(NI NICK ECHEVARRIA) SIMULA sa araw na ito off limits ang lahat ng kampo ng Philippine National Police (PNP) sa bansa sa pangangampanya kaugnay sa pagsisimula ng campaign period para sa national position sa darating na 2019 mid-term elections. Ito ang ipinahayag ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde kasunod ng muling pagpapaalala sa buong kapulisan na mahaharap sa kaparusahan ang sinuman sa kanilang miyembro na mahuhuling ikinakampanya ang alinman sa mga kandidatong pulitiko. Mahigpit ding ipinagbabawal ni Albayalde ang pangangampanya ng mga kandidato at paglalagay ng mga election posters…
Read MoreAuthor: Jet
EX-HEALTH SEC UBIAL IDINAMAY NI GARIN
IDINAMAY na ni dating health secretary Janette Garin si dating secretary Paulyn Jean Ubial sa measles outbreak. Sinabi ni Garin na may pagkukulang din sa pangangampanya ng bakuna si Ubial sa kanyang panahon higit noong mainit ang issue sa Dengvaxia. Idinagdag nito na sa halip umanong tumulong si Ubial sa pagpapaliwanag ng pagkakaiba sa mga vaccine ay minabuti nitong manahimik at iwasan ang issue. Sa ngayon ay patuloy na nakatutok ang gobyerno sa paglobo pa ng mga batang nagkakasakit ng tigdas. Patuloy sa pagtanggi ng mga magulang na pabakunahan ang…
Read More50% DISCOUNT SA OFW REMITTANCE FEE
(NI BERNARD TAGUINOD) UPANG lalo pang matulungan ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) bilang pagtanaw ng utang na loob sa pagbuhay ng mga ito sa ekonomiya ng Pilipinas, nais ng mga mambabatas na bigyan ang mga ito ng discount sa kanilang ibinabayad kapag nagpapadala ang mga ito ng kanilang sahod. Sa ilalim ng House bill 9032 o “Overseas Filipino Workers (OFWs) Remittance Protection Act” na inakda ni Pampanga Rep. Aurelio Umali, panahon na magkaroon ng discount sa remittance fees ang mga OFWs upang makaipon ang mga ito o kaya hindi mabawasan…
Read More$300-M INTEL SUPPORT DONASYON NG US SA PINAS
(NI LILIBETH JULIAN) LUBOS na ikinagalak ng Malacanang ang pangakong binitiwan ng Estados Unidos na higit $300 milyon intelligence support ang kanilang ipagkakaloob sa Pilipinas. Sinabi ni Presidential Spokesman Atty. Salvador Panelo, welcome sa Malacanang ang commitment na ito ng Amerika na patunay na lumalakas ang military illiance sa pagitan ng nabanggit na bansa at ng Pilipinas. Ayon kay Panelo, anumang uri ng tulong ng bawat United Nations member country gayundin ng kooperasyon ay tinatanggap ng Pilipinas para malabanan at mawakasan ang terorismo. Sinabi pa ng tagapagsalita na walang kinikilalang boundary, politika,…
Read MoreCONTRACTOR SA P75-B PORK NAGSAULI NG P200-M KOMISYON
(NI BERNARD TAGUINOD) NAG-IIYAKAN na ang mga kontraktor sa P75 billion halaga ng proyekto na isiningit ni Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno dahil nauwi umano sa bula ang mga komisyon na ibinayad ng mga ito kapalit ng napanalunang proyekto, dahil naglaho ang pondong ito sa ilalim ng 2019 national budget. “Sen. Ping Lacson’s source is right on the dot. The P75-billion insertion had already been peddled to contractors across the country. The amount of commission asked by proponents, however, ranges from 10 percent to 20 percent per project…
Read MoreGORDON: ‘TAHO GIRL’ ITAPON PALABAS NG PINAS
(NI NOEL ABUEL) NANAWAGAN ang ilang senador na agad na ipatapon palabas ng Pilipinas ang babaeng Chinese national na nagtapon ng taho sa uniporme ng isang pulis na nagmamando sa istasyon ng Metro Rail Transit (MRT). Giit ni Senador Richard J. Gordon, chair ng Senate Committee on Justice and Human Rights, kailangang kumilos agad na Bureau of Immigration (BI) na sampahan ng kaso at ipatapon ang dayuhang si Jiale Zhang, 23, dahil sa masamang inasal nito at hindi iginagalang ang batas ng Pilipinas. “The Chinese passenger should be deported. The…
Read MoreSUPORTA NI DU30 KAY JINGGOY, ‘WALANG MASAMA’
(NI LILIBETH JULIAN) NO big deal. Ito ang reaksyon ng Malacanang sa kinukuwestyong kasama sa listahan ng mga preferable senatorial candidates ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Senador Jinggoy Estrada. Sa press briefing kahapon sa Malacanang, iginiit ni Presidential Spokesperson Atty. Salvador Panelo, na walang nakikitang masama ang kung kasama man sa listahan ng ineendorso ng Pangulo. Napag-alaman na hanggang ngayon ay patuloy pa ring dinidinig sa Sandiganbayan ang kasong nay kinalaman sa pork barrel ni Estrada. Katwiran ni Panelo, hindi na dapat pang kuwestyunin si Estrada dahil nananatili pa itong inosente sa kasong kinakaharap.…
Read MoreULO NI ACOSTA HININGI NA SA 70 CASUALTIES SA TIGDAS
(NI BERNARD TAGUINOD) MATAPOS pumalo sa 70 ang namatay sa tigdas sa mahigit isang buwan lamang, nararapat na mag-resign na lamang si Public Attorney’s Offce (PAO) Chief Persida Acosta dahil malaki umano ang kasalanan nito kung bakit natakot ang mga tao na magpabakuna. Ginawa ni Akbayan party-list Rep. Tom Villarin, hindi puwedeng maghugas kamay si Acosta sa Measles outbreak na ikinamatay ng 70 biktima dahil kung hindi aniya ito nagpanggap na medical expert ay hindi nawala ang tiwala ang publiko sa bakuna. “Resign,” panawagan ni Villarin kay Acosta sa gitna…
Read MoreBAR EXAM RESULT ILALABAS SA MAYO
(NI TERESA TAVARES) ILALABAS na ng Korte Suprem sa buwan ng Mayo ang resulta ng 2018 Bar examination. Nabatid mula sa source sa Korte Suprema, itinakda sa May 3, 2019 ang pagsasapubliko ng resulta ng bar. Sa record na inilabas ng 2018 bar confidant, mula sa 8,158 na bilang ng mga bar candidates na kumuha ng exam noong November 4,2018, tatlo lang ang hindi nagtuloy o kabuuang 8,155 ang tagumpay na natapos ang apat na linggo ng exam noong Nobyembre. Ito na ang pinakamataas na bilang ng mga kumuha ng pagsusulit at…
Read More