KUMPIYANSA si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi maapektuhan ang relasyon ng bansa at China sa harap ng kasong isinampa sa International Criminal Court (ICC) nina dating Foreign secretary Albert del Rosario at dating Ombudsman Conchita Carpio Morales kay Chinese President Xi Jinping dahil sa umano’y pang-aabuso sa South China Sea at sa teritoryo ng Pilipinas gayundin sa mga krimen na maaaring aksiyunan ng ICC. Sinabi ng Pangulo na may karapatan silang magsampa ng kaso laban sa China at tiwala pa rin si Duterte na hindi magkakaroon ng lamat ang relasyon…
Read MoreAuthor: Jet
PRESYO NG SIBUYAS BUMAGSAK; MANIPULASYON SINISILIP NG DA
(NI JEDI PIA REYES/PHOTO BY ED CASTRO) BAGSAK-PRESYO ngayon ang sibuyas sa mga palengke dahil sa sobra-sobrang suplay kasabay ng panahon ng anihan at pagpasok ng mga iniangkat na suplay. Puwersado umano ngayon ang mga magsasaka na ibenta na lamang sa pinaka-barat nang halaga ang mga sibuyas. Sa Nueva Ecija, nasa P15 hanggang P16 na lang ang kada kilo ng sibuyas. Batay sa rekord ng provincial agriculturist, nasa 1,055 ektarya sa 11 siyudad at munisipalidad ng Nueva Ecija ang may tanim na sibuyas. “Wala na po kaming mapagbebentahan, dahil puno…
Read MoreNDFP PEACE CONSULTANT ARESTADO SA ILLEGAL NA ARMAS
(NI JG TUMBADO) INARESTO ng mga otoridad ang isang peace consultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) dahil umano sa pag-iingat ng mga ilegal na armas sa Imus City, Cavite. Si Renante Gamara ang dating kalihim ng Metro Manila Regional Party of the Communist Party of the Philippines-New People’s Army (NPA). Siya ang ika-limang peace consultant na dinakip sa ilalim ng administrasyong Duterte. Maliban kay Gamara, dinakip din ang kasama nitong si Arturo Joseph Balagat, retiradong pari mula sa Diocese of San Bernardino sa California. Si Balagat umano…
Read More‘‘DI SA CHINA, SA JAPAN MALAKI ANG UTANG NG ‘PINAS’
(NI BETH JULIAN) PINAWI ng Malacanang ang pangamba ng ilang grupo na baka malubog lamang sa utang ang Pilpinas sa China. Sinasabing sangkaterbang utang ang pinasok ng gobyerno sa pamamagitan ng mga proyektong pang-imprastraktura. Sinabi ni Finance Asisstant Secretary Tony Lambino na walang basehan ang sinasabing pain sa utang ng China dahil ang mga transaksyon ay sumailalim sa matinding pagbusisi ng gobyerno. Ayon kay Lambino, nasa 0.66 percent lamang ang kabuuang debt exposure ng gobyerno sa China noong 2018 kumpara sa total debt exposure ng bansa sa Japan na tinatayang…
Read MoreLONA SUMABIT SA TREN; BYAHE NG MRT-3 NAANTALA
(NI KEVIN COLLANTES) SUMABIT na lona sa Overhead Catenary System (OCS) ang itinuturo ng Department of Transportation-Metro Rail Transit Line 3 (DOTr-MRT3) na dahilan ng pansamantalang pagkaantala ng kanilang biyahe nitong Huwebes ng hapon. Sa advisory na inilabas ng DOTr-MRT3, dakong 1:55 ng hapon nang mamataan ng driver ang naturang lona sa intersection ng northbound lane ng Boni Station at Shaw Boulevard, sa area ng Mandaluyong City. Dahil dito, pansamantala munang ni-regulate ng MRT-3 ang traffic ng mga tren sa magkabilang linya dakong 1:57 ng hapon, upang matiyak ang kaligtasan ng kanilang…
Read MorePULIS DUMALO SA DRUG CASE HEARING, PINATAY SA KORTE
(NI NICK ECHEVARRIA) PATAY ang isang pulis makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa loob ng korte, Huwebes ng umaga, habang sugatan ang tatlong iba pa sa Danao City, Cebu. Nakilala ang biktimang si SPO1 Francis Villamor, dating nakatalaga sa Provincial Intelligence Branch (PIB) ng Cebu Provincial Police Office bago nalipat sa Autonomous Ragion in Muslim Mindanao (ARMM) noong 2016. Samantala, inaalam pa ang pagkakailanlan ng tatlong nasugatan sa pamamaril matapos mahagip ng ligaw na bala, Isinugod ang mga ito sa Danao City District Hospital. Nabatid sa paunang imbestigasyon…
Read MoreTESDA NAGPADALA NG GRADUATES SA BBB PROJECTS
(NI BETH JULIAN) UNTI-UNTI nang natutugunan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang kakulangan ng mga construction skilled workers para sa Build Build Build Infrastructure projects ng bansa. Nitong Miyerkoles, tinanggap ni TESDA Director General Secretary Isidro Lapena sa TESDA Office sa Taguig City ang may 37 mula sa kabuuang 45 construction skilled workers mula sa lalawigan ng Capiz na itatalaga sa mga Build Build Build projects ng gobyerno. Ang nasabing mga manggagawa ang ikalawang batch mula sa kabuuang 166 skilled indibidwal mula sa Capiz, na direktang ni-recruit…
Read MoreSENADO, KAMARA PATIGASAN PA RIN SA 2019 NAT’L BUDGET
(NI BERNARD TAGUINOD) BAGAMA’T nagkasundo na ang mga lider ng dalawang Kapulungan ng Kongreso na mag-usap upang matapos na ang deadlock sa 2019 national budget, mistulang namumuro pa rin ang reenacted budget. Bumuo si House Speaker Gloria Macapagal Arroyo nang 3-man panel na kinabibilangan nina House appropriation commmittee chairman Rolando Andaya Jr., Albay Rep. Edcel Lagman at San Juan City Rep. Ronaldo Zamora para makipag-usap sa kanilang mga counterpart sa Senado. “We are given 5 days, the 3-man committee and the Senate counterpart to resolve the impasse, kung mag-fail magpakatotoo…
Read More‘PINOY WORKERS, ‘DI CHINESE PRAYORIDAD SA BBB PROJECTS
(NI BETH JULIAN) PINABULAANAN ng pamahalaan ang haka-haka na mas makikinabang pa ang mga Chinese national sa mga trabaho na nabuksan sa ilalim ng Build Build Build Program ng Duterte administration. Sinabi ni Finance Undersecretary Tony Lambino, sa kasalukuyan, nasa 178 lamang ang mga Chinese national na maituturing na highly technical na nagtatrabaho sa mga infrastructure projects ng gobyerno. Inihalimbawa ni Lambino ang Chico River Pump Irrigation Project na nasa 85 ang highly technical Chinese workers at ang 88 naman ay nasa Estrella-Pantaleon at Binondo-Intramuros Bridge na kapwa pinopondohan ng…
Read More