GRAFT CASE NI BONG HILING MAILIPAT SA QC COURT

bong

(NI TERESA TAVARES) HIHINGI ng go-signal ang Sandiganbayan sa Supreme Court upang idaos sa isang korte sa Quezon City ang paglilitis sa kasong graft laban kay Senador Ramon Bong Revilla Jr. at sa iba pang kapwa akusado. Ayon kay Sandiganbayan First Division chairperson Associate Justice Efren dela Cruz, sa ilalim ng Rules of Court, dapat idaos ang pagdinig sa New Bilibid Prisons (NBP) kasunod ng pagkakahatol na guilty sa dating legislative aide ni Revilla na si Richard Cambe at sa utak umano ng pork barrel scam na si Janet Lim Napoles. Si Cambe ay…

Read More

BoC MAY MGA BAGONG XRAY MACHINES

boc

(NI DAHLIA SACAPANO) NAGLAGAY ng karagdagang 50 bagong xray machines ang Bureau of Customs sa mga paliparan at pantalan sa buong bansa. Labing limang fixed baggage xray machines, 25 hand carried baggage xray machines, apat na mobile baggage xray machines at 6 na portal type xray machines na ngkakahalaga ng P1.2 bilyon ang nakatakdang i-install ngayong taon ayon kay custom Chief Leonardo Guerrero. Dagdag pa niya ang mga machine ay may kakayahang makatagos sa mga pinakasulok na parte ng isang kargamento. Kaya din nitong malaman ang mga organic at inorganic…

Read More

PWDs SA PHILHEALTH APRUB NA SA KONGRESO

philhealth

(NI BERNARD TAGUINOD) PIRMA na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kailangan at otomatikong pasok na bilang miyembro ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) ang humigit kumulang isang milyong Filipino na may kasapasanan. Ito ay matapos ratipikahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang Bicameral conference committee report para sa mandatory Philhealth coverage ng mga PWDs sa bansa. Base sa statistika noong 2010, 1.23 sa populasyon ng Pilipinas ay may kapansan kaya umaabot ang mga ito sa 935,551 at inaasahan na lumaki pa ito sa nakaraang walong (8) taon. Sa pinagtibay…

Read More

EX-RCBC BANK MANAGER KULONG SA NAKAW NA $81-M

rcbc

GUILTY sa money laundering si Maia Deguito, dating branch manager ng Rizal Commercial Banking Corp. (RCBC), sa cyber heist na $81 million mula sa central bank ng Bangladesh bank noong 2016. Matapos ang promulgasyon ng Makati Regional Trial Court Branch 149 convicted si Deguito sa walong counts ng paglabag sa Anti-Money Laundering Act.  Kulong ng apat hanggang pitong taon para sa bawat count at inatasang magbayad ng mahigit sa $109 milyong danyos SI Deguito. Ayon sa kasong isinampa noong 2017, si Deguito umano ang nanguna sa paglilipat ng laundered money…

Read More

TRASLACION NAG-IWAN NG GABUNDOK NA BASURA

deboto

AABOT sa hanggang 12 truck ng basura sa mga rutang dinaanan ng Traslacion ang maghahakot sa inaasahang basura matapos ang prusisyon, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Huwebes ng umaga. Sinabi ng MMDA na kaninang umaga ay nakakolekta na ang ahensiya ng pitong truck ng basura at iyon ay sa Quirino Grandstand pa lamang kung saan nagsimula ang Traslacion. “‘Yung sitwasyon ng basura, hindi pa ho natin naga-gather lahat pero ‘yung sa Quirino Grandstand nakakolekta tayo ng five to seven trucks, so medyo malaki po ‘yun kasi ‘yung isang…

Read More

MPD OFFICIAL INIREKLAMO NG PANANAKIT SA TRASLACION

police

INIREKLAMO ng tatlong tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang umano’y pananakit sa kanila ni C/Insp. Alden Panganiban, deputy station commander ng MPD station 11. Sinabi ng mga nagrereklamo, ng Regional Personnel Holding and Accounting Unit at Regional Support Unit,  na hindi umano nagkaroon ng pagkakaintindihan ang kanilang grupo at ni Panganiban, sa pagpapatupad ng kaayusan sa Traslacion ng Poong Nazareno. Sinabing hindi umano nasunod ng ilang pulis ang utos ni Panganiban kaya’t kumuha ito ng kahoy at pinagpapalo ang mga naka-deploy na tauhan. Hindi pa nagbibigay ng…

Read More

HIV-AIDS LAW PIRMADO NA NI DUTERTE

aids

PIRMADO na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine HIV and AIDS Policy Act of 2018 na naglalayong makatulong sa pagtugon sa problema ng mga ganitong uri ng sakit sa bansa. Napapanahon umano ang pagkakapasa at paglagda sa batas sa harap ng ulat ng Department of Health (DoH) na ang Pilipinas ay may pinakamataas na pagdami ng kaso ng HIV sa Asia-Pacific region mula 2010 hanggang 2016. Inihayag ni Sec. Panelo na ang pagpirma sa batas ay  makakatulong nang malaki sa pagbawas ng “stigma” sa mga pasyenteng may sakit na HIV…

Read More

DAGDAG-BUWIS SA ALAK, YOSI MINAMADALI NI DU30

yosi

(NI LILIBETH JULIAN) PURSIGIDO si Pangulong Rodrigo Duterte na ipatupad na sa lalong madaling panahon ang panukalang batas para sa pagpapataw ng dagdag-buwis sa alak at sigarilyo. Sa talumpati ng Pangulo sa Barangay Summit on Peace and Order sa Pasay City kahapon, binigyan diin nito ang masamang epekto sa kalusugan ng labis na paninigarilyo at pag inom ng alak. Ayon sa Pangulo, walang ibang maidudulot ang sigarilyo at alak kungdi ay ang pagkakaroon ng karamdaman gaya ng cancer o pneumonia. “Gaya ng aking ama, maagang pumanaw dahil sa labis na paninigarilyo. Wala…

Read More

600 DEBOTO BINIGYAN NG FIRST AID

Traslacion by AJ GOLEZ

(NI SAMANTHA MENDOZA/PHOTO BY AJ GOLEZ) NASA may 600 deboto lumahok sa Traslacion ng Poon ng Itim na Nazareno, ang binigyan ng “first aid ” ng Philippine Red Cross. Ang mga deboto ay nahilo, tumaas ang dugo at nasugatan. Sa huling tala nitong alas-11 ng umaga  nasa may 600 ang kabuuang deboto na ang naitalang dumulong sa Red Cross. Sa 600 deboto, 468 ang nagpasuri ng blood pressure, 163 ang mga dumulong na nahihirapan huminga, nahihilo, pasa, malalim na sugat, sakit ng ngipin at iba pa. Kabilang sa bilang apat…

Read More