PILA NG PASAHERO SA MRT SA EDSA MAHABA, BUS KINULANG

mrtbus12

(NI DAVE MEDINA/PHOTO BY ED CASTRO) HUMABA ang pila ng mga pasahero sa Edsa dahil sa kakulangan ng bus na bumibiyahe matapos umpisan na nitong Lunes Santo ang pagsasara sa loob ng isang linggo ng MRT3 dahil sa maintenance works. Sinabi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na marami pa ring pasahero ang pumila sa MRT3 Edsa-Taft Station dahil sa kabila ng anunsyo na walang bibiyaheng tren dahil sa maintenance ay marami pa rin ang nagtangkang pumila para makasakay  sa MRT 3 station sa EDSA. Ayon kay  MMDA Special Operations…

Read More

MANILA WATER SA SPECIAL REBATE; PAASA LANG SA 6-M CONSUMER

manila water12

(Ni FRANCIS SORIANO) DAHIL hindi pa rin nakakamit ng may anim na milyong consumer ang diskwento ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) at Manila Water ay muling naghain ng petisyon ang grupong Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) hinggil sa kawalan umano ng aksyon ng mga ito. Ayon kay Bayan Muna Secretary General Renato Reyes, nasa 21-pahinang petisyon na paraan ng parusa ang itatapat sa mga ito dahil nabigo ang Manila Water sa mandato na bigyan ng serbisyo ang kanilang mga consumer nang walang aberya. “It should be noted that the…

Read More

DoE SA POWER PLANT OPERATORS: MAGPALIWANAG KAYO!

luzon grid12

(NI FRANCIS SORIANO) DAHIL sa sunud-sunod na pagnipis ng power supply at paglalagay sa red at yellow alert sa mga power plant ay pinagpapaliwanag na ng Department of Energy (DoE) ang mga operators ng planta ng kuryente sa Luzon. Ayon kay Wimpy Fuentebella, tagapagsalita ng DoE, binigyan na nila ng show cause order ang Sual Unit 1 sa Pangasinan; SLPGC Unit 2 at SLTEC Unit 1 sa Batangas; at Pagbilao Unit 3 sa Quezon matapos mabatid na nagkaroon ng ‘unplanned shutdown’ sa mga ito. Kasama rin dito ang Calaca Unit…

Read More

MEALES OUTBREAK SA BANSA HUMUHUPA NA – DoH  

tigdas12

(Ni FRANCIS SORIANO) DAHIL sa patuloy na pagbabakuna ng Department of Health (DoH) laban sa tigdas, inasahan na ang pagtanggal sa tigdas outbreak alert sa ilang lugar sa bansa sa susunod na dalawang buwan Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, umabot na sa 85 to 90 percent ang nababakunahang bata na may edad 59 months hanggang anim na taong gulang sa buong bansa habang patuloy pa rin ang isinasagawang routine immunization o ang scheduling ng pagbabakuna para makumpleto na ito. Matatandang tumaas ang porsyento ng namamatay at kasong naitala…

Read More

COMELEC MAY SARILING GRUPONG SUSUGPO SA ‘FAKE NEWS’

comelec12

HANDA na umano ang isang grupo ng Commission on Election (Comelec) na pinangungunahan ni Comelec spokesperson James Jimenez na sugpuin ang mga posibleng kakalat na mga “fake news” hinggil sa midterm elections sa social media kasabay ng pagsisimula ng overseas voting nitong April 13, sa ilang panig ng mundo. Ito ay kasabay din sa matinding paghahanda ng Comelec sa aktwal na midterm elections. Sinabi ni Jimenez na nagsanay umano ang kanyang grupo upang agad na makapagresponde sa mga posibleng fake news hinggil sa midterm election. May mga paraan umano at…

Read More

PENITENSIYA NG MAGSASAKA SA EL NINO, NAIBSAN

EL NINO12

(Ni FRANCIS SORIANO) NAIBSAN ang pangamba ng mga apektado ng El Nino matapos makaranas ng mga pag-ulan sa mga lugar na lubhang tag-tuyot noong nakaraang linggo , ayon sa Department of Agriculture (DA) Sinabi ni Agriculture Secretary Manny Piñol na hindi na umano gaanong malala ang epekto ng El Niño sa pananim ng mga magsasaka kung ikukumpara sa mga unang araw na naranasan ang nasabing tagtuyot. Batid din umano ng ahensiya ang hirap na pinagdaraanan ng mga magsasaka kaya’t tuluy-tuloy ang pamamahagi ng Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) ng tulong-pinansiyal…

Read More

US TRAVEL ADVISORY KINUWESTYON NG DILG

travel advisory US12

(NI JESSE KABEL) KINUWESTYON ni Interior Secretary Eduardo Año kung paano napabilang ang Pilipinas sa listahan ng mga high risk countries kung saan malaki ang peligro na madukot ang isang banyaga. Itinanong ni Sec. Año kung paanong napasama ang bansa sa listahan gayong patuloy ang pagbaba ng bilang ng kasong kidnapping nitong mga nakaraang taon. Pahayag ng DILG, wala umanong kontretong basehan ang US Department of State sa pagsasama sa Pilipinas sa listahan ng mga high-risk countries sa kanilang inilabas na travel advisory bagamat kinikilala nila ang karapatan ng bawat bansa…

Read More

‘MIDNIGHT DEALS’ NG MERALCO MAGPAPATAAS SA SINGIL SA KURYENTE  

meralco8

(NI TJ DELOS REYES) HINDI dapat gamitin ng Manila Electric Company (Meralco) ang krisis sa enerhiya o ang yellow power alerts para maisulong ang pitong kahina-hinalang  Power Supply Agreement (PSA) o ang tinaguriang ‘Midnight Deals’ na magiging dahilan sa pagtataas sa singil sa kuryente. Ito ang inihayag ni Bayan Muna Chairman Makabayan senatorial candidate Neri Colmenares at Bayan Muna Representative Carlos Isagani laban sa Meralco na nanamantala sa mga nangyayaring sunud-sunod na power shutdown ng mga planta ng enerhiya. “Hindi ‘yung gagamitin ng Meralco ang nakadududang red and yellow alerts…

Read More

DIAMOND RING SA POST NI JESSY, MAY PAHIWATIG BA?

jessy mendiola

(NI LOURDES C. FABIAN) KUMALAT na naman ang espekulasyon that Jessy Mendiola and Luis Manzano are now engaged dahil sa recent post ng girlfriend ni Luis Manzano where she is wearing a stunningly beautiful diamond ring. Komento nga ng iba, she might be modelling for a jewelry shop pero mas marami ang umaasa lalo na ang kanilang mga avid fans that wedding bells for Jessy and Luis are just around the corner. Kahit si Luis ay nag-comment on her intriguing Instagram post. Bumuhos ang congratulatory comments on her post while others asked her if she is…

Read More