(NI BETH JULIAN) WALA ring kinahinatnan ang pulong na ipinatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga mambabatas kamakalawa ng gabi sa Malacanang matapos na hindi pa rin naayos ang girian kaugnay sa isyu ng 2019 national budget. Gayunman, sa nasabing pulong, pumayag ang Kamara na umayon na lamang sa P3.757 trillion budget version na aprubado ng bicameral conference committee at naratipikahan na ng dalawang kapulungan ng kongreso dahil sa pagpanig ng Pangulo sa mga senador. Sa pabayag ni Senate President Vicente Sotto III, nais ng Pangulo na resolbahin ang anumang…
Read MoreAuthor: Jet
HEART, SUNUD-SUNOD ANG INTERNATIONAL MOVIES
(NI KC GUERRERO) ACTRESS, visual artist at ngayon ay creative director ng Kamiseta. Heart Evangelista announced on her Instagram post last Women’s Day: “I’m so overjoyed to be part of this family.” Hindi ito ang unang work ni Heart sa Kamiseta. Ito na nga, BenThought, saksi ako nang ini-announce ni Love Marie Ongpauco-Escudero ang kanyang second collection na collaboration sa Kamiseta, na nagtatampok ng kanyang artwork in different pieces of clothing. Sumikat si Heart as Kapamilya bilang love interest of Jericho Rosales bago pa nagkaroon ng Kristine Hermosa. Naging most sought-after-young-star siya…
Read More240-K TRABAHO MAWAWALA KAPAG HINDI NAIPASA ANG NAT’L BUDGET
(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI bababa sa 240,000 trabaho ang mawawala kapag tuluyang hindi magkasundo ang dalawang Kapulungan ng Kongreso na P3.757 bilyon 2019 General Appropriations Act (GAA) at gagamit ang gobyerno ng reenacted budget hanggang sa katapusan ng taon. Ito ang nabatid kay House Deputy Majority Leader Rodante Marcoleta sa press conference kasama si Majority leader Fred Castro matapos silang pulungin ni Pangulong Rodrigo Duterte Martes ng gabi. Hindi sinabi ni Marcoleta kung ilang libong trabaho na ang nawala mula Enero hanggang Marso habang reenacted budget ang ginagamit ng gobyerno…
Read MoreDEATH PENALTY MULING ISUSULONG
(NI DAHLIA S. ANIN) DAHIL sa karumal-dumal na pagpaslang sa isang 16-anyos na babaeng estudyante sa Cebu ay binubuhay na naman ng ilan ang death penalty. Ayon sa Volunteers Against Crime and Corruption (VACC), kailangan nang ibalik ang parusang kamatayan laban sa mga kriminal na gumagawa ng karumal dumal na krimen. Kinontra naman ito ni senatorial candidate Samira Gutoc dahil ayon sa kanya, mas dapat na bigyang-pansin kung saan nga o ano nga bang pinagmulan ng kriminalidad, imbes na isabatas ang death penalty. Nais niyang malaman kung bakit hindi naproteksyunan…
Read MoreMANILA WATER KUMITA NG P6.5-B; SERBISYO PALPAK PA RIN
(NI BERNARD TAGUINOD) KINUKUYOG na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang Manila Waters dahil sa puwerhuwisyong inabot ng kanilang mga customers matapos biglang nawala ang kanilang water supply mula pa noong Marso 8. Ang Makabayan bloc sa Kamara ay naghain na resolusyon para imbestigahan ang Manila Waters dahil lumalabas na palpak ang kanilang serbisyo gayung bilyong-bilyong piso umano ang kinita ng mga ito noong nakaraang taon. Nabatid sa grupo na nagtala ng P6.5 bilyon net income ang Manila Water noong 2018 subalit hindi nagawa ng mga ito ang kanilang tungkulin…
Read MoreJOHN IWAS NA RIN NA MAKASAMA SI MYLENE SA SERYE
(NI ROMMEL GONZALES) HINDI naman nagdamot ng sagot si John Estrada sa tanong namin tungkol sa pagbabalik ni Mylene Dizon sa GMA. “Sinabi nga sa akin ‘yun. May pamilya ‘yung tao. I mean, siyempre trabaho ‘yan, eh! I’m sure kailangan niya ng trabaho, di ba?” February 2018 pumutok ang isyung nagkaroon ng gulo (na umabot diumano sa sampalan at sikmuraan) sa pagitan nina Mylene at John sa set ng “The Good Son” (ABS-CBN, first episode aired on September 2017). Namatay ang karakter ni John sa naturang teleserye noong May 2018…
Read MorePAG-ANGKAT NG PALM OIL IPINATITIGIL
(NI BERNARD TAGUINOD) UPANG maisalba ang coconut industry at matulungan ang mga coco farmers, ipinag-utos ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na ipatigil muna ang pag-aangkat ng Palm oil. Sa kanyang ihinaing resolusyon,hiniling ni House minority leader Danilo Suarez sa Department of Trade and Industry (DTI) na itigil muna ang pag-angkat sa nasabing produkto upang matulungan ang mga magsasaka ng Niyog sa bansa. Ginawa ni Suarez ang kahilingan matapos bumagsak na sa P13 hanggang P15 ang bawat kilo ng copra sa bansa mula sa dating P30 hanggang P40…
Read More5-TAONG VISA SA PINOY NA GUSTONG MAGTRABAHO SA JAPAN, POSIBLE
POSIBLE umanong mabigyan ng limang taong visas sa ilalim ng bagong trade agreement ang mga Filipino na professional o businessman na naghahanap ng trabaho o negosyo sa Japan, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI) Sinabi ng DTI na ang Pilipinas, bilang bahagi ng Association of Southeast Asian Nations, ay lumagda sa First Protocol na nag-aamyenda sa ASEAN-Japan Comprehensive Economic Partnership (AJCEP) Agreement sa Siem Reap, Cambodia. Ang AJCEP ay isang free-trade deal na nagbabawas, kundi man, magtatanggal ng buwis sa mga produkto sa pagitan ng ASEAN countries at…
Read MoreTAMBUNTING: GALING SA ‘CORPORATE’ SANA ANG IPALIT KAY BALUTAN
NANINIWALA si House Games and Amusement Committee chair Gus Tambunting na mas makabuuti para sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na hindi isang retiradong opisyal ng military ang uupo kapalit ng nagbitiw na si dating general manager Alexander Balutan. Sinabi ni Tambunting mas makabubuti umano kung may background sa corporate world ang ipapalit kay Balutan upang higit na maipatupad ang tungkulin. Gayong kinikilala umano ni Tambunting ang naiambag ni Balutan sa ahensiya, mas mabuti umano na marunong sa pamamalakad ng ahensiya ang ipapalit ni Pangulong Rodrigo Duterte. Pinaboran din ni…
Read More