PALASYO SA CELEBS NA NASA WATCHLIST: MAGPA-REHAB NA KAYO!

panelo 200

(NI BETH JULIAN) PINAYUHAN ng Malacanang ang mga  artistang gumagamit ng ilegal na droga na boluntaryo na lamang magpa-rehabilitate bago pa tuluyang masira ang kanilang career at ang kanilang buhay. Inihayag ni Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo na handa naman ang gobyerno na tulungan ang mga artistang gumagamit ng ilegal na droga kung nais magpa-rehabilitate. “Tutulungan naman ng pamahalaan ang sinumang nangangailan na nais mahinto sa paggamit o pagbebenta ng droga, iparerehab sila,” wika ni Panelo. Ayon kay Panelo, may dalawang paraan para mahinto ang ilegal na transaksyon ng droga…

Read More

18 PULIS-VICTORIA PERSONAL NA PARARANGALAN NI ALBAYALDE  

albayalde

(NI NICK ECHEVARRIA) TATANGGAP ng parangal ang 18 miyembro ng Victoria Municipal Police Station (MPS) sa Northern Samar mula kay Philippine National Police (PNP) Chief P/General Oscar Albayalde ngayon sa Camp Crame. Ito’y bilang pagkilala sa ipinakitang katapangan at kahandaan ng mga pulis laban sa 50 armadong New People’s Army na lumusob sa kanilang himpilan, Huwebes ng madaling araw. Sinabi ni Albayalde na pinagre-report na niya sa Camp Crame ngayong Lunes ang 18 mga pulis para personal na tanggapin ang igagawad na medalya. Binigyang-diin ni Albayalde na karapat-dapat aniyang parangalan…

Read More

PAGTAAS NG SSS CONTRIBUTION RATES WRONG TIMING – ECOP

sss16

(NI FRANCIS SORIANO) INIINDA ngayon ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) ang nakaambang pagtaas ng  contribution rates sa mga miyembro ng Social Security System (SSS). Ayon kay Presidente na si Sergio Ortiz -Luis Jr,  mula sa dating 11 percent ay tataas ng 12 percent ang contribution rate na magiging epektibo ngayon unang  araw ng Abril. Kasabay din ng pagtaas ay ang dagdag na SSS minimum at maximum monthly salary credit. Nauna nang nagpahayag ang SSS na ang mabuting dulot ng pagtaas ng kontribusyon ay ang pagdagdag ng mga benepisyong matatanggap…

Read More

KONSEHAL SINALAKAY NG ‘NPA’ SA BAHAY, PINATAY

crime22

(NI JESSE KABEL) DEAD-on-the-spot si Councilor Jolomar Hilario ng Moises Padilla, Negros Occidental nang salakayin ng mga armadong kalalakihan ang kanilang bahay at saka pinagbabaril Linggo ng umaga. Sa ulat ng Negros Occidental PNP, isinagawa ng mga hindi pa nakikilalang salarin ang pamamaslang bandang alas-6:00 Linggo ng  umaga sa sa bahay ng konsehal sa Barangay Inolingan. Napag-alamang tinangkang saklolohan ang biktima subalit hinarang sila ng blocking force na inilagay ng  mga suspek. Sinabing naglagay ng mga bobby trap sa paligid ng bahay ng Sangguniang Bayan member kaya’t hindi agad nakaresponde…

Read More

ISA PANG LADY SPEAKER AMBISYON SA KAMARA

congress

(NI BERNARD TAGUINOD) NANGANGARAP ang grupo ng mga kababaihan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na magkaroon muli ng speaker mula sa kanilang hanay sa 18th Congress na magsisimula sa huling linggo ng Hulyo. “Walang masama. And I hope meron din tayong women lawmakers who will vie for the position,” ani Zambales Rep. Cherry  Deloso-Montalla. Si dating pangulo Gloria Macapagal Arroyo ang unang babaing House Speaker subalit tapos na ang termino nito sa Mayo kaya pawang mga kalalakihan ang lumulutang na magkakalaban sa babakantehin nitong posisyon. Isa sa mga pinangalanan na kandidato sa pagka-speaker…

Read More

76 HIGH POWERED FIREARMS NAKUMPISKA SA REGION 12

socssargen12

(NI NICK ECHEVARRIA) UMAABOT  sa kabuuang 76 na magkakaibang uri ng malalakas na armas ang nakumpiska  ng Police Regional Office (PRO) 12  sa buong nasasakupan ng SOCCSKSARGEN simula nang ipatupad ang Comelec gun ban noong January 13. Ayon kay PRO 12 Regional Director P/BGen. Eliseo Tam Rasco, nakumpiska ang mga nabanggit na armas mula sa mga nahuling  lumabag sa mga police operations tulad ng pagsisilbi ng mga warrant of arrest, checkpoints/chokepoints at mga pagresponde  ng kanyang mga tauhan sa buong rehiyon. Resulta ito ng mahigpit na direktiba ni Rasco sa…

Read More

ERAP BAGSAK VS DROGA; PINAGPAPALIWANAG NG DILG

ERAP12

(NI TJ DELOS REYES) BAGSAK ang grado na ibinigay ng Department of the Interior and Local Government (DILG) kay Manila Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada sa paglaban nito sa  iligal na droga sa pamamagitan ng Anti-Illegal Drugs Abuse Council (ADAC). Ayon kay DILG Assistant Secretary for External and Legislative Affairs Ricojudge Echiverri, ang Maynila ay nakakuha ng  mababang grado na 65, isang maliit na higit sa boarder-line na 50. Sinabi ni Echiverri na ang isang rating na 50 o mas mababa ay nagpapatunay na hindi naging maganda ang pangangasiwa ng LGU…

Read More

POWER INTERRUPTION INIANUNSIYO NG MERALCO

MERALCO-1

(NI KEVIN COLLANTES) MAGPAPATUPAD muli ang Manila Electric Company (Meralco) ng isang linggong pansamantalang pagkawala ng suplay ng kuryente sa ilang lugar sa Metro Manila at mga karatig-lalawigan, ngayong unang linggo ng Abril, bunsod ng ilang nakahanay na maintenance works. Sa paabiso ng Meralco, ang power interruption ay magsisimula ngayong Abril 1, Lunes, at magtatagal hanggang sa Abril 7, Linggo. Nabatid na kabilang sa mga apektadong lugar ay ang Sampaloc, Sta.Ana at Sta. Mesa sa Maynila; Doña Imelda sa Quezon City; Bagumbong at Camarin sa Caloocan City at Manggahan sa Pasig…

Read More

CHINA NAKAALERTO SA PH-US BALIKATAN EXERCISE

balikat12

(NI JG TUMBADO) ARAW ng Lunes ang pormal na pagbubukas ng balikatan war exercises sa pagitan ng Pilipinas at Amerika na gaganapin sa ilang piling lugar sa bansa. Kasabay nito, nakaalerto naman ang China sa Scarborough Shoa, isa sa piling pagdarausan ng PH-US Balikatan exercise.  Bago pa man ang joint military exercise, ay may mga presensya na umano ng ilang mga barkong pandigma ng China ang naka antabay na para magbantay sa paligid ng Scarborough shoal. Bilang pang umpisa, ang opening ceremony ay gaganapin sa Camp Aguinaldo sa Quezon City…

Read More