CHIEF OF POLICE ARESTADO SA ENTRAPMENT OPERATION

tanza

(NI NICK ECHEVARRIA) INARESTO ng mga tauhan ng Counter Intelligence Task Force (CITF) at PNP-Intelligence Group (IG) ang Chief ng 402nd Cavite Maritime Police Station sa isang entrapment operation Biyernes ng umaga ng alas-7:00. Isinagawa ang entrapment sa loob mismo ng nabanggit na police station sa Bgy. Julugan V. Tanza, Cavite na nagresulta sa pagkakaaresto kay P/Supt. Armandy Dimabuyo matapos nitong tanggapin ang iniabot na marked money na nagkakahalaga ng P18,000 mula sa complainant. Nag-ugat ang isinagawang operasyon makaraang ireklamo ng mga may-ari ng mga bangkang-de-motor sa nabanggit na lugar na…

Read More

TASK FORCE MANILA BAY ITINATAG NG PALASYO

(NI BETH JULIAN/PHOTO BY KIER CRUZ) SA pagnanais na mapablis ang rehabilitasyon, inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang iba’t ibang sangay ng pamahalaan na magtulungan sa paglilinis ng Manila Bay. Noong Pebrero 19, nilagdaan na ni Pangulong Duterte ang administrative order 16 na pagbuo ng Manila Bay Task Force na tututok sa agarang pagsasaayos sa Manila Bay. Inatasan ng Pangulo ang TF na maglatag ng comprehensive plan para sa relokasyon ng mga informal settler na nakatira sa paligid ng Manila Bay. Si Environment Secretary Roy Cimatu ang tatayong chair…

Read More

80 NARCO-POLITICIANS ILALANTAD BAGO ANG ELEKSIYON

cocaine22

(NI JESSE KABEL) NANINDIGAN si Interior and Local Government Secretary Eduardo Ano na hawak nila ang 80 pangalan sa listahan ng mga sinasabing narco-politicians sa bansa at handa na nila itong ibulgar sa publiko bago ang midterm elections sa Mayo. Nangangamba rin ang ahensiya sa posibleng pagbaha ng drug money para gamitin sa pangangampanya at pagbili ng boto. Kasabay nito, mahigpit na ipinag-utos ni Ano sa lahat ng security forces ng gobyerno na paigtingin pa ang giyera kontra iligal na droga lalo na ngayong nalalapit na ang midterm election. Magugunitang…

Read More

DoH SA UNIVERSAL HEALTH CARE: PONDO KAPOS

DOH

(NI LILIBETH JULIAN) KAHIT na ganap nang batas ang Universal Health Care Law matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte, hindi pa ito agad agad na lubos na mapakikinabangan ng mga Filipino. Ito ay matapos ihayag mismo ni Health Secretary Francisco Duque III, na hindi kaagad ito maipapatupad dahil babalangkasin pa ang implementing rules and regulations (IRR) nito. Sinabi ni Duque na may P40 bilyong halaga rin kakulangan sa pondo para rito base sa panukalang budget. Noong Miyerkoles ng hapon nang opisyal nang lagdaan ng Pangulo ang nasabing batas na nasa ilalim nito…

Read More

DU30, ZHAO: ILLEGAL DRUGS TINALAKAY

21duterte

(NI LILIBETH JULIAN)   KINUMPIRMA ng Malacanang na nakipagpulong si Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Palasyo. Sinabi ni Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo, na tinalakay ng dalawang lider ang pagiging talamak pa rin ng ilegal na droga sa bansa at ang ginagawang hakbang ng pamahalaan ng Pilipinas para ito masawata. Ayon kay Panelo, natalakay din ang bilateral relations ng Pilipinas at China hinggil sa aspeto ng seguridad, kalakalan, people to people exchanges, ang pagtutulungan sa mga regionals at international issues. Sa pagpupulong ay…

Read More

GLORIA AYAW MAG-ENDORSO NG SENATORIAL CANDIDATE

gma20

(NI BERNARD TAGUINOD) BAGAMA’T  sinamahan ni dating pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo si Davao City Mayor Sara Duterte sa Pampanga para sa kick-off rally ng mga kandidato ng Hugpong ng Pagbabago, wala itong personal na ineendorsong kandidato. Sa ambush interview kay Arroyo, lumalabas na wala itong personal na ineendorsong kandidato dahil ang tanging trabaho umano ng mga ito ay dalhin ang mga ito sa kanilang mga constituent. “Our job is to bring the candidates to our constituents and late them explain themselves,”  ani Arroyo. Dahil kaalyado ng…

Read More

CPP/NPA NEGOTIATOR FIDEL AGCAOILI NASA BANSA

fidel

(NI NICK ECHEVARRIA) INATASAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Armed Forces of the Philipines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na hayaang makapasok ng bansa si Fidel Agcaoili, ang chief negotiator ng Communist Party of the Philippines/New People’s Army at National Democtratic Front of the Philipines CPP/NPA/NDFP). Ito ang pahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana kasunod ng kumprimasyon na nasa bansa na si Agcaoili. Hindi man tinukoy ni Lorenzana ang lugar na kinaroroonan ni Agcaoili, inamin naman nito na noong isang linggo pa dumating sa bansa ang chief negotiator ng…

Read More

METRO MANILA SUBWAY UUMPISAHAN NA

subway

(NI KEVIN COLLANTES) MAGANDANG balita dahil sa susunod na linggo ay sisimulan na ng pamahalaan ang konstruksiyon ng kauna-unahang subway sa bansa. Ayon sa Department of Transportation (DOTr), mismong si Transportation Secretary Arthur Tugade ang mangunguna sa idaraos na groundbreaking ceremony sa naturang proyekto, na tinatawag na Metro Manila Subway Project, sa Miyerkoles, Pebrero 27. Sinabi ng DOTr na ang proyekto ay may 15 istasyon, mula sa Quirino Highway hanggang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 at FTI. Target umano nilang bago matapos ang taong 2022 ay matapos…

Read More

SA PANAWAGANG MAGBITIW SI CARDEMA: ‘BAHALA SYA’

nyc

(NI LILIBETH JULIAN) SARILING pasya na ni National Youth Commission chief Ronald Cardema kung papatulan nito ang panawagan na magbitiw sa puwesto kasunod ng pahayag na tanggalan ng scholarship ang mga estudyanteng lumalahok sa mga  kilos protesta laban sa pamahalaan. Ito ang reaksyon ni Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo mula sa mga naglabasang hamon dito na bakantehin ang puwesto. “Desisyon nya yan, kung sa palagay ni Cardema ay karapat-dapat pa siya sa puwesto, manatili na muna siya sa kanyang posisyon. Pero kung sa tingin naman nya, nakabigat na siya sa…

Read More