(CHRISTIAN DALE) MAY gusto umanong pumatay kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Ito ang dahilan kung bakit nilagyan ng bulletproof glass ang podium na tinayuan ni Duterte habang nagbibigay ng kanyang talumpati sa Partido Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP-LABAN) campaign rally sa Victoneta Avenue, Barangay Potrero, Malabon City, Martes ng gabi. “May gusto mang pumatay sa akin. Pero palagay ko pa naman ang buhay ay swerte-swerte lang. Kung panahon ko na talaga, wala na akong magawa. Tingnan ko lang kung gaano kakapal ‘to. Mukha hong hindi matablan ito ng…
Read MoreAuthor: Jet
MALNUTRITION SA PINAS, MATAAS — WB
(NI MAC CABREROS) LAGANAP ang child malnutrition sa Pilipinas, inihayag ng World Bank. Sa press conference, binanggit ni Gabriel Demombynes, program leader for human development for Malaysia, Brunei, Thailand at Philippines, na isa kada tatlong bata edad lima pababa ang masasabing malnourished. “The Philippines needs to address the high rates of malnutrition among children,” wika Demombynes at binanggit na problema na ito dekada nang nakalilipas. Sinabi pa nito na kailangan din tutukan ng gobyerno ng Pilipinas ang edukasyon at kalusugan ng mga bata upang sa paglaki ay magiging produktibong mamamayan…
Read MoreKOTSE NI JANINE BINANGGA NG FIRETRUCK!
(NI ROMMEL GONZALES) LAKING pasasalamat ni Janine Gutierrez at hindi grabe ang aksidenteng kinasangkutan niya nitong Lunes, April 1. Bandang alas dos ng madaling araw, kasalukuyang sakay ng kanyang kotse si Janine na minamaneho ng kanyang driver nang banggain sila ng isang bumbero o fire truck! Naganap ang aksidente sa Ortigas Avenue; papunta noon si Janine sa taping ng “Dragon Lady” na fantaseryeng pinagbibidahan ng Kapuso actress sa GMA. Mabuti na lamang at hindi naman nasaktan o nagalusan ang aktres (na nakaupo sa passenger seat sa bandang likuran ng sasakyan)…
Read MoreHIGIT 30,000 LOCAL ABSENTEE VOTERS SA MAY POLLS
(NI FRANCIS SORIANO) MAHIGIT sa 30, 000 katao, kabilang na ang mga kagawad ng mga media, civilian state workers, uniformed personnel mula sa kapulisan at military troops, ang boboto ng mas maaga bilang local absentee voters (LAV) bago pa nakatakdang botohan sa May 13 mid-term election. Ayon sa Committee on Local Absentee Voting (CLAV) ng Commission on Elections (Comelec), tinatayang nasa 34,693 ang aplikante na kanilang natangap simula pa noong nakaraan buwan sa buong bansa. Inaasahang mapoproseso na ng mga local absentee voters ang kanilang boto sa April 29, 30…
Read MoreTESDA MAGBIBIGAY NG KURSO SA REAL ESTATE
(NI MAC CABREROS) GAGAWIN nang professional ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang mga salesperson. Ayon TESDA Director General, Secretary Isidro Lapeña, inilabas nila ang bagong training regulations na nagtatakda ng mga patakaran at panuntunan na susundin ng real estate service provider upang maging de kalidad ang kanilang salesperson. “There are times when we get approached by real estate salespersons offering us properties and we do not know whether they are really knowledgeable with what they offer or the offer is even legitimate,” sabi Sec. Lapeña. Binanggit ng…
Read MoreP43-M INSURANCE IBINIGAY SA APEKTADONG MAGSASAKA NG EL NINO
(NI ABBY MENDOZA) UMAABOT sa P43-M insurance na ang naipamahagi ng Department of Agriculture (DA) sa 3,543 apektadong magsasaka sa regions I, III, IVA, VI at X sa harap ng dinaranas na El Nino phenomenon. Nagpapatuloy pa rin umano ang pagproseso ng dokumento sa mga lugar na idineklarang state of calamity dulot ng El Nino gaya ng Rizal, Occidental Mindoro, Zamboanga City, Zamboanga Sibugay, Cotabato, Maguindanao, Negros Occidental, ayon pa sa DA. Kasabay nito, nasa P5 bilyon na ang pinsala sa agrikultura sa nararanasang tagtuyot dala ng El Nino Phenomenon…
Read MorePULIS, SUNDALO NA ‘GOONS’ NG POLITIKO BINALAAN NI DU30
(NI BETH JULIAN) MAHIGPIT na nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kasapi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na mananagot sa kanya ang mahuhuli nitong sumusuporta at nagsisilbing ‘goons’ sa mga tumatakbong kandidato ngayong May 2019 elections. Kaya nanan pinayuhan ng Pangulo ang mga sundalo at pulis na manatiling neutral o nasa gitna at huwag papanig kaninuman sa mga tumatakbong kandidato. Binigyan-diin ng Pangulo na hindi trabaho ng mga sundalo at pulis na magsilbing ‘alalay o goons’ ng mga politiko dahil ang trabaho…
Read MoreDUTERTE KAY ORETA: ARESTO O 1 BUWAN LINIS-DROGA SA MALABON?
(NI BETH JULIAN) TINANINGAN ni Pangulong Rodrigo Duterte si Malabon Mayor Antolin “Len Len” Oreta III ng hanggang isang buwan para resolbahin ang problema sa ilegal na droga sa Malabon City. Kasabay nito ay binalaan ng Pangulo si Oreta na aarestuhin ito kapag nabigong ayusin ang illegal drug problem sa kanyang nasasakupan. “Mayor linisin mo ang Malabon mo, bigyan kita ng isang buwan. Sabihin ko kay Cong. Ricky Sandoval, sorry na lang ha pahuli ko mayor niyo. Itapon na lang sa Manila Bay,” ayon sa Pangulo sa kanyang talumpati sa…
Read MoreSUPPLY NG KURYENTE SA LUZON KINAKAPOS
(NI JEDI PIA REYES) DALAWANG araw na magkasunod mula ng pumasok ang buwan ang Abril nang makaranas ng pagnipis ng suplay ng kuryente sa Luzon. Ito’y makaraang muling itaas ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Yellow Alert sa Luzon Grid simula noong Lunes. Dalawang beses sa isang araw nakataas ang Yellow Alert bunsod na rin ng hindi planadong shutdown ng ilang power plants. Lunes ng alas-10 hanggang alas-11 ng umaga ay nakataas ang Yellow Alert at muling itinaas ng ala-una hanggang alas-4 ng hapon. Ayon kay Department…
Read More