(NI TERESA TAVARES) TULUYAN nang inabsuwelto ng Pampanga Court ang isa sa mga akusado sa pagpatay sa Korean businessman na si Jee Ick Joo. Sa dalawang-pahinang kautusan na pirmado ni Judge Irenzenaida Buan ng Angeles Regional Trial Court Branch 58, nakasaad na tinatanggal at dapat nang maalis sa restrictive custody ng PNP-Anti Kidnapping Group si SPO4 Roy Villegas dahil nakumpleto na nito ang kanyang mga sinumpaang salaysay. Si Villegas ang tumayong state witness sa kaso at inamin na sangkot sya sa pagkidnap kay Jee sa pag aakala na ito ay…
Read MoreAuthor: Jet
LEGALIDAD NG ML SA MINDANAO BITIN PA RIN
(NI TERESA TAVARES) BIGO ang Supreme Court (SC) na desisyunan ang apat na petisyon na humahamon sa legalidad ng martial law extension sa Mindanao. Ayon sa source sa SC, hindi na natapos ng mga mahistrado ang deliberasyon sa naturang usapin sa isinagawang en banc session kahapon (Feb 12). Nagkasundo ang mga mahistrado na isalang muli sa deliberasyon ang kaso sa susunod na sesyon sa Feb 19. Ito na ang pangatlong pagkakataon na nais palawigin ng pamahalaan ang martial law hanggang December 2019. Ang martial law sa Mindanao ay unang idineklara…
Read MoreDIRECT ASSAULT VS TAHO GIRL IAAKYAT NA SA KORTE
(NI KEVIN COLLANTES) IPINAAAKYAT na ng piskalya sa hukuman ang reklamong isinampa ng isang pulis sa isang Chinese student na nanaboy ng taho sa kanya dahil lamang sa pagbabawal dito na ipasok ang dalang taho sa Boni Station ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa Mandaluyong City, matapos itong makitaan ng probable cause. Sa isang pahinang resolusyon na inilabas ng Mandaluyong City Prosecutor´s Office nitong Pebrero 11, inirekomenda ni City Assistant City Prosecutor Leynard Dumlao ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Article 148 ng Revised Penal Code o Direct…
Read MoreGABINETE, SUNDALO, PULIS BAWAL MANGAMPANYA
(NI LILIBETH JULIAN) IWAS na iwas si Pangulong Rodrigo Duterte sa posibilidad na kahinatnan kapag tumulong sa pangangampanya sa mga kandidato ngayong May 2019 elections ang mga miyembro ng kanyang Gabinete. Ito ay matapos pagbawalan ng Pangulo ang mga Cabinet members nito na mangampanya para sa nalalapit na halalan. Sa isang pahayag, inamin ng Pangulo na bagama’t hindi naman ipinagbabawal, minabuti nitong pagbawalan at hindi pahintulutan ang mga miyembro ng gabinete nito na mangampanya para makaiwas sa anumang masisilip na isyu. “Dapat lang yan, para walang pagdududa, pwedeng isipin kasi…
Read MoreDFA SA OFWs: LUMAHOK, BUMOTO SA MAY ELECTIONS
(NI DAVE MEDINA) HINIYAKAT ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa iba’t ibang panig ng mundo na makilahok at bumoto nitong midterm elections. Sa inilabas na paalaala ng DFA, ang overseas voting para sa 2019 midterm elections ay magaganap sa April 13 hanggang May 13, 2019. Ang kampanya ng DFA kasama ang Comelec para sa Overseas Voting ay may temang “Patibayin ang Ating Demokrasya, Ating Karapatan at Katungkulan” Para sa mga OFWs na nasa iba’t ibang panig ng mundo, maaring bumisita sa pinakamalapit na…
Read MoreDOE: PRESYO NG LANGIS SISIRIT SA ABRIL
(NI DAVE MEDINA) NAGBABALA ang Department of Energy (DOE) na mas tataas pa ang presyo ng produktong petrolyo sa buwan ng Abril. Pinunto ng DOE na apektado ang presyuhan ng produktong petrolyo dahil sa sanction na ibibigay ng United States of America (USA) sa bansang Iraq na pinakamalaking exporter o tagaluwas ng crude oil na pinanggagalingan ng gasolina, krudo, kerosene at iba pang by-products ng petrolyo. Ayon sa DOE, mahirap ng hindi matuloy ang pagpapatupad ng Amerika na sanction sa Iraq. Gayunman, hindi nasisiraan ng loob ang DOE at umaasa sila na…
Read MorePNP NAGPALIWANAG SA SEGURIDAD NI DE LIMA
(NI NICKE ECHEVARRIA) NILINAW ng Philippine National Police ang alegasyon ng umano’y sobrang higpit ng ipinapataw nilang seguridad kay Senador Leila De Lima sa tuwing dumadalo ito sa mga pagdinig sa korte. Ipinaliwanag ni P/SSupt. Vicente Calanoga, Chief ng Directorial Staff ng PNP Headquarters Support Service, na tanging kaligtasan ng senadora ang kanilang pinoprotektahan at ginagawa lamang ng mga pulis ang kanilang trabaho dahil si De Lima ay isang high profile inmate. Kinuwestiyon nina Sister Mary John Mananzan at Ging Deles, dating OPPAP secretary, kasama ang iba pang mga women’s…
Read MoreKINUMPISKANG GAMIT SA MRT3 PWEDE PANG BAWIIN
(NI KEVIN COLLANTES) NILINAW kahapon ng Department of Transportation (DOTr) na maaari pa ring mabawi o makuhang muli ng kanilang mga pasahero ang mga ipinagbabawal na items na kinumpiska sa kanila sa pagsakay sa istasyon ng kanilang mga tren ng Metro Rail Transit Line (MRT-3). Sa isang paabiso, sinabi ng pamunuan ng DOTr-MRT-3 na anumang oras ay maaaring makuhang muli ng mga pasahero ang kanilang mga gamit, mula sa mga Station Supervisor sa istasyon kung saan nakumpiska ang mga ito. Kinakailangan lamang umanong magpakita ng identification cards (IDs) ng mga pasahero upang matiyak…
Read MoreCAMPAIGN PERIOD SINALUBONG NG OIL PRICE HIKE
(NI BERNARD TAGUINOD/PHOTO BY RAFAEL TABOY) DAHIL sumabay ang oil price increase sa pagsisimula ng campaign period sa mga national candidate kasama ang mga party-list group, naging sentro ito ng kampanya ng mga militanteng mambabatas. Sa kanilang kick-off campaign, ginamit ng Gabriela at Bayan Muna party-list group ang nasabing usapin kung saan ibinasura ng mga ito ang depensa ni Pangulong Rodrido Duterte na wala siyang magawa sa oil price increase dahil imported ang produktong ito. “We beg to disagree. We can do a number of things to at least mitigate…
Read More