang sinabi ng grupo ng mga abugadong kasama sa matrix na kanila itong kukwestyunin sa Korte Suprema. Samantala, sinabi ni Presidential spokesperson Salvador…
Read MoreGASTOS NG COMELEC AABONOHAN NG DFA
(NI ROSE PULGAR) INIHAYAG ng Department of Foreign Affairs (DFA) na magpapaluwal muna sila sa gagastusin sa pagpapadala ng balota para maipadala na sa mga Filipino na rehistradong overseas voters sa kanilang gagamitin para makaboto sa eleksyon. Ito ay habang wala pang ibinibigay ang Commission on Elections (Comelec) na pondo para sa postage fees o para sa pagbili ng stamps at gastos sa pagpapadala ng balota sa koreyo. Nabatid na naantala ang Comelec sa pagreremit sa DFA ng pondo para sa postage fees dahil sa natagalan na pagsasabatas ng 2019…
Read More‘PERMIT TO CAMPAIGN’ FEE NG NPA BINABALEWALA NA
(NI JUN V. TRINIDAD) LUCENA CITY – Dalawang linggo bago isagawa ang eleksyon, karamihan sa mga kandidato sa Southern Tagalog region ay malayang nakakapangampanya kahit na hindi nagbayad ng “permit to campaign” (PTC) fee sa mga rebeldeng New People’s Army (NPA). “Base sa aming impormayon at patuloy na monitoring, kakaunti lang sa mga kandidato ang naging biktima ng extortion ng NPA,” pahayag ni Major General Rhoderick Parayno, commander ng Army’s 2nd Infantry Division, sa panayam noong Biyernes. Ang operasyon ng Army’s 2nd ID ay sumasakop sa Calabarzon (Cavite-Laguna-Batangas-Rizal-Quezon) at sa mga islang lalawigan…
Read More