BORACAY BUMUBUTI; KASAL BAWAL PA RIN

boracay

(Ni FRANCIS ATALIA) BUMUBUTI na ang lagay ng karagatan sa Boracay matapos na bumaba ang coliform level sa silangang bahagi nito kung saan marami ang nagka-kiteboarding at windsurfing, ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR). Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu, pinag-aaralan nila kung isasapubliko na ang Bulabog Beach subalit patuloy pa ring ipagbabawal ang kasal at iba pang kauri nito sa isla. Makakakuha naman ng mga larawan sa beach pero hindi pinapayagan ang pagsusuot ng sapatos. Isa rin sa pinag-iisipan ng DENR ang pagkakaroon ng general manager…

Read More

TEPORA HINUBARAN NG KORONA

tepora

(NI VTROMANO) LAS VEGAS – – SINAYANG ni Filipino WBA interim featherweight champion Jhack Tepora ang pagkakataong mapanood sa mas malaking entablado, nang mabigo itong makuha ang kanyang timbang sa official weigh-in, Biyernes (Sabado sa Manila). Si Tepora ay tumimbang ng 131 1/2 pounds, sobra ng 5.5 pounds para sa 126-pound championship fight weight limit laban kay Hugo Ruiz. Nitong Huwebes, nakausap ng Pinoy mediamen si Tepora, kumpiyansa nitong sinabi na kaya niyang bawasin ang six pounds na sobra sa timbang niya. Katuwiran niya ay ganoon din daw ang nangyari…

Read More

MOCK ELECTIONS ISINAGAWA NG COMELEC

MOCK by JUN SUMAWAY

(PHOTO BY JUN SUMAWAY) ISINAWAGA ng Commission on Elections (Comelec) ang mock elections, Sabado ng umaga, sa 60 lugar sa buong bansa bilang paghahanda sa May 2019 polls. Nilalayon nito na ayusin ang iba pang security features, pagtatama at nang hindi pumalpak ang automated electoral system. Sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na ang mock elections ay ginawa sa 69 lugar tulad ng Quezon City, Manila, Pasig, Taguig, Pateros, Valenzuela, Muntinlupa, Pangasinan, Cagayan, Sorsogon, Camarines Sur, Cebu, Bohol, Zamboanga del Norte, Davao del Sur, South Cotabato, Sulu, at Basilan. Gumamit…

Read More

FINAL WEIGH-IN: PACMAN, BRONER PASOK

PAC1

PASOK sa welterweight division na 147-lb limit sina WBA welterweight champion Sen. Manny Pacquiao na may timbang na 146 lbs at ang American challenger na si Adrien Broner na may 146.5. Hawak ni Pacquiao ang championship belt na kanyang idedepensa sa laban bukas sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas. Kapansin-pansin sa Final Weigh-in na marami ang tagahanga ng fighting senator at tiwalang kaya nitong talunin si Broner sa laban via knock-out. Tumanggi naman si Pacman na kumpirmahin kung magkakasagupa niya si Floyd Mayweather Jr ngayong taon. Ayon sa…

Read More

HENRY SY, SR. YUMAO NA

henry sy

NAMATAY na ang retail tycoon Henry Sy, Sr, ayon sa report, Sabado ng umaga. “With deep sadness, I would like to inform the group that our beloved Chairman Tatang, Mr. Henry Sy Sr, passed away peacefully in his sleep early Saturday morning. Please pray for the eternal repose of his soul,” sabi ni Steven Tan, SM Supermalls COO, sa inilabas na statement. Ang 94-anyos na founder ng SM group ay nasa listahan ng Forbes bilang isa sa pinakamayayamang tao sa bansa na may net worth sa tinatayang $19 billion. Bago…

Read More

2 PANGALAN PINAGPIPILIAN NI MARIAN, DONG

(NI ROMMEL GONZALES) DALAWA na ang mga pangalang pinagpipilian nina Marian Rivera at Dingdong Dantes para sa ikalawa nilang anak na ipapanganak ngayong summer. “Pero tinitimbang pa at humihingi pa si Dong kay Lord ng sign kung ano sa dalawa na yun. “Pero ako, okay na ako. Ano man sa dalawa na yun, okay ako.” Baby boy ang magiging kapatid ni Zia Dantes na panganay nina Marian at Dingdong. Mas malikot raw ang ipinagbubuntis ngayon ni Marian. “Minsan sobra, na parang, ‘Anak…’ Inuusog ko na siya. “Sabi ko nga kay…

Read More

COTABATO MALL BOMBER HULI SA BOL RALLY

usman

HINDI pa batid ng pulisya ang motibo ng dinampot na suspect sa pambobomba ng mall sa Cotabato noong bisperas ng Bagong Taon ngunit malaki umano ang posibilidad na manggugulo na naman ito sa isinagawang peace rally ng Bangsamoro Organic Law. Si Datu Muhaliden Usman, ng Barangay Rosary Heights 3, Cotabato City ay dinampot kasabay ng Peace Assembly for the Ratification ng BOL sa Shariff Kabunsuan Complex Bangsamoro Palace sa Cotabato City. Ang okasyon ay dinaluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte. Si Usman ay nakunan ng CCTV na umano’y naglagay ng bomba…

Read More

BILYONES KITA SA ILLEGAL BIDDING INAMIN NI DIOKNO

bid300

(NI BERNARD TAGUINOD) AMINADO na umano si Department of Budget and Management Secretary Benjamin Diokno sa media, na totoong ang kanyang tanggapan ang nagpa-bidding sa mga proyekto ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno tulad ng Department of Transportation (DOTr), na umaabot sa P168 billion noong nakaraang taon. “As we conduct our next hearing on Monday, we will even show that the DBM earned billions from these anomalous transactions. All these money, unaccounted for according to COA (Commission on Audit),” ayon kay House Majority Leader Rep. Rolando Andaya Jr. Dahil dito,…

Read More

ABOGADO SIBAK SA SEXTORTION

sc

(NI TERESA TAVARES) SINIBAK ng Korte Suprema sa “roll of attorneys” ang pangalan ng abogado at dating opisyal ng National Home Mortgage Finance Corporation dahil sa “sextortion”. Sa 15-pahinang per curiam decision ng Supreme Court en banc, napatunayang guilty sa gross immoral conduct at mga paglabag sa Code of Professional Responsibility si Atty Antonio N. De Los Reyes, dating vice-president ng Legal and Administrative Group ng NHMFC. Sinabi ng Korte Suprema na inabuso ni Delos Reyes ang kanyang kapangyarihan para makakuha ng sexual favors mula sa sekretarya nito. Binigyang-bigat ng…

Read More