HEALTH CARE LAW SA NATURUKAN NG DENGVAXIA

deng1

(NI BERNARD TAGUINOD) UPANG masiguro na matulungan habang buhay ang mga naturukan ng dengvaxia, isang panukalang batas ang ihinain sa Mababang Kapulungan ng Kongreso para sa mga ito. Sa ilalim ng House Bill (HB) 8828 na inakda ni Bulacan Rep. Jose Antonio Sy-Alvarado, nais nito na magkaroon ng batas para sa libreng pagpapagamot sa mga nabigyan ng dengvaxia vaccines. Noong panahon ni dating pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III bumili ng dengvaxia vaccines na naghahalaga ng P3.5 bilyon para protektahan ang mga tao lalo na ang mga bata sa dengue. Dahil…

Read More

‘MAY MANANAGOT SA PAGDAGSA NG FOREIGN WORKERS’

illegal workers

(NI NOEL ABUEL) PINAKIKILOS ni Senador Joel Villanueva ang pamunuan ng Bureau of Immigration (BI) para kasuhan ang sinumang opisyal at tauhan nito na sangkot sa pagdagsa ng maraming dayuhang manggagawa sa bansa. Ito ang pahayag ng senador sa muling paggulong ng pagdinig ng Senate Committee on Labor kung saan iginiit nito na dapat na masampahan ng kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act ang sinumang mapapatunayang responsable sa pagdami ng bilang ng mga foreign workers partikular ng mga Chinese nationals. “I think the Bureau of Immigration should identify…

Read More

PNP RANK CLASSIFICATION BABAGUHIN NA

pnp1

(NI LILIBETH JULIAN) SA layong maibsan ang kalituhan, babaguhin na ang rank classification sa hanay ng Philippine National Police (PNP). Ito ay matapos kumpirmahin na opisyal nang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na gawing standard ang tawag sa isang police officer. Ang bagong rank classification sa PNP ay ang Police General; Police Lieutenant General; Police Major General; Police Brigadier General; Police Colonel; Police Lieutenant Colonel; Police Major; Police Captain; Police Lieutenant; Police Executive Master Sergeant; Police Chief Master Sergeant; Police Senior Master Sergeant; Police Master Sergeant; Police Staff…

Read More

PNP SA NARCO-POLITICIANS: SUMUKO NA LANG KAYO!

albayalde

(NI NICK ECHEVARRIA) MAKABUBUTING umamin na lamang ang mga narco-politicians sa bansa bago pa man tuluyang ilabas ang narco-list. Ito ang payo ni Philippine National Police (PNP) Chief Dir. Gen. Oscar Albayalde, gayunman binigyang-diin nito na hindi sila ang maglalabas ng listahan ng mga narco-politicians sa halip ay ipauubaya na nila ito kay Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay Albayalde, tumutulong lamang sila sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pagsasagawa ng mga validation at nasa desisyon pa rin ng pangulo kung ilalabas ang narco-list sa publiko para tulungan ang mga…

Read More

PH SA ISRAEL: MGA IDEDEPORT TRATUHIN NANG MAAYOS

israel

(NI DAVE MEDINA) PINAKIUSAPAN ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pamahalaan ng Israel na tratuhin nang mabuti ang mga Filipino Migrant na kanilang nakatakang i-deport ng Pilipinas sa susunod na ilang araw. Humingi ng pulong ang DFA sa pamamagitan ni Foreign Affairs Assistant Secretary for Middle East and African Affairs Leslie Baja na pinaunlakan ni Israel Ministry of Foreign Affairs Deputy Director General Gilad Cohen. Isinangkalan ni Asec Baja ang magandang relasyon sa pagitan ng Israel at Pilipinas sa paghingi ng pabor mula sa Deputy Director General ng Israel. Hiniling…

Read More

MATAPOS ANG 26 TAON; 105-DAY MATERNITY LEAVE OK NA

buntis21

(NI BERNARD TAGUINOD) IKATLO na ang Pilipinas sa 10 miyembro ng Association of Southeast Asean Nation (ASEAN) na may pinamakahabang maternity leave matapos pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 105 days maternity leave law. Ikinagalak naman ng mga mambabatas sa Kamara na tuluyan nang naging batas ang nasabing panukala matapos ang 26 taon simula nang unang tangkaing isabatas ito upang bigyan ng mahabang panahon ang mga kababaihan na maalagaan ang kanilang bagong silang na anak. Base sa nakalap na datos, ang Vietnam pa rin sa ASEAN ang may pinakamahabang maternity…

Read More

AUSSIE DINUKOT NG MGA CHINESE, NABAWI NG PNP

chinese

(NI NICK ECHEVARRIA) NAILIGTAS NG PNP-Anti Kidnapping Group (AKG) ang isang Australian national mula sa kamay ng kanyang Chinese kidnappers, Miyerkoles ng hapon. Kinilala ni PNP spokesperson SSupt. Bernard Banac ang Australyanong si Jianting Chen na na-rescue sa isang operasyon na isinagawa ng PNP-AKG sa 9387A Calantas St. Barangay San Antonio, Makati City ganap na ala-1:30 ng hapon. Kasalukuyan namang bineberipika ang pangalan  ng tatlong nadakip na Chinese ng mga sumalakay na tauhan ng PNP-AKG. Binati naman ni PNP Dir. Gen. Oscar Albayalde ang Anti-Kidnapping Group na pinamumunuan ni P/CSupt.…

Read More

UNIVERSAL HEALTH CARE ACT BIYAYA SA MAHIHIRAP

poor

(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI na magse-self medication ang mga Filipino lalo na ang mga mahihirap matapos maging batas ang Universal Health Care Act kung saan otomatikong miyembro na ang lahat ng mga Filipino sa Philhealth. Ayon kay Kabayan party-list Rep. Ron Salo, marami sa mga Filipino ng walang kakayahang pagpakonsulta at magpagamot dahil sa kahirapan kaya kapag may nararamdaman sa kanilang katawan ay nagseself-medication na lamang.. “Maraming mga Pilipino ang tinitiis na lang ang karamdaman, o kaya’y kung anu-anong ang ginagawa na wala namang basehan sa medisina o siyensiya (self-medication)…

Read More

‘MAS MABAGSIK NA LABANAN SA DROGA ASAHAN’

drugs

NAGBABALA si Pangulong Rodrigo Duterte na mas mabagsik na labanan sa droga ang asahan sa bansa matapos makumpirmang nagsasagawa na ng illegal na aktibidad ang mga bigtime international drug cartels sa bansa. Kinumpirma ng Pangulo na ang mga naglulutangang cocaine sa iba’t ibang karagatan sa bansa ay mula umano sa mga drug cartel tulad ng Sinalo at Medelline na nakagawa na ng koneksiyon sa counterparts nila sa bansa. Ang cocaine umano ay galing sa Mexico, ayon pa sa Pangulo. Ang Sinaloa drug cartel ay isang big-time drug syndicate sa Mexico…

Read More