(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI isinasantabi ng isang mambabatas sa Kamara na seryosohin ng mga corrupt na pulitiko ang pagkidnap at pagtorture sa mga taga-Commission on Audit (COA) dahil sa panibagong “joke” o biro ni Pangulong Rodrigo Duterte. Maliban dito, natatakot si Akbayan party-list Rep. Tom Villarin na tuluyan ng gumuho ang anti-corruption drive ng Duterte administration dahil pinag-iinitan nito ang mga taga-COA. Karaniwang ang mga pulitiko ang iniimbestigahan ng COA sa maling paggamit ng pondo ng bayan kaya kung mayroong natutuwa sa biro na ito ni Duterte ay ang mga corrupt…
Read MoreAuthor: Jet
TROLLS WAWALISIN SA SOCIAL MEDIA
WAWALISIN na ang mga trolls o mga pekeng account sa social media upang maproteksyunan ang mga lehitimong mamamayan sa cyber-bullying at iba pang krimen. Bumuo na ang House committee on information and Technology na pinamumunuan ni Tarlac Rep. Victor Yap ng Technical Working Group (TWG) para pag-isahin ang mga panukalang batas na magreregulate sa paggamit ng social media sa bansa. Kabilang sa dalawang panukala para sa regulasyon ng paggamit ng social media ay ang House Bill (HB) 4093 na inakda ni Negros Oriental Rep. Arnulfo Teves Jr., kung saan nais…
Read MoreOMBUDSMAN INTERESADO KAY DIOKNO
(NI BERNARD TAGUINOD) INTERESADO ang Office of the Ombudsman sa flood control project scam na iniimbestigahan ngayon ng liderato ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo. Kinumpirma ito ni House Majority Leader Rolando Andaya Jr., matapos makipag-ugnayan umano ang mga Field Investigator ng Office of the Ombudsman sa kanyang pinamumunuang House Rules Committee ukol sa nasabing usapin. Ayon kay Andaya, malamang na nakakita agad ng red flags sa katiwalian sa flood control projects na ibinuhos ng Department of Budget and Management (DBM) sa Sorsogon mula 2017 hanggang 2018 na nagkakahalaga ng…
Read MorePANIG NI BELLO SA EXTORTION HINIHINTAY NG PACC
HINIHINTAY ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ang panig ni Labor Department Silverio Bello III dahil sa pagkakasangkot umano nito sa extortion. Sinabi ni PACC chair Dante Jimenez na makapagkakatiwalaan ang source na nagsabi sa kanilang ahensiya tungkol sa pangingikil umano ni Bello sa mga manpower agencies na nagpapadala ng Pinoy workers sa ibang bansa. Batid naman umano ni Bello ang akusasyon laban sa kanya noon pang isang taon nang masangkot ang dati niyang undersecretary sa P6.8-million extortion case sa Azizzah Manpower Services. Ang halaga umano ay para kay Undersecretary Dominador…
Read MoreBOMB JOKE, DILG EMPLOYEE ARESTADO
INARESTO ang isang empleyado ng Department of Interior and Local Government matapos umano ang bomb joke ilang oras bago dumating si Pangulong Rodrigo Duterte sa Cunesta Astrodome sa Pasay City. Si Elsie Castillo, local government operations officer VII ng DILG ay inaresto at iniimbestigahan sa Southern Police District. Si Castillo ay inireklamo ni Corporal Junalyn Ungab, ng Presidential Security Group. Si Castillo umano ay pumasok sa Cuneta Astrodome bandang alas-11:50 ng tanghali at nang sinisiyasat ang bag nito ay nagsabi umano ang suspect na “Ma’am, hindi mo ba kakalkalin, may…
Read MoreAYUDA SA NAPATAY NA OFW SA SAUDI
NANGAKO ang Department of Foreign Affairs (DFA) na tutulungan ng ahensiya ang pamilya ng Pinoy worker na napatay sa saksak ng kapwa niya Pilipino sa Saudi Arabia. “Gagawin naming ang lahat ng makakaya para matulungan ang pamilya at maiuwi sa bansa ang bangkay ni Monico Basco Manansala, ng Sasmuan, Pampanga,” ayon kay Ambassador to Saudi Arabia Adnan Alonto. Ang biktima ay nagtatrabaho bilang subcontractual sa Rimakl Alswahel Co. Hindi pa umano batid ang dahilan ng pagpatay sa biktima at hindi pa rin inilalabas ang pangalan ng Pinoy na nakapatay dahil…
Read MoreMANILA BAY LILINISIN, ‘PASAWAY’ ISASARA
IPASASARA ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga establisimyento sa paligid ng Manila Bay na mapatutunayang nagtatapon ng basura at dumi sa Manila Bay. Inatasan ng Pangulo sina Interior and Local Government Secretary Eduardo Ano at Environment Secretary Roy Cimatu na linisin ang Manila Bay sa madaling hinaharap. Nararapat na umanong linisin ang Manila Bay dahil patay na ito sa dami ng itinatapong basura mula sa mga malalaking establisimyento sa paligid nito. Kagabi ay dumalo ang Pangulo sa Barangay Summit for Peace and Order sa Pasay City kung saan sinabing hindi…
Read MoreTRASLACION USAD-PAGONG SA MILYONG DEBOTO
(NI JET D. ANTOLIN/PHOTO BY KIN LUCAS) MABAGAL na pag-usad ng prusisyon ang inaasahan hanggang mamayang hatinggabi kasabay ng hindi na halos mahulugang karayom na deboto na lumahok sa taunang prusisyon ng Itim na Nazareno. Hanggang kaninang alas-6 ng umaga ay umaabot na sa halos kalahating milyon ang debotong dumagsa sa Quirino grandstand para masilayan ang milagrosong Itim na Poon ng Nazareno na sinasabing nagpapagaling sa mga sakit at tumutupad sa kahilangan ng deboto. Mahigit naman sa 200,000 katao ang nagpasyang matulog sa Luneta Park para makauna sa prusisyon at…
Read More1K RESIDENTE ILILIKAS DAHIL SA MALAMBOT NA LUPA SA CAMSUR
NAGA CITY – Habang lumalakad ang araw ay patuloy na nadaragdagan ang biktima ng landslide dahilan para ilikas na ang may 1,000 residente sa posible pang mga pagguho ng lupa sa Barangay Iraya, Buhi, Camarines Sur. Masyado umanong malambot ang lupa sa maraming lugar sa Camarines Sur kaya’t nagdesisyon nang ilikas ang mga residenteng nakaligtas sa mga pagguho. Kagabi ay may report sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga narerekober na bangkay. Umaabot na sa 22 biktima ang nakuha habang marami pa ang iniulat na nawawala. Nagpasiya na rin…
Read More