ASAHAN umano ang pagbaba ng singil sa koryente dahil sa mababang generation charges, ayon kay Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga. Sinabi ni Zaldarriaga na umaasa sila sa pagbaba ng singil subalit wala pa umanong eksaktong rate na inilalabas ang kanyang ahensiya. “Hindi pa namin alam ang rate pero tyak na mararamdaman ito ng consumers,” sabi pa ni Zaldarriaga. Ang power rates ay kadalasan umanong mababa tuwing Enero dahil nagagamit pa umano ang outage allowance noong nakaraang taon. Nakatakda namang ianunsiyo ng Meralco ang aktuwal na rate ngayong linggo. 559
Read MoreAuthor: Jet
MGA GURO TAKOT MA-TOKHANG
(NI BERNARD TAGUINOD) NABUKO ang “profiling” o paniniktik sa mga guro nang mag-iwan ang mga pulis ng kopya ng memoranda sa mga eskuwelahan na kanilang pinuntahan para alamin kung sino-sino ang mga miyembro ng Alliance of Concerned Teachers (ACT). Hindi maitago ni ACT Party-list Rep. Antonio Tinio ang pangamba na malalagay sa panganib ang mga guro na tiniktikan ng pulisya lalo na’t talamak ang pagsasampa ng mga walang batayang kaso at ang nangyayaring extrajudicial killings. “Ang pangamba natin, ang pamamaraan ng tokhang, ang madugong giyera kontra droga ng Duterte administration ay…
Read MorePIÑOL, 3 PA SABIT SA KORUPSIYON
(NI LILIBETH JULIAN) KABILANG si Agriculture Secretary Manny Piñol sa mga Gabinete ng Pangulong Rodrigo Duterte na iniimbestigahan ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC). Ito ang ibinunyag ni PACC Commissioner Manuelito Luna, na nagpahayag na pang apat si Secretary Piñol dahil na rin sa nagboluntaryong pagsasailalim lifestyle check. “Boluntaryo po siyang nagpapasailalim sa lifestyle check at nagpasa po sya ng bank wavers,” pahayag ni Luna. Una nang inihayag ni Luna na iniimbestigahan na sina Labor Secretary Silvestre Bello III, TESDA Director General Isidro Lapena, at National Commission on Indigenous People Chairperson, Atty.…
Read MoreP50-M REWARD IBIGAY SA ‘HIT MAN’ – ALBAYALDE
(NI CARL REFORSADO) SI Emmanuel Judavar umano ang nararapat na tumanggap ng P50 milyon reward money sa Batocabe case ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde dahil ito ang pagunahing witness upang makilala ang mga suspek gayundin ang mastermind ng pagpatay. Actually sya ang nagwitness una kaya sya ang tatanggap ng lahat doon sa ibibigay na reward kung kailan man ibibigay yung reward na iyon. Not necessarily, hindi ko alam kung para sa kanya lahat yun, napakalaking halaga naman nun pero sya ang tatanggap doon sa…
Read MoreDIOKNO IWAS PUSOY
(NI BERNARD TAGUINOD) UMIIWAS mapusoy si Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno kaya imbes na humarap sa imbestigasyon sa flood control project scam ay nagtatago ito sa ‘Executive privilege”. Ito ang pananaw ni House majority leader Rolando Andaya, dahil sa patuloy na pagtanggi ni Diokno na humarap sa imbestigasyon dahil sa payo umano ng Executie Department. “Secretary Diokno is ill-advised to invoke executive privilege to avoid confronting the evidence piling up against him. Maybe, it should be the right against self-incrimination that he should invoke,” ani Andaya. Maliban dito,…
Read MoreBALDO WALA NANG KONTROL SA DARAGA POLICE
MAHIGPIT na ipinag utos ng National Police Commission (NAPOLCOM) na alisin na sa kamay ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo, ang local police sa Daraga simula kahapon. Ayon kay Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, chair ng NAPOLCOM, ang deputation authority ni Mayor Baldo ay tulungan nang inalis matapos itong isangkot na umano’y utak sa pagpaslang kay Ako Bicol partylist Rep. Rodel Batocabe. Si Baldo ay kinasuhan na ng double murder at six counts ng frustrated murder si Mayor Baldo at mga tauhan nitong sina Henry Yuson, Jaywin Babor,…
Read MoreBIOPIC NG KANDIDATO BAWAL SA SINEHAN
(NI MITZI YU) PINALALAHAN ng Commission on Elections (Comelec) ang mga sinehan na magpapalabas ng mga pelikulang hango sa buhay ng mga kandidato sa panahon ng kampanya ngayong darating na halalan. Ayon kay Comelec spokesperson Director James Jimenez, sa ilalim ng election rules, ipinagbabawal ang pagpapalabas ng mga pelikulang nagpapakita sa isang kandidato o tungkol sa buhay ng mga ito sa panahon ng kampanya. Aniya, maaaring maharap sa electoral offense ang mga sinehang lalabag sa nasabing kautusan kung saan maaaring makulong ang mga mapatutunayang nagkasala ng hindi bababa sa isang…
Read MoreOFWs MABANGO SA RUSSIA
(NI BERNARD TAGUINOD) DAHIL sa kanilang work ethics, maganda ang trato ng mga bansa na miyembro ng Russian Federation sa mga overseas Filipino workers (OFWs). Ito ang nagtulak sa Kongreso na aprubahan ang House Resolution 2347 na inakda ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo pa humiling kay Pangulong Rodrigo Duterte na ipursige ang negosasyon sa Russian Federations para sa kapakanan ng mga OFWs na nagtatrabaho sa kanilang bansa. Nakasaad sa resolusyon na sa ngayon ay umaabot sa 6,057 OFWs na nagtatrabaho sa Russia, Armenia at Ukraine at hindi pa kasama…
Read More40 ‘NUISANCE’ CANDIDATES TINANGGAL NG COMELEC
WINALIS ng Commission on Elections (COMELEC) ang 40 katao na naghain ng certificate of candidacy (CoC) sa pagkasenador para sa 2019 midterm elections. Posible pa umano ng madagdagan ang bilang sa mga susunod na araw, ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez. Sinabi ni Jimenez na hindi lamang umano ang pagiging ‘nuisance’ kundi sapat umano ang basehan ng COMELEC para sila ay ma-disqualify. Inaasahang mailalabas na ang buong listahan ng mga kakandidato sa nalalapit na eleksiyon sa huling linggo ng Enero. 403
Read More