BAGO magsimula ang laban ni Manny Pacquiao kay Adrien Broner, nakitang pumasok sa locker room ng pambansang kamao si Floyd Mayweather at binati ang dati niyang katunggali. Tulad ng inaasahan, hindi magkamayaw ang mga tao sa tuwing ipinakikita ang boxing hero habang naghahanda sa kanyang laban. 904
Read MoreAuthor: Jet
HALOS 100 NA STRANDED KAY ‘AMANG’
UMAABOT na sa 94 pasahero ang stranded sa Lipata Port Surigao del Norte dahil sa bagyong ‘Amang’ matapos maisama sa signal number 1 ang lalawigan. Pinayagan namang makabiyahe ang 27 rolling cargos. Sa Baseport patungong Siargao ay 22 na ang pasaherong stranded at 11 sasakyang pandagat ang hindi nakabiyahe. May ipinalabas din na heavy rainfall warning No. 5 para sa Dinagat Island, Siargao island, Surigao del Norte, Surigao del Sur at Agusan del Sur kasama na ang Davao Oriental at Compostela Valley na nangangahulugang nanatiling banta ang pagbaha at landslide…
Read MoreRoRo TUMAGILID, 126 PASAHERO NASAGIP
(NI CARL REFORSADO) NASAGIP ng Philippine Navy ang aabot sa 126 na pasahero at crew ng isang cargo vessel matapos itong muntik lumubog sa dagat at ma-stranded ng halos dalawang oras sa Camotes island sa Carmen, Cebu Sabado ng hapon. Ayon kay Lt. Commander Danish Ruiz, acting commanding officer ng ng BRP Alfredo Peckson ng Philippine Navy, nagmula ang M/V Melrivic 2 sa Pingag Ferry terminal sa bayan ng Isabel, Leyte patungo sana ng Danao City sa Cebu. Dakong alas 11:30 ng tanghali nang matanggap ng Philippine Navy and distress…
Read MoreRURU MASAYA SA BADING NA SUPPORTERS
(NI ROMMEL GONZALES) Guwapong hunk, ano ang reaksyon ni Ruru Madrid na maraming bading ang nagnanasa sa kanya? “Sobrang masaya kasi actually ako po kasi, nakikita ko po kasi ang suporta ng LGBT community, na sobrang solid! “Na to the point na ibang klase, na makikita mo na solid sila sa iyo, na grabe ang suporta nila sa iyo. “At tsaka wala po kasing sobrang bastos na sinasabi. Kumbaga hindi po nila ako binabastos. Natutuwa po ako sa mga comments nila every time na nagpo-post ako ng picture sa Instagram,…
Read MorePACQUIAO TATANGGAP NG HIGIT P1-B SA LABAN
(NI FRANCIS ATALIA) MAHIGIT umano sa P1 bilyon ang makukuhang premyo ni fighting senator Manny Pacquiao bilang kabuuang premyo sa pakikipagsagupa niya kay Adrien Broner ngayon (Sabado ng gabi) sa Las Vegas, Nevada. Batay ito sa opisyal na kontrata ng Pambansang Kamao na inihain sa Nevada State Athletic Commission. Nabatid na ang fight purse ni Pacman ay nasa $10 million dagdag pa rito ang percentage sa kikitain sa mga pay-per-views. Matapos ang laban ni Pacquiao, agad daw siyang babayaran ng $10 million at pagkaraa’y magbabayad naman siya ng federal income…
Read MoreMAYWEATHER INAABANGAN SA ARENA
(NI VIRGI T. ROMANO, SAKSI Sports Editor) LAS VEGAS – – LAHAT ng mata ay mag-aabang sa iisang tao na manonood sa sagupaan nina Manny Pacquiao at Adrien Broner, Sabado ng gabi (Linggo ng umaga sa Manila), kung saan itataya ng Pambansang Kamao ang kanyang WBA welterweight crown sa MGM Grand Garden Arena. Ang taong iyon ay walang iba kundi si Floyd Mayweather Jr. Ayon sa mga taong malalapit kay Pacquiao, kinakailangan lamang umanong manalo ng Fighting Senator kay Broner at kasado na ang rematch nila ni Mayweather. May mga…
Read MoreKILO-KILONG KARNE NASABAT SA NAIA-BoC
SA harap ng paghihigpit ng Bureau of Customs (BoC) na makapasok sa bansa ang African swine fever epidemic, may mahigit sa 1,000 kilo ng karne ang nasabat sa NAIA. Sinabi ng BoC na mula nang pumutok ang balita sa African swine fever ay nag doble bantay na ang mga tauhan nito para hindi makapasok sa bansa ang mga karne na sinasabing may bitbit na ASW. Umaabot na din umano sa mahigit isanglibong kilo ng kare na walang sanitary at phyto sanitary clearance na naitala sa NAIA terminal. Patuloy din na…
Read MoreLPA MAGIGING BAGYO SA LOOB NG 36 ORAS
(NI ABBY MENDOZA) NASA loob na ng Philippine Area of Responsibility(PAR) ang Low Pressure Area (LPA) at sa loob ng 24 hanggang 36 oras ay magiging bagyo at tatawaging bagyong Amang. Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa) alas 10:00 ng umaga nang Sabado nang pumasok sa PAR ang LPA at huli itong namataan sa Hinatuan, Surigao del Sur. Sa Linggo ng gabi ang inaasahan nitong paglandfall at pagtama sa lupa ay hihina at babalik sa pagiging LPA. Asahan umano ang katamtaman hanggang malakas na pagulan Sabado…
Read MoreBAKBAKAN NA!
(NI VTROMANO) LAS VEGAS – PATUTUNAYAN ni eight-division world champion Manny Pacquiao na ‘Life begins @ 40.’ Ang ganda ng ngiti ni Pacquiao sa kabuuan ng official weigh-in, Biyernes (Sabado sa Manila) sa MGM Grand Garden Arena, mababakas sa kanyang mukha ang kumpiyansa sa 12-round battle nila ni Adrien Broner, kung saan taya ang kanyang WBA welterweight belt. Unang tumapak sa timbangan si Broner at tumimbang ng 146.5 pounds. Naghiyawan ang mga tagasuporta ni Pacquiao nang ianunsyo ang kanyang timbang na 146 pounds. “I’m happy to be back here and…
Read More