(NI MAC CABREROS) ITINANGGI ng European Union ang deklarasyon ng administrasyong Duterte na pinopondohan ng una ang Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA). Sa mensaheng nakarating ng Saksi Ngayon, itinanggi ng EU na mayroong perang napasok sa bulsa ng rebeldeng grupo. Bilang patunay, ayon sa mapagkatiwalaang source, kinukonsidera ng EU ang CPP-NPA bilang teroristang grupo kaya’t malayong susuportahan nila ito. Idinagdag ng source na inimbestigahan nila ang sinasabing napunta sa mga rebeldeng grupo ang pondo ng isang non-government organization ngunit walang nakitang ebidensya o patunay. “Responding…
Read MoreAuthor: Jet
CATRIONA-CLINT SEX VIDEO, PEKE
MAY umiikot na bulung-bulungan na meron daw ‘video scandal’ ang reigning Miss Universe na si Catriona Gray at ang ex-boyfriend nitong si Clint Bondad. Sabi ng mga nakapanood, kamukhang-kamukha raw ng dalawa ang nasa naturang video. Last year pa nagsimulang kumalat ang video, pero muling naungkat ito nang umamin ang dalawa na wala na sila. Kahapon, March 29, may lumabas na online article na nagpapatunay na hindi ito totoo. Base ito sa isang “comparative video” na nauna nang lumabas. Ang ilan sa pinunto ng naturang video: Ang mga nunal ng…
Read MorePRESYO NG PANGUNAHING BILIHIN TATAAS
(NI MAC CABREROS) INAASAHAN ang patuloy na bahagyang pagbagal ng inflation rate o pagtaas sa presyo ng mga produkto sa bansa nitong Marso, iniulat ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Sa taya ng mga economic analyst ng BSP, nakitang maglalaro sa 3.1 hanggang 3.9 porsyento ang March inflation na kapag nagpatuloy ang down trend ay maililista na ika-limang sunod na pagtumal ng mga produkto. Naitala sa 3.8 porsyento ang inflation noong Pebrero na mababa kumpara 4.3 porsyento noong Marso 2018. Ayon BSP, bumagsak ang presyo bunsod nang pagtambak ng malaking supply…
Read MoreDU30: WALANG MAIIWAN NA SEKTOR, KOMUNIDAD SA BARMM
(NI BONG PAULO) HINIKAYAT ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga bagong hirang na opisyal ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na isulong ang political empowerment sa lahat ng mga sektor sa rehiyon. Sa kanyang pagdalo sa symbolic inauguration ng BARMM nitong Biyernes sa Shariff Kabunsuan Cultural Complex, Cotabato City, sinabi ng Pangulo na umaasa siya na ang bagong tatag na Bangsamoro entity ang magiging daan para tuluyang mabigyan ng katarungan ang historical injustices sa mga mamamayang Bangsamoro. Samantala, inihayag naman ni Duterte ang lubos na kasiyahan sa tagumpay…
Read MoreSA MGA NAG-‘OBER D BAKOD,’ SI ARCI ANG WAGI!
(NI KC GUERRERO) SA paglipat-bakuran ng mga artista, itong si Arci Muñoz ang angat sa lahat. Bida na siya sa pelikulang Last Fool Show ng Star Cinema, si JM de Guzman pa ang leading man! April 10 ang playdate. Maliban sa suwerte sa career, ubod ding lucky siya sa lovelife. Business mentor/adviser lang naman ni Arci ang apo ni Henry Sy Sr., the richest Filipino na nilisan na ang mundo kamakailan. Five years at going strong ang relasyon nina Arci Muñoz at Anthony Ng na apo ng pinakamayamang Filipino. Kuwento pa ni…
Read MoreUTANG NG PINAS SA CHINA ‘DI TULAD SA IBANG BANSA
(NI BETH JULIAN) NANINIWALA ang Department of Finance (DoF) na hindi dapat i-ugnay ang utang Pilipinas sa China sa utang ng ibang bansa sa kanila tulad ng Sri Lanka. Ito ang reaksyon ng DoF matapos magbabala ang mga kritiko ng administrasyon na dapat mag ingat ang gobyerno sa pag utang sa China dahil sa posibilidad na debt trap ito tulad ng nangyari sa iba pang bansa na nakuha na ngayon ng China ang kontrol sa ilan nilang infrastructure na hindi na kayang magbayad ng utang. Sinabi ni Finance Usec. Mark Dennis…
Read MoreCLARK INT’L AIRPORT EXPANSION 56% NANG TAPOS — DoF
(NI BETH JULIAN) INAASAHAN ang mas maagang pagtatapos ng konstruksyon ng Clark International Airport expansion project na nasa ilalim ng Buil Build Build Program ng administrasyong Duterte. Sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez, inasaahan at target na matatapos ito bago mangalahati ang susunod na taon. Ayon kay Dominguez, sa loob ng dalawang taong planning stage para sa Clark International Airport Expansion project, ay sa panahon lamang ng administrasyon Duterte ito natuloy. Sa ngayon ay nasa 56 porsyento nang tapos ang proyekto na ayon sa DoF, ang pagpapalaki ng nasabing paliparan…
Read MorePANELO TIWALANG MAPIPIRMAHAN NA ANG 2019 BUDGET
(NI CHRISTIAN DALE) MALAKI ang posibilidad na malagdaan na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang isinumiteng 2019 proposed national budget ng Kongreso. Ayon kay Presidential spokesperson Secretary Salvador Panelo, napaka-busy ng schedule ngayon ng Pangulo kaya’t malabo itong agad mapirmahan ng Pangulo ang panukalang pambansang pondo. Sa ngayon aniya patuloy pa ring inaaral at binubusising mabuti ng Chief Executive ang budget bill na una nang nakwestyon dahil sa umanoy iligal na mga realignment na ginawa umano ng mga mambabatas. Subalit sa kabila nito, tiwala si Panelo na lalagdaan ng Pangulo…
Read MoreWALANG SPECIAL TREATMENT SA CELEBRITY SA NARCO LIST — DU30
(NI BETH JULIAN) TINIYAK ng Malacanang na walang gagawing pagbibigay ng special treatment si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga sangkot sa ilegal na droga, nasa gobyerno man o artista. Sa press briefing nitong Biyernes sa Malacanang, sinabi ni Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo na patas ang gagawing pagtrato ni Duterte sa lahat ng mga pangalan na nasa narco list ng PNP at watchlist ng PDEA. Ayon kay Panelo, pag-aaralan din ng Pangulo ang celebrity list ng PDEA at isasapubliko rin ito tulad ng ginawa sa narco list ng PNP na…
Read More