(NI BETH JULIAN) ITINUTURING ng Malacanang na malaking bagay na hindi dapat ipagsawalang bahala ang ulat na planong gumawa ng base camp sa Pilipinas ang Islamic State of Iraq (ISIS). Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential spokesman Atty. Salvador Panelo, kailangang gawan ng nararapat na aksyon ang nasabing isyu dahil nakasalalay dito ang seguridad ng bansa. Itinuro ni Panelo sa Department of National Defense ang pagsasagawa ng nararapat na hakbang kaugnay sa nasabing balita dahil anya ito ang mayroong obligasyon na tiyakin ang seguridad ng bayan at ng bawat…
Read MoreAuthor: Jet
INDONESIAN PRESIDENT NA STARSTRUCK KAY CATRIONA
Noong Lunes, March 10, nag-courtesy call si Miss Universe 2018 Catriona Gray kay Indonesian President Joko Widodo. Dalawang araw bago ang nasabing courtesy call, naging parte rin si Catriona ng Puteri Indonesia, ang version ng kapit-bansa natin ng Binibining Pilipinas. Nag-guest siya rito kasama ang reigning Miss International at Miss Supranational. Isang maikling video clip ang pinost sa Instagram ng Catriona Universe account, isang fan page para sa mga tagahanga ng Filipina beauty queen. Dito, makikitang matapos kamayan ni Catriona si President Widodo, tila isang fan ito na kinilig at…
Read MoreABRIL PA BAGO MAGING NORMAL MULI ANG WATER SUPPLY — MWSS
(NI ABBY MENDOZA) AMINADO ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System(MWSS) na aabutin pa ng isang buwan bago tuluyang maging stable ang supply ng tubig ng Manila Water na sapat para tugunan ang dami ng mga consumers nito. Ayon kay MWSS Administrator Rey Velasco, nasa 200 million liters na tubig ang kulang sa supply ng Manila Water, sa ngayon ang agarang lamang maso-solusyunan ay ang 50 million liters na kulang na tubig matapos na rin mangako ang Maynilad na magbibigay ng 50 million liters ng tubig sa Manila Water araw araw na…
Read MoreNATIONAL ID SISIMULAN NA SA SETYEMBRE
(NI BERNARD TAGUINOD) SISIMULAN na ang pag-iisyu ng national ID sa mga Filipino sa Setyembre ng taong kasakukuyan. Ito ang kinumpirma ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo matapos ang isinagwaang House Oversight Committee on Population and Family Relations hearing sa implementasyon ng Republic Act 11055 o Philippine Identification System (PhilSys). “I am happy that it’s all systems go for the National ID system based on the timeline they have presented to us this morning,” ani Arroyo matapos tiyakin aniya ng mga opisyales ng Philippine Statistic Administration (PSA) na handa na…
Read MorePARTIAL CLOSURE SA ESTRELLA SERVICE ROAD IPATUTUPAD
(NI ROSE G. PULGAR) PARA bigyang daan ang patuloy na rehabilitasyon ng Estrella-Pantaleon Bridge, magpapatupad ng partial closure sa Estrella Bridge service road sa lungsod ng Makati simula sa susunod na linggo kung kaya’t asahan ang mas magtinding trapik. Ito ang panawagan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa ginanap na press briefing sa tanggapan nito Martes ng hapon. Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, ang pagsasara ng Estrella Service Road mula Gumamela hanggang JP Rizal ay magiging epektibo sa ganap na alas-11:00 ng gabi sa Marso 23 (Sabado). Pahayag ng MMD…
Read MoreBEA PINANININDIGAN ANG ‘THE YEAR OF CHANGE’ PROMISE
(NI LOURDES C. FABIAN) MUKHANG pinaninindigan na ni Bea Alonzo ang sinabi niyang 2019 to be “the year for change.” The 31-year-old Kapamilya star wants to live up to that statement. First time niyang ginawang maging abala at magbigay ng birthday celebration para sa lalaking minamahal. At tuwang-tuwa naman si Gerald Anderson dahil sa inihanda niyang surprise para sa kanyang 30th birthday celebration. Sa kanyang speech, diretsahang pinasalamatan ni Bea ang bf: “Thank you for being such a wonderful man. I love you,” na pinalakpakan ng kanilang mga kaibigan. Magandang…
Read MoreBANTA SA BUHAY NG MGA PARI ‘DI NAKAGUGULAT SA SOLON
(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI na ikinagulat ng isang kongresista ang banta sa buhay ng mga pari dahil mismong ang Pangulo umano ang nag-uudyok na gawan ng masama ang mga taong simbahan. Ginawa ni Magdalo party-list Rep. Gary Alejano ang pahayag matapos lumantad sina Fr. Robert Reyes, Fr. Flavie Villanueva at Fr. Albert Alejo dahil sa mga natatanggap nilang banta sa kanilang buhay. Hindi kagulat-gulat na mayroong mga pagbabanta sa buhay ng kaparian habang patuloy silang bukambibig ng ating Pangulo. Inuudyok pa niya na pagnakawan at patayin ang mga ito. The President’s words…
Read MoreGEN. BALUTAN NADALE SA STL; PONDO NG PCSO PINAGLARUAN
(NI BERNARD TAGUINOD) NADALE sa mga anomalya umano sa Small Time Lottery (STL) si dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) eneral Manager Alexander Balutan na nagresign kamakailan. Kasabay nito, irerekomenda umano ng House committee on games and amusement chair Gus Tambunting, ng Paranaque City, ang total revamp sa PCSO at pagsasampa ng kaso laban sa mga opisyales ng ahensya sa kanilang ilalabas na committee report. “We conduct hearing, and in that hearing eh talagang (lumalabas na) pinaglalaruan ang pondo ng PCSO,” ani Tambunting matapos lumabas na wala umanong maipakita ang…
Read MoreMGA NEGOSYANTE NANAMANTALA SA BENTAHAN NG TIMBA, DRUM
(NI KIKO CUETO/PHOTO BY KIER CRUZ) TUMAAS na ang presyo ng mga ibinebentang mineral water maging ang mga ibinebentang timba. Ito’y sa likod na rin ng patuloy na pila balde ng mga residente sa pagkuha ng tubig mula sa mga bumbero at tanker ng tubig. Kasabay nito, aminado ang mga pumipilang residente ng Bgy. Barangka sa Mandaluyong City, na apektado na ang kanilang trabaho dahil kailangang gumising ng madaling araw para pumila sa tubig na gagamitin nilang pampaligo sa umaga, at mag-ipon para sa gagamitin ng mga mahal sa buhay.…
Read More